Chapter 22

344 10 1
                                    


"Talagang wala na si Kam 'no? Nag transfer na talaga."

It was another year for us. Nasa pang tatlong taon na namin sa Architecture at ang dami na ng nangyari sa nakaraan.

"Sinundan siguro si Bryce."

Mahina kong tinampal ang braso ni Joanna nang walang habas niyang sinabi iyon sa harap ni Charelle.

"Hayaan niyo na 'yon. Gano'n talaga si Kam. Pero mabait 'yon," pagtatanggol ni Claire sa kaibigan.

Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lang ang pakikinig sa professor na nagsisimula nang magsalita sa harap. Nang ilibot ko ang mga mata nahuli kong nakatitig si Patrick sa professor nang taimtim. He's always like this, nakikinig ng maigi sa harapan. Balita ko nasa top pa rin siya. No doubt he deserve the place.

Hindi naging madali ang simula ng unang araw dahil may mga gawain kaagad na binigay ang mga professor lalo na sa major subjects. Ang planong gala naming pagkatapos ng klase hindi natuloy at nagsi uwian na lang kami para tapusin ang mga performace tasks.

Patrico:

Tapos ka na?

It was around one am nang makatanggap ako ng mensahe galing sa kanya.

Ako:

Kunti na lang. Three last plates and I'm done.

Patricio:

Ako na gagawa, ano kulang mo?

Ako:

Kaya ko 'to. Nagawa ko na 'to rati. Madali lang 'to. Don't worry about me.

Matapos kong e send 'yon, nakatanggap ako nang tawag galing sa kanya.

"What?" bungad ko.

"Tulungan kita. Ako na gagawa ng isang plate. Tapos na ako," aniya.

Inayos ko muna ang table ko at inilagay sa folder ang mga natapos ko na.

"Hindi. Mamaya ka na tumawag para matapos ko na ito."

Narinig ko siyang bumuntong hininga sa sinabi ko. "Okay, just do it. Don't mind me. Gusto ko lang marinig ka."

"Hindi, ayoko nang istorbo sa mga ginagawa ko, Rye."


Natahimik siya ng ilang minuto at nagsalita rin nang malipasan. "I'm sorry, pero sasama ka sa reunion namin."


Napasintido na lang ako nang kulitin na naman niya ako tungkol sa family reunion nila. Ano gagawin ko do'n? Wala akong kilala at nakakahiya. Ano ipapakilala niya ako ng walang label? Ano sasabihin niya sa pamilya niya? "Guys, si Shan pala, friend ko." Like the F?! Ah, basta ayokong sumama. Lalo na at hindi pa nag uusap ang pamilya namin. Ang alam ko nagkaroon ng commotion between our parents because of our off engagement.


"Ayoko, Rye. Sige na ibaba ko na 'to."

"Love?"

"Ayoko ng-"

"I love you," he cut me off.

Natahimik ako sa sinabi niya. Mali ako ng rinig? Siguro dahil antok na ako.

"Okay, goodnight," I answered and ended the call. Mabilis ang tibok ng puso ko nang hawakan ko ito. Shuta! Ano ba, Shan? Tapusin mo na at matulog ka na inantok ka lang!

Tears in Heaven (Architect Series #3) [Publish Under B&B Printing Service]Where stories live. Discover now