[Katie's POV]
Hindi ko na inisip pa ang mga nangyari kagabe. Wala na kong pakialam kung ako pa din ang mahal ni Felix. Hindi niya ko pinagtanggol at choice niya ang sumama dun sa babaeng yun.
Pagkatapos niya kong saktan, babalik siya saken? Mukha niya. Akala niya maniniwala ako sa second chances? Alam kong merong second chances pero depende saken kung sino ang bibigyan ko ng second chance at wala akong balak ibigay kay Felix yun.
Pumunta ako sa gym kung nasaan sila Lexi and Rozen at nakita ko sila dun na nakaupo at nanunuod ng practice ng basketball. Umupo ako sa kanila at napatingin lang sila saken.
"Pumunta si Felix sa bahay kagabe" - Katie
"Oh? Anong ginawa niya dun?" - Lexi
"Nag-iskandalo?" - Rozen
"Medyo nag iskandalo. Sabe niya ako pa din ang mahal niya psh. Mukha niya" - Katie
Napailing na lang silang dalawa at wala na silang sinabi tungkol dun. Nabuwiset ako, anong klaseng mga kaibigan tong mga to?! Wala man lang karea-reaksyon! Nakakainis na talaga ang mga tao ngayon.
Tumayo ako at nagulat silang dalawa sa pagkatayo ko.
"Oh san ka pupunta?" - Rozen
"Pupunta ako sa lugar kung sang merong makikinig saken ok?" - Katie
"Meron pa bang makikinig sayo? Sa sama ng ugali mong yan?" - Lexi
Lalo akong nainis nung sinabi saken yun ni Lexi, napakadameng fake friends talaga sa mundong to! Nababadtrip na ko! Umalis ako at dumiretso ako sa classroom.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng classroom, nakita ko na nag make way ang lahat saken at umalis ang babaeng nakaupo sa inuupuan ko.
"Sino may sabeng umupo ka sa upuan ko? Pinahintulutan ba kitang umupo dito?" - Katie
"S-Sorry di na mauulit Katie" - girl
Umupo lang ako dun at nakinig ng music. Tinitingnan ko lang ang mga tao sa paligid ko at hindi ko mapigilan na pansinin ang mga bulungan nila dahil tingin sila ng tingin saken tapos magbubulungan.
Luminga linga ako at hinanap ko si Jelly. Asan ba ang babaeng yun? Wala akong mapagtitripan ngayon. Kaasar naman!
Bigla na lang akong hinatak ng paa ko paalis ng classroom at dinala ako nun sa rooftop. Hindi ko alam kung bakit dinala ng mga paa ko dito, pero nag eexpect ako na makikita ko si Keith dito sa rooftop.
Pagkabukas ko ng pintuan, nakita ko si Keith na nakahiga dun at malamang natutulog. Wala na bang ibang ginawa to kundi matulog?
Lumapit ako at tinitigan ko siya. Kumakabog ang dibdib ko habang tinititigan ko siya. Umiwas ako ng tingin at medyo lumayo sa kanya. Para kong tanga nakakainis.
Pero gusto ko siyang ayaing lumabas. Yung lalabas kame ng dalawa lang kame. Ayain ko kaya tong lalaking to? Inaamin ko, oo inaamin ko feeling ko may gusto ko sa kanya. Feeling ko lang. Nakakainis kasi errr ayoko na ngang mainlove eh.
"Anong ginagawa mo dito?" - Keith
Nagulat ako nung nakita kong nagising siya at nakaupo na siya. Tiningnan ko lang siya at nakatingin lang din siya saken.
"Bakit? Masama bang pumunta dito? Pag-aari mo ba to? Sino ka para paalisin ako dito?" - Katie
"Tinanong lang kita kung anong ginagawa mo dito ang dame mong tanong na binalik saken? Tss" - Keith
Tumayo siya at aalis na dapat siya. Pinag iisipan ko kung aayain ko siyang lumabas. Hindi naman siguro siya tatanggi ano? Alam kong suplado tong si Keith pero siguro naman kahit papano eh medyo mabait tong lalaking to.
"Ano Keith" - Katie
"Ano?" - Keith
"Libre ka ba mamaya? Pwede ba kitang ayaing lumabas?" - Katie
Tiningnan niya lang ako at tinaasan niya ako ng kilay. Anong problema niya? May mali ba sa tanong ko?"Bat parang ang baet mo ngayon? Medyo nakakapanibago ang ugali mo at hindi bagay sayo" - Keith
Nabwiset ako nung sinabi niya yun. Ano bang gusto niyang ipalabas? Na lagi akong maldita at masama ang ugali?! Hindi ba pwedeng maging mabait din ako kahit papano? Mabait naman ako ah, nagsawa nga lang akong tapak tapakan ng ibang tao kaya ako naging ganito at dahil na din kay Felix kung bakit ako naging ganito.
"Kung ayaw mo hindi wag! Hindi yung ang dame mong satsat!" - Katie
"Hindi naman talaga ako sasama sayo eh. Sino ba may sabeng sasama ako sayo? Kung may gusto ka saken, pwede bang itapon mo na yang nararamdaman mo para saken? May iba akong gusto at hinding hindi kita magugustuhan" - Keith
Nasaktan ako sa sinabi niya at lalo akong nagalit sa mga sinabi niya. Siya? May ibang gusto? Sino ang nagugustuhan niya? Si Jelly?
"Sino? Yung commoner na yun? Yung commoner na yun ang nagugustuhan mo? Wala ka bang taste?!" - Katie
"Oo wala akong taste dahil nagkagusto ako sa isang commoner na makulit na sakit sa ulo. Eh ano naman ngayon kung ganun siya? At least di siya katulad mo. Kung wala ka ng iba pang sasabihin. Aalis na ko" - Keith
Sinigawan ko lang siya habang papaalis siya ng rooftop. At nung pagkaalis niya, naiyak na lang ako sa nangyari. Nakakainis talaga ang mga lalaki, walang ibang ginawa kundi saktan kameng mga babae!
Wala na talagang matinong lalaki sa mundong to! Nakakainis talaga! Sinipa ko na lang yung nakita kong basurahan sa rooftop at lumipad to papuntang kabilang building!
Hindi pa din ako susuko sayo Keith Gonzales. Hinding hindi ako susuko.
BINABASA MO ANG
The Good Girl turns into an Evil Princess (ON-GOING)
Teen FictionA story of a girl named Katie Aguilar. She's a sweet and nice girl but when she found out that her boyfriend Felix was cheating on her, she turned into an evil princess and wanted a revenge.