Chapter 1

3 1 0
                                    

Glay Point of View.


"Oh, walang duty?"


Napalingon ako kay Manong Joe, guard sa building ng condo kung saan ako nakastay. Matagal na siya dito at dalawang taon narin ako nakastay dito kaya close na kami. Madalas kasi akong late umuwi kaya nakilala niya ko.


"Wala ho. Off duty Manong." nakangiti kong sagot sa kanya.


"saan ang punta mo?"


"mag-grocery lang hu."


"osiya sige ingat."


Nginitian ko siya bago ako umalis. May grocery store ang building sa tabi lang din at dun ako madalas mamili.


After ko makapamili, umakyat na agad ako. Nagbreakfast lang ako ng oatmeal at water na may lemon. Kakatapos ko lang magbihis dahil nakapantulog pa ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko, unknown number naman.


Sino naman 'to?


Inantay ko pa na makadalawang beses siya tumawag bago ko sagutin baka kasi emergency na eh. 


"Hello?"


["G-goodmorning."] kumunot ang noo ko ng lalaki ang boses ng kausap ko.


"sino 'to?"


["its Orvhille. Ahm, si Glay ba 'to?"]


Nanlaki agad ang mata ko matapos niyang magpakilala. Hindi ko inaasahan na tatawagan niya ko. "Ah y-yes."


["I know you didn't expect me.. Pero ewan ko ba kinukulit kasi ko ng utak na tawagan ka."]


"hahaha, its okay. So, kumusta?"


["I'm fine. How about you?"]


"kung gaano ka ka-okay, ganun din ako."


Natawa naman siya sa sinabi ko kaya natawa nalang din ako. Ilang minuto pa kaming nagkausap. Pero bago siya nagpaalam ay niyaya niya akong maglunch, at dahil wala naman akong masyadong ginagawa pumayag na ako.


Medyo kinakabahan ako kasi isang beses ko palang siya nakilala at sa bar pa pero meron talaga nagpupush sakin na mas kilalanin pa siya.


I'm weird!!!


Naglinis lang ako sa condo pagkatapos nagprepare narin ako para sa lunch namin ni orvhille. Since pareho kaming around Quezon city lang, sa malapit na namin napag-usapan na magkita nalang.


Nagtext siya sakin kung anong exact address nung place at mabilis ko namang narating. Saktong pagdating ko kakababa niya lang din ng kotse niya.


Naiilang ako. Mas gwapo pala siya sa maliwanag hahaha. Medyo madilim kasi sa bar nung magkakilala kami eh.


"Hi." bungad niya sakin.


"Hey. Ahm, tara?" pormal kong yaya sa kanya.


Pinagbuksan niya ako ng pinto. Gentleman talaga.


"Welcome ma'am and sir." bati samin ng receptionist. Nginitian naman namin siya. "table for two?"


"yes please." sagot naman ni Orvhille.


Panay pacute sa kanya yung babae, ano bayan! Ang sagwa tingnan tapos hindi naman siya pinapansin ni orvhille. Snober din eh.



Nang makaupo kami si orvhille na ang hinayaan kong mag-order. "anong gusto mo?" biglang tanong niya sakin.



THREE WORDSWhere stories live. Discover now