"Okay nice pose! Try to look in other way! Okay! Now fierce!"
Nasa studio ako ngayon habang sunod-sunod ang pagbibigay ko ng utos sa model nakinukuhanan ko. Maganda at matangkad ang babaeng kinukuhanan ko ng litrato. Mahahalata mo sa kanya ang pagiging professional. Maya-maya pa ay nagulat ako nang bigla na lamang itong naglabas ng sariling kamera.
*Click... Flash.
"Who are you?" Tanong nito?
*Click... Flash.
"Why are you here?" Tanong ng isang lalake na sumulpot mula sa kaliwa ko at tulad ng modelo ay may kamera rin 'tong hawak.
*Click... Flash.
Ngayon naman ay isang lalake muli ang lumabas sa may kanan ko hawak-hawak rin ang isang kamera.
"Why are you lying to us?" Sambit pa nito.
Sa pagkakataong ito ay di ko na malaman ang gagawin. Lahat sila ay nakatingin sakin habang kinukuhanan ako ng mga litrato at paulit-ulit na tinatanong. Hanggang masilaw na lang ako dahil sa mga kamera na hawak nila.
~~~

BINABASA MO ANG
STOLEN SHOTS (SB19 Ken Fanfiction)
Fiksi PenggemarGuinevere Saler o mas kilala bilang Gwinie ay isang Photography student sa isang tanyag na paaralan. Marami sa mga estudyante dito ay mga anak mayaman. Anong mangyayari kung sa huling taon nito sa eskwelahan ay makilala nya ang mga nasa Highest Clas...