"Zari, ano sabi sayo ng teacher natin sa AP? Bakit ayaw pirmahan ni mam yung clearance mo?"
"Hindi ko alam Elle, hindi ko pa pinupuntahan si mam sa faculty nila."
"Puntahan mo na, baka hindi ka makasama sa graduation."
Alam ko na baksak ako sa subject namin sa AP (Araling Panlipunan) dahil simula nung November, hindi na ako pumapasok sa school. Lagi na lang akong nag Cutting Classes. Nakatambay lang ako sa baba at malalim ang iniisip. Alam ko sa sarili ko na hindi ako makakatuntong sa stage. Lahat ng classmate ko, halos malapit na makumpleto clearance nila. Samantalang ako... Mukang malabong makumpleto. Ang tangi lang nakapirma dito sa clearance ko, adviser ko sa English.
Ilang araw na lang, ipapasa na nila clearance nila sa adviser namin. Paano ko ba ito aayusin.
"Zari, okay ka lang ba?"
Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Clark, isa kong classmate at nakita ko sa hawak nya na kumpleto na agad clearance nya. Pirmado na lahat ng subject teachers namin.
"Okay lang ako Clark, buti ka pa kumpleto na. Ipapasa mo na ba yan kay mam?"
"Oo, zari. Ikaw? Tapos ka na ba?"
Bigla ko tinago yung papel sa bag ko, sabay sarado. "Malapit na Clark, may problema lang."
"Gusto mo ba samahan kita? Tulungan na rin kita makumpleto clearance mo. Sama ka samin, wala ka naman mapapala sa mga classmate nating babae."
"Hayaan mo na lang Clark, makukumpleto ko rin to."
"Sa friday na deadline ng clearance, tara na." Hinatak nya ang kamay ko at sabay kaming dalawa umakyat papuntang faculty ng Values Teacher. Pagkarating namin sa labas ng Faculty Room, bumitaw ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Oh bakit?" Tanong ni Clark sa akin at nakatingin na nagtataka.
"May atraso ako kay mam, sesermunan lang ako nyan sa loob."
"Okay lang yan, kung kinakailangan na saluhin mo ang lahat ng sama ng loob ni mam sayo. Gawin mo kesa naman hindi nya pirmahan yan."
Tumingin ako sa kanya ng masama, sabay buntong hininga. "Samahan mo ako sa loob, Clark."
Kabadong kabado ako na binuksan namin ng sabay ang pinto at pagpasok namin sa loob, dalawang teacher lang ang nasa loob ng Faculty, isa na dun ang teacher namin sa Values. Tinulak ako ng marahan ni Clark para maglakad para lapitan si Mam.
"Oh Ville? Napirmahan ko na Clearance mo ah!?"
"Mam, magpapa pirma po si Zari ng clearance."
Napatingin naman si Mam sa akin, ang muka nya, biglang nagbago at naging seryoso.
"Labas ka muna Ville, mag-uusap lang kami ni Estillore."
Bago umalis si Clark sa tabi ko, bumulong sya sakin "kaya mo yan, isipin mo na lang para yan sa Clearance" sabay lakad sya palabas ng Faculty Room. Ako naman na naiwan, kabadong kabado.
"Umupo ka Estillore"
Sumunod kaagad ako sa sinabi ni mam sa akin. Hindi ko alam ano sasabihin ko sa kanya para lang pirmahan nya yung clearance ko.
"Bakit hindi ka pumapasok sa klase ko?" Tiningnan nya ako mata sa mata. "Ang sabi sa akin ng iba mong kaklase nasa baba ka raw nakatambay. Ano ginagawa mo dun?"
Nanginginig mga labi ko na pinipilit kong sumagot kay mam "W-wala p-po M-mam"
"Paano ko pipirmahan Clearance mo? Ni hindi ka nga nagpasa ng Project mo."
BINABASA MO ANG
Identity Of Me
RomanceSa kabila nang naranasan ko sa buhay, hindi ko lubos akalain na ito pala ang magbibigay sa sarili ko upang maging matatag. Dahil sa naranasan ko, mas lumawak pa ang aking pag unawa. Mas naiintindihan ko na ang lahat, pero marami parin akong mga tano...