Chapter 1

44 3 7
                                    

Oreo, 3rd year in High School

Relax. Inhale, exhale. All is well. All is well. This is the day that the Lord has made.

Tama. Wag kang kabahan Oreo.

Ngayon ang araw na pinakahihintay niya. Lumipat siya sa Brighton Academy noong pasukan dahil sa kahilingan ng ina. Kaya kahit ayaw niya sanang mag bago ng paaralan sa kalagitnaan ng kaniyang high school life ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kagustuhan ng ina.

Isang marangya at sikat na pribadong paaralan ang Brighton Academy dahil halos lahat ng naka – enrol dito ay mga anak mayayaman. May science curriculum din ang eskwelahan kaya naman hindi na rin siya pumalag pa dahil naipasa niya ang entrance exam nito with flying colors at nakapasok siya.

Ngayong araw ang announcement ng honor's list para sa first quarter. Matataas at halos perfect ang kuha niya sa exams nila noong nakaraang linggo kaya may tiwala siyang magiging top student pa rin siya. Sa dati niyang eskwelahan ay siya ang palaging top 1. Mula noong elementary siya hanggang mag high school siya ay hindi nahuhuli ang katalinuhan niya at dahil mahilig siyang magbasa ay naging mas madali sa kaniyang pag – aralan ang kanilang mga aralin.

Excited na excited na si Oreo na makita ang ranking niya. Mataas ang tiwala niya sa sarili na magiging top 1 siya. Walang nakikipagsalamuha sa kaniya dahil transferee siya kaya mas napakinabangan niya ang pagkakataong iyon para malaman kung sinu – sino ang magiging karibal niya sa posisyong top student of the class. Subalit sa tingin niya ay wala pa ring makakaungos sa galing niya.

Mabilis siyang pumasok ng silid – aralan nila. Wala pa gaanong dumating na mga kaklase niya kaya mabilis niyang tinungo ang bulletin board na nasa bandang likuran ng classroom nila. Hinanap ng kaniyang mga mata ang pangalan niya sa isang bond paper na naka dikit sa board.

Hershee Oreo Soliva... Hershee Oreo Soliva...

Ngunit parang binagsakan siya ng langit at lupa sa nabasa. Naikuyom niya ang mga palad at pinigilan ang sariling mapaluha. Huminga siya ng malalim at mabilis na tinungo ang armchair niya. Nanghihina ang mga tuhod ni Oreo sa masakit na katotohanan. Napaupo siya sa kaniyang upuan at napatingin sa armchair na katabi niya.

Paano siya naging first honor? Nangongopya ba siya sa akin? Hindi. Imposible. Hindi siya makakakopya sa 'kin dahil magaling akong magtago ng sagot! Pero paano? Bakit siya ang top 1 at hindi ako!!!

Napailing – iling si Oreo. Hindi niya lubos maisip na ang magiging karibal niya sa pagiging pinakamatalino sa klase ay ang katabi niya lamang na si Kenneth Kristoff Alvarez. This boy was always quiet and didn't even talk to almost everyone except to the two classmates he was always with, Arkhee and Ash.

Magkahalong inis at lungkot ang nararamdaman ni Oreo habang nag – rereplay sa utak niya ang nakasulat niyang pangalan sa honor's list. Second honor lamang siya at hindi iyon katanggap – tanggap para sa kaniya. Saan siya nagkulang? Sa anong subject ba nakaungos sa kaniya si Kristoff at bakit ito ang idineklarang pinakamagaling sa klase nila ngayong first quarter?

"Congrats for being second," naputol ang pagmumuni – muni ni Oreo nang marinig niya ang isang malamig na bati sa kaniya. Nang tumingala siya ay nakita niya ang maganda ngunit walang kangiti – ngiting mukha ni Dan.

Apparently, this girl is the school director's daughter, Daniella Clarke. Talaga bang binabati siya nito o galit ito sa kaniya? Half British at half – Filipino ito kaya napakaganda nito. Subalit dahil masyado itong composed at unfriendly kaya hindi masyado ito nilalapitan ng iba ring kaklase nila.

"Thank you. Congrats for being third?" pilit siyang ngumiti. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang irereact niya. Hindi niya mabasa ang iniisip ni Dan dahil walang ekspresyon ang mukha nito. Ngayon niya lang napagtanto na para itong girl – version ng katabi niyang kaklase na si Kristoff. Tahimik, palaging pokerfaced at hindi masyadong nakikisalamuha sa iba.

Tumango lamang si Dan at pumunta na ito sa sariling armchair. Naiwan siyang nagtataka. Napabuntong – hininga na lamang siya at inilabas ang notebook para sa unang subject nila. Napansin niyang dumating na si Kristoff at wala itong kaimik – imik na umupo sa katabing upuan. Nakagat niya ang ibabang labi at nag – ipon siya ng lakas ng loob.

"Kristoff..." tawag niya rito. Tumingin ito sa kaniya at saka niya lang narealize na may kagwapuhan din pala ito. Matangos ang ilong nito at kahit may suot itong salamin sa mata ay hindi maipagkakailang guwapo ito. "Next time, ako na ang magiging first honor! Tandaan mo iyan!"

Inirapan niya ito at hindi na nilingon pa matapos sabihin ang paghahamon niya rito. At napangiti siya ng palihim dahil nagkalakas siya ng loob na hamunin ang binata. Ngayon alam na niya kung sino ang magiging mahigpit niyang kalaban sa titulong top 1.

Kailangan niya lang alamin kung anu – ano ang mga extra – curricular activities nito at kung anong mga subjects ang mahirap para rito. She felt a sense of triumph for thinking fast of what will be her next actions to defeat Kristoff.

I will be the best. I should be.

*****

A/N:

So ano sa tingin niyo? Makukuha kaya ni Oreo ang puwestong top 1 mula kay Kristoff? Sino sa tingin niyo ang mas matalino sa kanilang dalawa?

Votes and comments are welcome!

Love & Light,

BC

Unrivaled [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon