I waited for an hour to Etyl. Nakaupo lang ako sa sofa nila at nakikipag-usap kay tita. Kanina pa ako rito naghihintay pero hindi ko na pinaalam o pinatawag si Etyl sa kwarto niya dahil gising naman daw ito, kaya Lang hindi pa rin bumababa mula kanina.
Nang makababa na siya mugto ang mga mata at halatang wala sa modo itong kaibigan ko. Magkaibigan talaga kami, parehong problemado..
Nakipagbangayan pa ako sa kanya nang tumungo kami sa mall para kumain. Ang bruha daming arte sa katawan at pati ang bra sinukat niya sa akin at tinanong ang salesman kung bagay ba sa akin. Nakardam ako ng gutom kaya hinila ko na siya sa loob ng restaurant.
"Gutom na gutom ka ah?" Ako nang makita kong nilantakan niya kaagad ang sushi na kakalapag lang.
"Slight lang," aniya nang hindi ako tinitingnan.
"Slight lang pero halos maubos mo na 'yang kakalapag lang na sushi?"
"Hindi nga ako gutom, slight lang," sabay nguya niya.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain ng mga inorder namin. I feel my phone vibrated but I just ignored it.
"Boyfriend mo, oh!" Turo ko sa papasok niyang boyfriend.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Muntik pa niyang mailuwa ang pagkain niya. Nilihis niya ang paningin kung saan ako nakaturo at nang lamig ang mga tingin nang makita na kasama nito ang ex girlfriend ng boyfriend niya at ang mga kasamahan nito sa basketball team.
"Hi, Babe. Hindi ka nagsabi na pupunta ka rito." I rolled my eyes looking at them.
"Ikaw din, hindi ka nagsabi na kasama mo pala ex mo kagabi."
She fired back looking at Yrikka.
"Ano? Ikaw, kung ano ang mga sinasabi mo diyan. Sa bahay ako ng mga magulang ko natulog. Hindi ako nakauwi sa condo ko. Ilang araw na"
Sagot naman ni JB na hindi siya maintindihan.
"Kaya pala tinotopak kasi may namimiss.." pabulong kong singit.
"Miss mo ako? E hindi ka nga nag text sa akin kanina. Sabi ko tumawag ka tapos wala naman." Jb's heard it right. I stiffle my laugh.
She kicked me off under the table. Obviously getting annoyed.
"Alam mo ba, Tyl! Miss na raw ni Charelle si Bryce. Kaya pala tinotopak!"
Tumawa ako ng pilit at nagpasyang replyan na lang ang kanina pang nag tetext sa akin. It was him, asking where I am. I bit my lower lip and compose my message reply.
Ako:
"Mall. You can go there na."
"Uh, tanghali na kasi akong nagising kaya hindi ko nabasa mga text mo at.. uh.. naiwan ko phone ko, e."
Rinig kong palusot niya sa nobyo. Kaya para makabawi sa pinanggagawa niya sa'kin mula pa kanina, I dialed her number. It rings loudy.Nanlaki ang mga mata niya nang narinig ito. Mainis ka please.. I divert my attention as I simply hide my phone.
"That's your phone right? Akala ko naiwan mo?" Si JB.
"Sandale," aniya at kita ko sa gilid ng mga mata kong kinuha niya ang phone niya at nang makita kung sino ang tumatawag, nagrason na naman ito.
"Sabi kasi ni Shan, wala raw diyan nang pinakuha ko sa kanya kanina."
Hindi ko na mapigilan ang sarili humagalpak na ako kakatawa sa kinakabahang boses niya. How cute my friend? Hindi ka talaga maalam sa pagsisinungaling.
YOU ARE READING
Tears in Heaven (Architect Series #3) [Publish Under B&B Printing Service]
RomanceShannon Leigh Presno is an Architecture student who loves playing someone's heart. The epitome of kindness, grace, elegance, and pride. A friend that everyone wished to have. Patrick Rionne Iland is also an Architecture student. A gray-eyed woman...