Triggered warning: R-18
Glay Point of View.
"Isang tequila, please."
"Hoy, kakasya ba satin 'yun huh? Dagdag mo na tsaka hard."
"Oo na. Tsk!"
Napabuntong hininga nalang ako sa sigawan ni Jam at Kate. Pati sa alak hindi parin magkasundo, psh. Nasa bar kami ngayon dahil pare-pareho naman naming off. Ngayon lang ulit kami nagsasama.
"Hoy, ano ng mga balita sainyo?" singit ni Jam.
"okay na 'ko." sagot pa ni Kate. Well, good for her.
"buti naman. Eh ikaw sis, ano na? Habang buhay nalang tigang?"
Tinaasan ko ng kilay si Jam sa sinabi niya. Kahit kilan talaga, napakawild ng bunganga. Tsk!!
"ano?" dagdag pa ni Kate.
"wala akong lovelife, pero may nakilala ako 'nung huling bar natin."
"wth! Seryoso?" sigaw pa ni Jam, bigla kasing lumakas 'yung music e.
"Oo."
"so, may nangyare na?" pang-uusisa naman ni Kate.
Muntik ko pa madura 'yung iniinom ko. "wala nu. Minsan nagkikita kami. Busy kasi siya, chef siya mga sis."
"Bigtime." sabay pa nilang sigaw.
Mga baliw!
Nagpakwento sila kung paano kami nagkakilala ni orvhille at kung ano na daw ang pinagsamahan namin. Natuwa naman sila dahil nakakita na daw ako ng travel buddy. At nanghihinayang sila kasi wala pa daw label, tsk.
"make a move na kasi." dagdag pa ni Kate.
"What? Bakit ako?"
"hindi naman all the time, lalaki 'yung first move. And based on your story, siya 'yung tipo ng lalaking indenial. Okay?"
"You have to get our point." singit pa ni Jam. Wow, so now, pinagkakaisahan na nila 'ko huh? Very supportive!
Nakailang shot na kami and we all felt dizzy. "I'll go to restroom." paalam ko sa dalawa, tumango lang sila sakin.
I stayed for a minute and took some retouch. Pero nahihilo parin ako. When I get back on the couch, wala na 'yung dalawa. I thought, they left me pero nahagip sila ng mata ko sa dance floor. Psh. Hanging again with some boys they didn't know yet. Umupo nalang ako para kahit papaano mawala 'yung hilo ko.
After a minute, may naramdaman akong umupo sa tabi ko. "kaya pa?"
Napaupo ako ng maayos ng marinig ko ang boses niya. "w-what are you doing h-here?"
"ikaw lang ba pwede dito?" umiling naman ako sa kanya. "I just saw you alone. Lumapit ako para makasigurong ikaw nga. I'm hanging with the trops."
"Ah. I'm also with the girls."
"asan sila?" tinuro ko sa kanya 'yung dalawa na nagwawala na sa dance floor. "nice one. Wild huh?"