Chapter 6

1 1 0
                                    





Glay Point of View.




Nasa kabilang bayan parin kami ni orvhille. 6pm na kaya niyaya ko na siyang mag-dinner. Hindi naman ako maarte kaya kahit sa tabi tabi lang since walang restaurant dito. Tamang karinderya lang. Well, masarap nga 'yun e lutong bahay.




"ano busog kana ba?"




Napalingon ako kay orvhille. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Nginitian niya naman ako.




"uwi naba tayo?" tanong ko sa kanya after namin kumain.




"ikaw ba?"




Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ewan ko ba, after what happened earlier everything went awkward! Pero siya mukhang casual parin ang pakikitungo sakin. Sabagay, that's only a deal!




"sige. Mukha wala naman ng ganap e."




Habang nasa byahe walang nagsasalita saming dalawa. Lalong naging awkward. "Ah, can I play a music?"




"oo naman. Connect kalang."




After ko mag-connect naghanap lang ako ng chill na mga kanta para naman mabawasan 'yung awkwardness.




"Natatandaan mo paba,
Nang tayo'ng dalawa'y unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa mga piling ng mga bulaklak at halaman...




"Mahilig kaba sa chill lang na kantahan?" biglang tanong ni orvhille. Tiningnan ko pa siya saglit.




"Sakto lang. Depende sa mood ko haha, bakit?"




"Ah. Wala naman."




"Ikaw mahilig ka mag-soundtrip?"




"Bibihira."




Tiningnan ko lang siya na deritso din ang tingin habang nakafocus sa pagmamaneho. Dumaan pa kami sa isang tindahan, bibilhan niya daw ng pasalubong si Obri. Sweet naman pala!




Ano kaya sa pakiramdam magkaroon ng kapatid? Hmmm.




Ilang minuto lang nakarating na kami sa kanila. Mag-isa lang si obri at mukhang busy mag-aral.




"Busy ah?" bungad ni orvhille. Nakasunod lang ako sa kanya.




"Oh, Manong andiyan na pala kayo."




"Wala pa sila nanay?"




"Kanina pa tulog. Maaga daw sila bukas eh. Hindi na kayo naantay."




Niligpit ni obri ang gamit niya tsaka lumapit ulit sa amin. "Kilan uwi niyo ng Manila?"




"bukas na ng umaga."




Nakikinig lang ako sa usapan nilang magkapatid. Paminsan minsan, nakikisali din. Binigay ni orvhille 'yung pasalubong niya sa kapatid niya. Tuwang tuwa naman si obri.




"Eh kilan hu kayo makakabalik ulit?"




Nagkatinginan pa kami ni orvhille. Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito e.




"Ah, bahala na siguro." sagot ni orvhille sa kapatid niya.




"Manang, hindi pa hu tayo gaano nagkakasama. Sana makilala pa natin ang isa't isa."




THREE WORDSWhere stories live. Discover now