7am na ako nagising, nakarinig kasi ako ng ingay. Pagmulat ko ng aking mata, bumungad sa aking ang nurse, may nilalagay sya sa tubo ni Mama. Parang pagkain, at nakita ko naman sa ibaba ng paanan ni Mama ang isang bag na parang ihi nya. Masyado itong madilaw. Bumangon ako kaagad at lumapit ng konti sa ginagawa ng nurse kay Mama. Napatingin naman saglit ang nurse sa akin.
"Good Morning" pagbati nya sa akin habang nakangiti.
"Ano po ginagawa nyo?" Tanong ko kay nurse.
"Pagkain ito ng lola mu"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya sa akin "Hindi ko sya lola, Mama ko sya."
"Ay sorry." Naka focus lang sya sa ginagawa nya, dahan dahan nyang nilalagay ang pagkain ni Mama sa tubo. Masyado itong durog na maihahambing sa cornbeef na kakabukas palang sa de lata.
Bumukas naman ang pinto ang pumasok si Papa, may dalang tinapay at milo. Nilagay nya kaagad sa mesa, sabay lapit kay nurse.
Bakit milo binili ni Papa? Alam naman nyang mahina sikmura ko sa milo. Malamang tatawagin nanaman ako ng kalikasan bago pumasok sa School.
Napatingin naman si Papa sa akin. "Zari, mag almusal ka na, para maaga ka makapasok. Wala na akong nakitang Energen kaya Milo na lang binili ko." Nakita nya sigurong tinititigan ko yung Milo na binili nya.
"Papa wala bang asukal?"
"Wag ka na mag asukal, Zari."
"Pero matabang itong Milo eh" sabay umupo ako malapit sa mesa.
"Diba sabi sayo ni Mama na bawal sayo masyadong matamis? Magkakaroon ka nanaman ng Tonsil nyan."
Parang isang konting asukal lang, tonsil agad?
Hindi na ako nagsalita kay Papa, at kinuha ko na ang Milo na binili nya. Ayoko naman marinig ni Mama na nagrereklamo ako sa harap ng pagkain. Lagi kasi ako sinasabihan ni Mama na masama daw magreklamo sa harap ng pagkain. Dapat matuto daw makuntento kung ano ang nasa harapan ko. Dagdag pa ni Mama sa akin na, kapag nagrereklamo daw sa harap ng pagkain, magtatampo daw ang grasya.
"Okay na po, nailagay ko na po ang pagkain nya. Babalik po ako kaagad para kunin po ang ihi nya." Pagpapaalam ng Nurse sa Papa ko.
"Sige Nurse, Salamat."
Pagkalabas ng Nurse sa kwarto, sumalo naman si Papa sa akin sa pag aalmusal.
"Zari, mamaya ba pupunta ulit dalawa mong kaklase dito?"
"Hindi ko alam, Papa." Sabay higop ko sa baso ko.
Ang tabang talaga kapag walang asukal. Para lang akong umiinom ng mainit na tubig.
"Alam na rin ba ng mga Guro mo sa Eskwelahan mo?"
"Yung ibang Guro ko, alam na pero yung iba. Hindi pa." Sabay kagat naman ng tinapay na hawak ko.
Napatingin naman si Papa sa mga daliri ko. "Napano yan? Bakit may mga galos ka?"
Napatingin rin ako sa sarili kong mga daliri. Oo nga pala, nakipag away pala ako kay Ruby kahapon.
"Wala yan Papa, sa cactus yan duon sa gilid halaman sa Garden, pumunta kasi ako duon kahapon para sana kumuha ng bulaklak kay Mama."
"Wag ka na ulit pupunta duon, mamaya ma infection ka pa sa ginagawa mo."
"Naalala ko lang kasi si Mama, diba paborito nya mga bulaklak? Pati nga punda ng unan natin, puro bulaklak. Kumot at Kurtina natin bulaklak. Plato natin bulaklak." Sabay higop ko ulit sa matabang na Milo.
BINABASA MO ANG
Identity Of Me
RomanceSa kabila nang naranasan ko sa buhay, hindi ko lubos akalain na ito pala ang magbibigay sa sarili ko upang maging matatag. Dahil sa naranasan ko, mas lumawak pa ang aking pag unawa. Mas naiintindihan ko na ang lahat, pero marami parin akong mga tano...
