Chapter 3

26 2 5
                                    

"Hi Oreo! Natapos mo na ba ang project natin sa English?" tanong ni Ash sa kaniya habang mag – isa siyang kumakain ng kaniyang pananghalian sa loob ng classroom nila. Kapag minamalas nga naman siya. Sa lahat ng pwede niyang maging partner sa isang proyekto ay ito pa ang napunta sa kaniya.

"Malapit na. Baka gusto mong tumulong? Para naman may grade ka," sarkastiko niyang sagot dito. Ngunit si Ash na nga ata ang pinaka insensitive na lalaking nakilala niya dahil hindi naman ito apektado kahit ano pa ang sabihin niya rito. Mahilig lang itong mang – asar ng mga kaklase nila at kung minsan pa ay masyadong madrama.

Ito ang klase ng estudyanteng kontento na na maipasa ang exams at hindi mahilig sa kompetensya. Hindi rin naman ito nahuhuli sa klase subalit hindi rin ito masyadong nag - eexcel. Kaya hindi na niya inaasahan pa na mag eeffort ito na tulungan siya sa project nilang dalawa.

"Hmmm. Mas gusto mo bang si Kristoff ang naging partner mo Oreo?" Kamuntikan na siyang mabulunan sa tinanong nito. "With my wit and charm, mas lamang lang sa akin si Kristoff ng konting katalinuhan."

"Where did that come from?" She hissed. "Sinong baliw ang nagpakalat ng balitang 'yan? Mukhang nabubulag na talaga sila sa katotohanan."

"Oreo, hindi mo ba talaga crush si Kristoff?" Sa hitsura ni Ash ay talagang natural na talaga sa lalaking ito na mang – inis. "Bagay kayo."

"Ash, kung ayaw mong gawin ang project natin, okay lang naman. Just tell the teacher. You don't have to make me angry." Nawalan na siya ng gana pang tapusin ang kaniyang pagkain kaya dahan – dahan na niyang iniligpit ang kaniyang lunchbox.

Sa lahat ng pwedeng gamitin nitong tao para tuksuhin siya ay ang karibal niya pa. Dahil lang ba second honor siya kaya tinutukso siya nito sa kaibigang nakakuha ng pinakamataas na marka?

"Fine. Saturday, Kristoff's house. Let's do our project there," anito saka iniwan siya. Naiwan tuloy siyang nagtataka. Bakit doon talaga sa bahay ng karibal niya sila gagawa ng proyekto? Nagkibit – balikat na lamang siya at inihanda na lamang ang sarili sa susunod nilang klase.

-----

Dumating ang araw ng Sabado. Dahil alam ng mommy niyang pupunta siya sa bahay nina Kristoff upang gumawa ng proyekto niya ay mukhang mas naging excited pa ito sa kaniya na mamasyal at makita ang matalik nitong kaibigan. Kaya sa halip na mag – isa siyang pumaroon ay sumama na rin ang kaniyang ina dahil wala naman itong trabaho kapag weekend. Mukhang masaya rin naman si Tita Emma na bumisita ang mommy niya dahil naghanda ito ng maraming pagkain para sa kanila.

Siya lang ang hindi naging masaya. Ang akala niyang magkakaroon sila ng teamwork ni Ash ay isa lamang palang ilusyon dahil sa halip na gawin nito ang parte nito sa kanilang project ay naglalaro lamang ito ng playstation kasama ang mga kaibigang si Kristoff at Arkhee.

Halos dalawang oras na siyang nanonood sa mga ito, bored at umiinit na ang ulo niya sa ginagawang kabulastugan ni Ash. Nasa sala silang lahat, nag – iisa siyang nakaupo sa sofa habang ang tatlong kaklase ay nasa harap ng tv at pokus na pokus sa paglalaro.

Kailangan niyang mag – isip ng paraan upang makuha ang atensyon nitong si Ash. Kahit pa kaya naman niyang gawin ang parte sana nito ngunit mahigpit na ipinagbilin ng guro nila na kailangang mag – cooperate ang bawat isa dahil magkakaroon ito ng epekto sa kanilang magiging marka. Napabuntong – hininga siya at napailing. Tumayo siya at pumunta sa harap ng tatlong lalaking babad sa paglalaro.

Lumuhod siya sa harap ni Ash at inilapit ang mukha niya sa mukha nito. Sa sobrang lapit ay naamoy niya ang gamit nitong cologne. Napahinto ang mga ito sa ginagawa at halatang nakuha na niya ang mga atensyon ng tatlo.

Unrivaled [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon