Orvhille Point of View.
Maaga akong nagising habang si Gladys ayun, tulog na tulog. Anong oras naman kaya 'to natulog?
Lalapitan ko sana siya ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko naman agad para hindi makaabala kay Glay. "Yes?"
["Goodmorning, Chef. Kilan hu balik niyo ng Manila?"]
"bukas ng umaga. Bakit?"
["pasalubong na mangga huh?"]
Natawa naman ako. Akala ko kung ano na, yun lang pala. "osiya sige."
["yun oh, haha. Salamat chef. Ingat."]
Inayos ko muna ang hinigaan ko bago ako tumawag kay Obri. Nagpadala ako ng almusal sa kanya para dito na muna kami kumain ni Glay.
"Manong, dalawa lang kayong natulog dito?" nangangasar na sambit ni obri. Kinunotan ko naman siya ng noo.
"Mmm. Bakit?"
"wala hu hehe."
"umuwi kana nga. Baka hinahanap kana nila nanay."
"kayo nga ang hinahanap e."
"Alam naba nila kung san kami?"
"Mmm. Sinabi ko."
"buti. Sige uwi kana. Salamat sa pagkain."
Tinulungan niya akong iakyat ang mga dala niyang pagkain. Hinatid ko ulit siya sa baba para makauwi na siya. Nakailang hakbang palang siya ng lumingon sakin.
"Oh?"
Nginitian niya ko ng nakakaloko. Baliw na 'ata kapatid ko. "Manong, hindi pa 'ko handa maging tita." sabay takbo niya.
Sandali pa 'kong natulala at napakurap ng ilang beses bago marealize yung sinabi niya. Aba lokong bata yun ah! Kaya pala nagtatanong kung kaming dalawa lang ni Glay natulog. Tsk. That kid!
Napailing nalang ako tsaka umakyat. Saktong pag-akyat ko, kakagising lang ni Glay. "Goodmorning." nakangiti 'kong bati sa kanya.
"Mmm, goodmorning."
"tara breakfast?" yaya ko naman.
Lumapit siya sakin habang nilalabas ko ang mga pagkain. "luto mo chef?" sabay amoy niya sa pagkain.
Napapailing ako. Ewan ko may weird feeling ako kapag tinatawag niya akong chef.
"okay kalang ba?" bahagya akong nagulat ng tapikin niya 'ko. Pucha, natulala ba ako?
"M-mmm."
"kain na tayo."
Tumango ako sa kanya at umaayos naman ako para hindi siya maweirduhan sakin. Takte naman kasi kung ano ano iniisip ko e.
Ang sarap ng naging almusal namin. Fried rice, tortang talong, maalat na itlog tsaka kape. Napangiti naman ako. Gumagaling na magluto ang kapatid ko ah!
"grabe, kung ganito pagkain ko araw araw baka wala na magkagusto sakin."
Napalingon ako bigla kay Glay. Ano na naman pinagsasabi niya? "bakit?"
