Chapter 36

10 0 0
                                    


The room was buzzing with excitement. Crystal chandeliers lit up the spacious hall where people gathered, waiting for the night's event—a charity auction. And the prize? A date with some of the most sought-after women in the country. All proceeds would go to the pediatrics cancer patients' ng St. Andrew's Hospital.

Gusto mang umatras ni Oreo sa sitwasyon ay hindi na niya magagawa. Tingin naman niya ay wala namang mawawala sa gagawin nila. Kailangan niya lamang makipag date sa kung sino man ang highest bidder at mukhang mga prominenteng tao naman ang umattend ng Charity Gala. Alam niyang para sa mabuti ang gagawin niyang sakrispisyo.

It's for children with cancer.

Umaasa si Oreo na malaki ang makukuhang pera sa auction. Magiging malaki ang tulong nito para sa mga batang pasyenteng nahihirapan sa pagpapagamot. Kaya naging buo ang loob ni Oreo na pumayag na lamang para sa kapakanan ng mga batang may cancer.

Habang nasa backstage sila ay narinig nila ang boses ni Iannah nang umakyat ito sa stage. Ngayon niya lang nalaman mula kay Ayeena na itong si Iannah pala ay kabilang sa mga highest-paid models sa buong bansa, kinikilala at hinahangaan sa mundo ng fashion. At hindi lang ito basta supermodel, magaling din itong mag host.

Biglang nakaramdam ng kaba si Oreo nang mapagtantong magsisimula na ang auction. Sumilip siya sa stage upang mapanood ang mga pangyayari.

"Welcome, everyone to the charity gala auction!" bati ni Iannah sa lahat. "Tonight, at this special charity auction, we're not auctioning off items. Instead, gentlemen will have the chance to bid for a date with some of the most captivating women from across the country. And of course, it's all for a great cause!"

Napuno ng hiyawan ang buong lugar. Ang audience, mula sa mga mayayaman at prominenteng pamilya, ay naghanda na para sa pagsisimula ng event.

The first woman to step onto the stage was Ayeena. She wore a yellow dress that hugged her figure. Her smile was radiant, and she seemed to be enjoying the event.

"Our first lady of the evening, Attorney Ayeena Bel Chua! Ayeena is a rising star in the legal world and the daughter of a prominent business family. As the head of the Legal Department at the ABC Group of Companies, she's making waves not just with her brilliance in the courtroom but also in the boardroom." ani ni Iannah. "We'll start the bidding at fifty thousand pesos. Do I hear 50,000?"

Isang lalaki sa harapan ang agad na nagtaas ng paddle. "Fifty thousand!"

"One hundred thousand!" sigaw ng isa pang boses mula sa likuran.

Napatitig si Ayeena sa karamihan, sinusubukang makita ang mga nagbi-bid. Kumaway-kaway pa ito sa audience, halatang sanay ito na nakikisalamuha sa mga mararangyang tao.

Isang matangkad na lalaki, naka-navy blue na suit ang iwinagayway ang kaniyang paddle. "Five hundred thousand."

The room murmured with interest. "Five hundred thousand pesos, going once... going twice... Sold!" Hinampas ni Iannah ang gavel sa podium. "Congratulations, my dearest little brother, Iñigo, you've just won a date with Ayeena!"

Hindi masyadong maaninag ni Oreo ang hitsura ng highest bidder ni Ayeena ngunit rinig na rinig niya ang mga hiyawan ng mga pamilyar na boses nina Ash at Arkhee sa audience. At sa pagkakarinig niya'y kapatid ito ng host nilang si Iannah.

"You finally did it, bro! Boto ako sa'yo!" aning boses ni Ash. Mariin pa sanang inilapit ni Oreo ang kaniyang sarili sa stage upang makita ang lalaking nanalo ng date kay Ayeena ngunit narinig na niyang muli ang boses ni Iannah.

"And now, onto our next lovely lady!" Sumenyas sa kaniya ang isang event assistant at ipinahiwatig na siya na ang susunod na aakyat ng entablado. Sa sobrang lakas, naririnig ni Oreo ang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman ngunit pinili na lamang niyang ngumiti upang maibsan ang kaniyang kaba.

Unrivaled [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon