Chapter 27

12 1 0
                                    

"Did you know that Dan's back too?" tanong ni Kristoff sa kaniya habang nakatingin sa magandang view ng rice terraces. Nasa isang restaurant sila para mananghalian. Hinihintay nila ang kanilang inorder na pagkain.

Maganda ang lugar na inirekomenda ng driver para sa kanila dahil open area ito at may magandang tanawin. Ito na ang pang – apat na araw na nakapamasyal silang dalawa ni Kristoff at so far, hindi pa naman niya napapatay ang lalaki.

Naging maayos naman ang pamamasyal at paglilibot nila ng Bali noong mga nakaraang araw at hindi naman sila nagka aberya. Hindi na rin niya masyadong pinapatulan ang mga paminsan – minsang hirit ni Kristoff sa kaniya kaya hanggang sa ngayon ay matiwasay pa naman ang buhay niya.

"Yeah. Actually, we're keeping tabs with each other's schedules and locations." Kibit – balikat niyang sagot. "I mean she usually texts me her location while everyone was wondering where or what she's up to."

"So you mean you knew all along where she was?" Napatingin si Kristoff sa kaniya, nakakunot ang noo. Tumango lang siya. "Then why didn't you tell Ash?"

Mukhang kahit ito ay mayroon din palang concern sa dalawang kaibigan nila.

"We shouldn't get involved in their own game of chess Kris. If Dan wanted to be found, I'm sure Ash doesn't need to ask anyone."

There was a long silence. Napaisip si Kristoff sa sinabi niya. Highschool pa lang ay magkakaibigan na sila at hindi na lingid sa kaalaman nila ang namamagitan sa dalawang kaibigan nilang sina Dan at Ash.

"So, she's not going to become a nun since she's back?"

Oreo smirked. "Dan really wanted to. But I guess God has a different path prepared for her. She's probably too obsessed playing games with Ash and God knows she'll just commit a sin getting inside the convent half – hearted."

"Hmmm...What about you?"

"What about me?" balik niyang tanong sa lalaking naging seryoso na ang mukha.

Bumuntong – hininga ito. "When will you stop denying your feelings for me?"

Napatitig si Oreo kay Kristoff. That question was literally out of the conversation but he managed to fire it to her dauntlessly. Nandito na naman sila sa topic na ito. Ano nga ba ang gustong patunayan ni Kristoff sa kaniya?

Kung aaminin niya man sa lalaki na gusto niya ito ay ano naman ang mag – iiba? Ano nga ba ang patutunguhan nila? Kung napipilitan lang naman itong alagaan siya dahil may pangako ang lalaki sa ina.

"Kristoff, let's say I do have feelings for you, that maybe you make my heart beat fast, what will change? What do we get from it? Sa tingin ko gano'n pa rin naman. Dahil hindi pa rin ako papayag na magpakasal sa 'yo." Napalunok siya at nagpatuloy. "Hindi kita papayagan na pakasalan ako dahil lang sa pangako mo sa mommy ko. Hindi ako gano'n ka selfish."

A show of sadness passed across Kristoff's face. He gazed at her with eyes obviously displaying he got hurt with her words. "What if, you're the one who makes me happy?"

"I don't make you happy. I always make you sad. And that's the truth of the relationship that we have."

Nakita niyang naikuyom nito ang mga palad bago nagsalita. "How can I convince you that you are the person that can only make me happy? I've been waiting for you for more than 15 years. How much longer will you play this hunting game, Chocolate?"

"First of all Kris, I didn't ask you to chase me. I told you before and now, you are free to do whatever you like. You are free to choose another woman, another person to give yourself into and love. Hindi tayo magpapakasal dahil alam kong napipilitan ka lang. Don't slap me with that truth."

Unrivaled [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon