Chapter 2

1 1 0
                                    





Orvhille Point of View.




"Chef, hanggang anong oras po duty niyo?" tanong sakin ni Sherwin, isa sa pinakamatagal ng waiter dito sa resto na pinapasukan ko. Nauna pa nga siya sakin ng dalawang taon eh. Nagsimula lang akong assistant cook hanggang sa mapromote.




"hanggang closing ako. Bakit?" casual kong sambit.




"Ah sayang. Birthday hu kasi ng girlfriend ko, invited ka sana chef eh."




"Ganun ba? Happy birthday nalang sa kanya. Bawi nalang ako next time huh?" sabay tapik ko sa braso niya.




"sige hu. Salamat chef. Next time aasahan ka namin." tumango naman ako bilang sagot.




Dahil wala pa naman gaanong customer, sinimulan ko na munang gawin ang panibagong recipe na kailangan ko ipresent. Every quarter of the month kasi yun ang assignment namin bilang mga chef.




Habang nagsusulat biglang lumapit sakin si Jeff, assistant cook ko at tropa din.




"Oh, chef. Mukhang busy ah?"




"ulol. Hindi naman. Tsaka pwede ba tigilan mo na kakatawag sakin ng chef." ilang beses ko na sinabi sa kanya na wag niya akong tatawaging ganun, awkward kasi sakin. Magtropa naman kasi kami kaya kahit pare or dude nalang okay na sakin.




"wag ka nga. Professional 'to eh." sabay tawa niya pa. Napailing nalang ako sa kabaliwan niya. "Nga pala, kumusta na yung chiks mo?"




Napatigil ako sa ginagawa ko at nilingon siya. "chiks?"




"maang maangan pa. Edi yung nakilala mo sa bar. Hahaha."




Napangiti nalang ako bigla nung pinaalala niya sakin si Glay. I don't know but there's something interesting on her. Pakiramdam ko kasi makakasundo ko siya sa lahat ng bagay.




Nilingon ko si Jeff. "Ahm, okay naman siya. We're now getting to know each other."




"nice one. Mukhang hindi kana magiging Mr. Lonely ah?"




Wtf. Mr. Lonely? San niya nakuha yun?




"palibhasa may mga jowa kayo nu?" kunwaring naiinis kong sagot sa kanya. Isa kasi siya sa mga kasama ko 'nun sa bar at yung dalawa pa naming katrabaho. Mga gago, kung ano ano pinaggagawa. Hindi ko din alam bakit pumayag ako sa larong 'yun.




"Kilalanin mong mabuti baka siya na hinahanap mo."




"ano akala mo sakin choosy?"




"ay bakit chef? Hindi ba? Hahaha."




"umalis kana nga dito. Magtrabaho kana." sabay tulak ko sa kanya. Tss.




Tatawa tawa siyang tumalikod sakin habang ako napapailing. Bakit ba big deal sa kanila kapag single ka? Tss. Para sakin, aksaya oras lang eh. I've never try having a girlfriend.




Pagkatapos ko sa ginagawa ko, bumalik nako sa duty. Alas siete na ng gabi kaya dumadami na ang customer ulit. Mag-isa lang akong chef na nakaduty ngayon pero buti nalang at dalawa ang assistant cook ko.




"Chef, isang french caesar salad at baked macaroni."




"copy."




THREE WORDSWhere stories live. Discover now