This is a work of fiction. Names, places, event, incident are product of authors imagination and used in a fictitious manner. Any resemblance, living or non-living is entirely coincidence. Thank you!!!
---
"Glay, ano'ng oras out mo?"
"six pm. Bakit?"
"hang out tayo?"
"sige ba."
"sige, antayin ka namin sa lobby. Five thirty out ko eh."
"sino sino tayo?"
"kung sino available."
Tumango ako kay Jam, workmate ko. Isa siya sa mga kaclose ko dahil sabayan lang din kaming nag-apply at nakapasok sa trabaho.
Lumipas ang oras at out ko na, dumiretso naman ako sa lobby kung saan sila nag-aantay. "Sorry huh? Ang daming pasyente ngayon eh." bungad ko sa kanila.
"no its okay. Nagreretouch pa naman kami eh hahaha." sambit naman ni Kate, kawork ko rin.
After nila magretouch kuno, hahaha nag-aya na din umalis si Jam. Since may kanya kanya kaming sasakyan nagsabay sabay na kaming umalis pinag-usapan nalang kung saan ang venue.
Nang makarating kami pumasok kami kaagad. Nakakatawa nga kasi mga nakauniform pa pala kami, nakakahiya.
"I have extra clothes. Gusto niyo ba magpalit? Ang sagwa kasi nakauniform pa tayo." banggit naman ni Jam.
"osige. Buti nalang girlscout ka, laging handa hahaha." asar naman ni Kate.
Sa totoo lang, party goer kasi 'tong si Jam eh kaya laging handa yan. May kaya naman sa buhay yan kaya easy lang sa kanya magwaldas ng pera. "san na? Para makapagpalit kami?"
Kinuha ni Jam yung extrang damit niya sa kotse at nagsipalit muna kami. Pinili ko yung mini skirt na denim at gray na crop top plain. Sakto naman kasi nakarubber shoes ako hindi baduy tingnan.
Nandito nga pala kami sa Casa Margarita. Isa sa pinakasikat na bar sa bansa. As usual, malakas na tugtugan, buhay na buhay na dance floor at amoy alak.
"anong sainyo, ako na oorder?"
"libre mo ba, Jam?"
"hoy Glay nakakarami kana huh? Subukan mo rin kaya maglabas ng pera.. Baka maging milyonarya ka niyan ha." natatawang sagot ni Jam. Nakitawa naman si kate.
Sorry guys, this is me... The legend kuripot.
"ano na?"
"tequila." sabay naming banggit ni kate kaya nagkatingin kami sabay tawa.
"antayin niyo ko diyan huh?"
Pagkaalis ni Jam nagpaalam naman si kate para magrestroom. Nagpaiwan nako baka maubusan pa kami ng table eh. Sa totoo lang, hindi ako mahilig mag-bar mas trip ko yung tahimik na lugar. Pero hindi ibig sabihin hate ko na rin yung bar, ay basta yun na yun hahaha. I'm confusing you and myself.
Habang nag-aantay sa dalawa inikot ko muna ang paningin ko sa mga sumasayaw. Grabe napaka energetic din nila eh walang kapaguran.
"Ehem." bigla akong napaiktad. Nanlaki pa ang mata ko ng lingunin ko kung sino nagsalita.
"y-yes?"
He slowly walked towards me at umupo sa tabi ko. "c-can I get y-your phone number?" tinaasan ko siya ng kilay.
Kung masamang tao siya, ba't nauutal siya? Tsk.
"why?" pormal kong tanong. Mahirap na baka kapag sinungitan ko 'to bigla akong sunggaban eh. Pero mukha naman siyang mabait eh.
"Ah, because I said so?" huh? Ano daw?
"hoy kuya, okay kalang ba? Kilala ba kita huh?"
"Look. I'm being nice here kaya wag moko sigawan. I need to get your number. P-parusa ko kasi yun. Naglalaro kasi kami ng truth or dare ng mga kasama ko, psh."
Truth or dare? Hahaha. Aba ayos yun ah. At dito pa sa bar? Lakas din ng sapak ng mga tropa niya eh. Napailing nalang ako at mahinang natawa.
Mukha naman siyang mabait kaya sige. Ewan ko, hindi naman ako palabigay ng number ko pero hindi ko alam kung bakit parang may nag-uudyok sakin na ibigay ko sa kanya.
"phone."
Napatitig siya sakin at napakurap ng mata. "h-huh?"
"phone." ulit ko pa.
Natatawa naman ako sa reaksyon niya. Nagmamadali siyang kunin yung phone niya sa bulsa ng pantalon niya. Adik din eh.
Pagkaabot niya sakin ng phone niya tinype ko agad ang number ko at binalik din agad sa kanya ang phone niya. Ngumiti siya sakin kaya nginitian ko din siya.
"s-salamat at pasensya na."
"hindi mo ba tatanungin kung totoong number ko yan?"
"hindi na.. Bahala sila sa buhay nila basta nagawa ko yung dare. At nakakahiya naman sayo kung magdedemand pa ako ng totoong number mo."
Gentleman. Hmmm.
"totoo yan hahaha."
Magsasalita pa sana siya pero tinawag na siya ng mga kasama niya. Tumayo siya at humarap sakin samantalang nakaupo parin ako. "Nice to meet you."
"Glay. Nice to meet you too...?"
"Ah, Orvhille."
Nagshake hand kami. Bago siya tuluyang umalis nilingon niya pa ako kaya kinindatan ko siya. Natawa naman siya sa ginawa ko.
Bano din eh.
Sana magkita ulit tayo interesado akong makilala ka. Hindi ko alam pero may parte ng katawan ko na gusto kang makilala.
Sino ka at anong magiging parte mo sa buhay ko?
---
Three Words
By: CelesssTINENJOY AND GOD BLESS
11 NOVEMBER 2020