Chapter 4

1 1 0
                                    





6pm na ng dumating yung parents ni Orvhille. Nasa kusina sila naghahanda ng hapunan habang ako nagbibihis dahil kakatapos ko lang maligo. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng makita ko si Obri.




"Ah. Hi?" I awkwardly greet her. Awkward din siyang napangiti sakin.




"Hello ate. Kain na 'hu tayo?"




"Ah sige. Ahm, si kuya mo?" nahihiya kong tanong pero binigyan niya 'ko ng matamis na ngiti.




"Nasa baba narin 'hu. Ako na ang pinasundo niya sayo." tumango naman ako sa kanya. Nauna siyang bumaba at sumunod naman ako sa kanya.




I don't know pero biglang pinagpawisan yung kamay ko, kinakabahan ako na ewan. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa parents ni orvhille ba't kasama niya ko.




Pagdating namin sa kusina sabay sabay silang lumingon sakin. Palihim akong napalunok at tiningnan si orvhille.




Make something, stupid!




"Ah. Nay, tay. Si Glay hu."




Siniko ako bigla ni obri. Napatingin naman ako sa kanya at tinitingnan niya ko na parang gusto niyang sabihin na ako ang unang bumati sa magulang niya. She's smart huh?




"G-goodevening hu."




"Goodevening din naman. Maupo ka iha." bungad sakin ng nanay nila. Hindi ko alam kung paano kikilos, nakakahiya.




"Ah. Ako nga pala si Oscar. Pero kahit tatay nalang hehe." halos nanlaki yung mata ko sa birong sinabi ng tatay ni orvhille. Saktong umiinom ng tubig si orvhille kaya nabulunan siya.




"Tay, ano kaba naman. Kumakain ako e." suway ni orvhille. Loko talaga.




"Nagbibiro lang e. Pero kung gusto niya wala naman problema hehe."




Magsasalita na sana si orvhille pero inunahan kona siya. "joker po pala kayo tito? Hehe." nahihiya ko ring biro.




"paminsan minsan hehe."




"Osya, tama na 'yan at tapusin na natin ang hapunan." sambit naman ng nanay nila. "Nga pala iha, ako si Mila pero bahala kana kung ano gusto mo itawag sakin." pahabol niya pa. Ngumiti naman ako sa kanya.




Their family was so cool. Ilang minuto rin akong nakaramdam ng inggit. I hope I had the same.




Nang matapos kumain, I volunteer to wash the dishes pero hindi sila pumayag. Si obri ang nag-asikaso ng lahat. Si tita at tito naman ay umakyat na para magpahinga dahil maaga pa daw sila bukas para magtrabaho.




"inaantok kana?" tanong sakin ni orvhille. Umiling naman ako bilang sagot. "tara chill?" dagdag niya pa. Agad naman akong napatingin sa kanya.




"saan?"




"diyan lang. Sa paborito kong tambayan." nakangiti niyang sagot. Naexcite naman ako bigla sa sinabi niya.




"sige ba."




Umakyat ako para magbihis. I choose to wear white v-neck shirt and black jogging pants. Nagdala na rin ako ng jacket. Pagbaba ko nakita ko si orvhille na nagsusuot din ng jacket. Nilapitan ko siya agad.




"ready?" nakangiti niyang tanong sakin.




"Mmm. Tara na ba?"




THREE WORDSWhere stories live. Discover now