Chapter 10

1 1 0
                                    



Orvhille Point of View.


Isang linggo na mula 'nung mag Zambales kami ni Glay. Naging masaya naman 'yung sandaling bakasyon namin. Busy na siya ngayon kasi simula na ng training ng mga Intern nila. Ako naman madaming pinagkakaabalahan kasi dalawang branch hawak ko.


"Chef, kakausapin daw 'hu kayo ni Ms. Rey." usal sakin ng isang waitress sa bagong branch na hawak ko.


"Mmm. Salamat."


Pagkaalis niya, inayos ko muna ang sarili ko tsaka tumungo sa office ng manager. Si Ms. Rey.


"Goodmorning. Take a seat." bungad niya sakin, tumango naman ako sa kanya.


"Ano 'hu ang kailangan niyo?" pormal kong tanong.


"You're too formal. You can call me just by my name."


Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa pananalita niya. Hindi ko 'yun gusto pero hindi ko pinahalata. Pinanatili ko ang pagiging professional.


"Mmm, dun ka ba komportable?"


"Yes."


Ako, hindi ako komportable. Psh! Anong klaseng babae siya?


"Ano'ng kailangan mo?"


"We're going to have a big break next month. May magdedebut dito sa resto. On friday, we have an schedule meeting for the client. And you have to join me kasi ikaw ang head chef."


"Ganun ba? Sige. Just inform me on friday. Please excuse me."


Magsasalita pa sana siya pero umalis na 'ko. Hindi ko alam kung naging bastos ba ako. Gusto ko lang naman siyang iwasan. Ayaw ko sa ganung klaseng babae. Itinatapon ang sarili? Tsk.


Natapos ang duty ko ng maaga. Sobrang pagod ang daming customer. Dalawang beses din akong bumisita sa isa pang branch. Parang gusto ng sumuko ng katawan ko.


Pagdating ko sa bahay ko, dumiretso agad ako sa kwarto. Mag-isa lang ako.


Magbibihis na sana ako ng mag-ring ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino napakunot ako ng noo.


Unknown number calling...


Hindi ako mahilig sumagot ng number lang pero dahil hindi ibinaba sinagot ko na, baka emergency.


"Hello?"


["Si Glay 'to."] napatayo ako ng maayos ng marinig ko ang boses niya.


"Mmm. Bagong number?"


["Ahh hindi. Sa kawork ko, naki-gamit lang. Ah busy kaba?"]


"Kakauwi ko lang. Bakit?"


["pauwi na sana kami pero nasiraan e. Naflat tire ako."]


"Huh? Saan?"


["Itetext ko sayo."]


"Mmm." tsaka niya pinatay ang tawag. Nagmadali naman akong magpalit at bumaba. Saktong pagsakay ko sa sasakyan, dumating din 'yung message ni Glay.


Nakarating ako sa lugar na sinabi niya. Buti nalang malapit lang sa village kung saan ako nakatira.


"Orvhille." ng marinig ko ang boses ni Glay, nilapitan ko siya agad.


THREE WORDSWhere stories live. Discover now