Chapter 37

4 0 0
                                    

Halos hindi mapakali si Oreo. Ito ang gabi kung saan ay makikipagdate siya kay Kristoff. Wala siyang choice kundi sumipot at tumupad sa usapan dahil bahagi ito ng kaniyang pagkawang gawa, kahit pa nag aalangan siya sa magiging kadate niya.

Nagkaroon na ng awkward feelings si Oreo kapag malapit si Kristoff sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang kahulugan ng pagiging uneasy niya sa presensya ng binata ngunit palaging malakas ang tibok ng kaniyang puso at halos hindi siya makatingin ng direkta sa mga mata nito. Para sa kaniya ay isang malaking pagsubok ang makipag date sa lalaki.

Dumating si Oreo sa Ciao Bella, isang mamahaling restaurant na pagmamay-ari ni Arkhee Almeida na siyang kaibigan niya mula highschool na asawa na ngayon ng kaibigan niyang si Dessa.

Nakasuot siya ng simpleng lampas tuhod na sleeveless dress na nagpapamalas ng magandang hubog ng kaniyang katawan. Naglagay lamang siya ng light make-up upang hindi naman siya magmukhang multong namumutla.

Si Iannah na mismo ang nag arrange ng date nila ni Kristoff, bahagi pa rin ng naganap na Charity event noong nakaraang gabi. Halatang hindi naman tinipid ni Iannah ang kanilang date dahil nagpa reserve ito ng suite room sa restaurant.

Dinala si Oreo ng receptionist sa isang silid. May dining table ito sa loob at may dalawang upuan. Napatingin siya sa kaniyang relo. "I'm ten minutes early," sambit niya nang maupo siya.

Naalala niyang alas siyete ang nakalagay sa imbitasyon. Kaya hindi na siya nagtaka na siya ang naunang dumating. Sinadya niya talagang maging maaga dahil gusto niyang makapaghanda. Ayaw niyang ma caught off guard na naman kay Kristoff.

"Ano ka ngayon Kristoff! Ako ang nauna. Talo ka ngayong gabi sa'kin," sabi niya pa. Pangiti ngiti pa siya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang gwapong si Kristoff na may dala dalang napakalaking bouquet.

Hindi umimik si Kristoff nang makapasok ito, bagkus iniabot lamang nito ang mga bulaklak sa kaniya.

Saglit siyang natameme sa ginawa nito ngunit mabilis naman siyang nakabawi agad.

"Salamat, this is so nice of you," sambit niya. Nagkatitigan silang dalawa. Ngumiti naman ang lalaki na siyang nagpabilis na naman ng tibok ng puso ni Oreo.

Putik! Ang gwapo talaga ng kumag!

Mabilis siyang nag iwas ng tingin at ibinaling na lamang sa natanggap na bouquet ang kaniyang atensyon.

"You're early. Excited ka talagang maka date ako?" Walang ka emosyon na tanong ni Kristoff nang umupo ito sa upuan na nasa harap niya. Nagtiim ang bagang ni Oreo sa narinig. Naramdaman niyang uminit ang kaniyang mga pisngi sa tanong nito.

"Assuming ka naman. Hindi ba pwedeng napaaga lang talaga ako ng dating?" Mabilis niyang bwelta. Hindi siya papatalo sa pang aasar ng lalaki sa kaniya.

Nagkibit balikat lamang ito at ibinaling ang tingin sa menu. "Let's order."

Tahimik lang si Oreo matapos nilang makapag order ng pagkain. Parang umatras ang kaniyang dila sa mga oras na iyon at nabalot sila ng katahimikan habang hinihintay na dumating ang kanilang inorder na pagkain. Ang musika lamang na nagmumula sa speakers ng restawrant ang nagbibigay ingay sa loob ng silid.

Nakatitig naman si Kristoff sa kaniya na siya namang nakadagdag sa awkwardness na nararamdaman niya. She felt awkward not because she's not used to the presence of Kristoff but because he was showing so much affection towards her, she didn't know how to act on it or respond to it.

Hindi naman naturo sa medschool kung paano tumanggap ng pagmamahal mula sa ibang tao. Maaga siyang naulila at kahit inalagaan at minahal na parang tunay na anak ang trato sa kaniya ng mga magulang ni Kristoff ay hindi naman talaga siya naturuan ng mga ito kung paano iproseso ang mga ganitong emosyon.

Unrivaled [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon