Seventh Chapter: The Ex-Boyfriend

957 19 1
                                    

[CassieJae's Note] Dahil po sa late na ang aking update dito sa story na to, gusto ko pong makilala niyo ang lalaking sumira sa buhay ni Katie LOL, ay hindi pala sumira ang NAGPABAGO na lang kay Katie. Yung dahilan kung bakit naging Evil Princess ang Katie naten. Lalagyan ko na po siya ng POV at para marinig niyo naman ang side niya. Felix on the side mga kababayan -->

Enjoy this CHAPTER! Comment and Vote! Thank You!

***

[Felix's POV]

Pinaikot-ikot ko yung baso na nasa lamesa at tinititigan ko lang to. Ilang buwan ko na din hindi nakikita si Katie, ano na kaya ang nagyari sa kanya? Naka move-on na kaya yung babaeng yun?

Sa totoo lang hindi ko naman talaga minahal yun eh, pineperahan ko lang yun kasi mayaman, nung una mukha siyang matapobre dahil sa itsura niya, ang gara ng itsura niya, napaka nerdy niya.

Ang baduy pa manamit. Ang tagal din namin pero hindi niya alam na marami na akong babaeng nakasama, maraming babae na akong... alam niyo na, be open-minded sana alam niyo ang tinutukoy ko.

Minsan nga nagpaphalata na ako sa kanya pero patay malisya lang siya, nakakatuwa kayang paglaruan yung babaeng yun. Sobrang saya! Tapos nakukuha ko pa yung gusto ko sa kanya.

Nalaman ko na mayaman siya nung nakita ko siya sa bahay niyang mansion. Napadaan lang ako dun dahil may laban kame ng DOTA, eh yung daan kasi na yun yun ang pinakamabilis na daan para makapunta sa highway.

Nagkataon naman na nakita ko siya na papalabas ng bahay nila, nung una akala ko maid lang siya sa bahay na yun. Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya sa mansion na yun, tapos sabe ko nagtatrabaho pa siya dun.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko, sabe niya na nakatira daw siya dun at sila ang may-ari ng bahay. Nung una akala ko nagbibiro lang siya dahil, siya? Ang nerd na ang baduy pumorma titira sa isang mansion?

Baka naman nababaliw lang siya? Yun ang una kong tingin sa kanya nung sinabi niya na dun siya nakatira, napatunayan ko lang na dun nga siya nakatira nung tinawag siya nung isa sa mga maid dun na "Miss".

Dun na kame naging close tapos after one month umamin siya saken na matagal na daw niya akong gusto kaya kinuha ko na ang pagkakataon na magamit siya at nangyari nga.

Kaya nga lang, minalas ako dahil nakita niya akong kasama si Olivia. Wala na tuloy kame, pero nakukuha ko pa din naman ang gusto ko sa ibang mga babae. Si Olivia, yun talaga ang mahal ko, magkasama kame sa isang grupo. Gangster kasi kame parehas.

At ang grupo namin ay rank # 2, kame ang pangalawang pinakamalakas na grupo, isang beses lang kame natalo.

"Heyy Baby, what are you thinking?" - Olivia

"Wala naman" - Felix

Inabutan naman niya ako ng wine at tinanggap ko naman un tsaka ko ininom. After I drank the wine, I touched her face and kissed her.

"Mukhang good mood ka ngayon ah" - Olivia

"Oo naman, nandito ka na eh" - Felix

Binuhat ko siya at dinala ko siya sa kwarto, nandito kasi kame sa clubhouse ng gang namen. Pagkapasok namen sa kwarto inihiga ko siya sa kama.

"Should we do it?" - Olivia

"Make me do it" - Felix

Nagulat na lang kame ng biglang may kumalabog sa pinto.

"Wag kayong magkalat dito sa clubhouse. Kung gagawin niyo yan, dun kayo sa hotel" - Ron

Napatawa na lang kame ni Olivia, tsk sayang, kung hindi lang dumating yung lalaking yun nagawa na namen ni Olivia ang business namen eh.

"Naramdaman niya siguro tayo?" - Olivia

"Siguro" - Felix

tumayo na kame at bumaba na sa may sala. Nakita namen na andun ang lahat ng miyembro pati yung leader namen na si Maya.

[Olivia's POV]

Haaay nakoo ang bitter talaga ni Ron, hindi pa din makaget-over sa nangyari samen? Pinagbigyan ko lang naman siya eh, kahit na alam niyang kay Felix lang ako.

Pagbaba namen ni Felix andun ang lahat pati ang leader namin na si Maya, ano kayang meron? Baka may susunod na laban?

"Anong meron Maya?"

"May laban ba?"

"Meron. Sino ang gustong lumaban sa inyo? Isang babae at dalawang lalake." - Maya

"Sino kalaban?"

"Blue Dragon" - Maya

"Game ako diyan" - Olivia

"Kung lalaban ang Babe ko, dapat ako din lalaban" - Felix

"Ako din lalaban" - Ron

Blue Dragon? Ang rank # 10 na grupo? Mukhang wala namang kwenta ang grupong yun eh, tutal naman eh kating-kati na ang kamay ko.

"Oh sige, bukas dun sa Underground. 7 PM naiintindihan niyo? Pumunta tayong lahat naiintindihan niyo ba?!" - Maya

"Yup!"

Mukhang may mangyayari pang maganda bukod sa laban namin ah, naexcite na akong malaman kung ano yun

The Good Girl turns into an Evil Princess (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon