Sixteenth Chapter: Real feelings

368 7 0
                                    

[Felix's POV]

"Oh ano pare? Kaya pa ba?" - Ron

Nasa bar kame ni Ron at umiinom. Hindi ko ba alam pero hindi ko na kaya ang nararamdaman ko Hindi ko na kayang makasama pa si Olivia bakit ba kasi sa dame-dameng babae sa mundo, bakita si Olivia pa?

"Bakit kasi hindi ka na lang umurong sa kasal Felix? Alam ko namang si Katie pa din ang mahal mo hanggang ngayon eh" - Ron

"Kung alam mo lang kung gaano ko gusto umurong sa kasal pare. Pero alam mo naman ang parents ko at si Olivia eh. Ginawa ko lang naman to para kay Katie eh." - Felix

Mahal ko pa si Katie. Hindi ko naman talagang gustong iwanan si Katie kasi siya ang unang unang babaeng minahal at sineryoso ko. Kaya ko lang naman siya pinagtaksilan dahil sa mga magulang ko.


Nakilala ko si Olivia dahil ang parents nameng dalawa eh mag business partners at katulad ng mga nababasa niyong mga fiction stories pagdating sa mga mayayaman at may mga business. Na eengage ang mga anak nila sa ibang babae o lalaki kahit di nila alam.

At ganun ang nangyari samen ni Olivia, hindi ko siya gusto at never ko siyang nagustuhan. Si Katie pa din ang nasa laman ng puso at isipan ko. HIndi siya napalitan dun. Kaya lang naman ako nakipaghiwalay kay Katie dahil ayokong saktan siya ni Olivia dahil alam kong katulad ko siya na isang gangster at marunong makipaglaban.

Mahina noon si Katie at ayokong saktan siya ni Olivia. Simula nung nakita ko si Katie na nagbago, hindi ako makapaniwala dahil sobrang laki ng pinagbago niya. Hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko nung nakita ko siya.

Itsura niya nagbago pati ugali niya nagbago. Ang dating lovely princess sa mata ko naging evil queen at ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganun. Ngayon, kinakatakutan siya sa school dahil sa mataray niyang ugali pati na din sa underground dahil naman sa galing niya sa pakikipaglaban.

"Well pare. If you really love Katie, hindi mo dapat siya iniwan. Eh malakas din ang toyo mo eh. Ni hindi nga kayang talunin ni Olivia si Katie sa pakikipaglaban eh" - Ron

"Hindi ko akalain na ganun pala si Katie eh. Hindi ko alam na mapupunta siya sa Black Skull Ron." - Felix

Napailing na lang si Ron sa sinabi ko at pinagpatuloy ko ang pag inom ng alam. Uminom ako ng uminom hanggang sa malasing ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nagawa kong ipagpalit ang taong mahal ko sa isang walang kwentang babae.

Nababanas ako! Napakawalan ko ang babaeng sobrang minahal ko. Nasaktan ko siya ng todo, napakawala kong kwentang tao. Gustung gusto kong sabihin sa kanya ang katotohanan pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin dahil wala akong lakas ng loob na sabihin pa un sa kanya.

[Katie's POV]

Asan ba ang facebook netong si Keith? Bakit hindi ko makita ang account niya? Kainis naman! Papahanap ko na nga lang yung account niya! Wala namang makakaayaw saken eh! Kaasar!

Nahiga na lang ako sa kama ko ng bigla kong narinig ang doorbell namen. Hindi ko lang yun pinansin dahil alam ko namang bubuksan yun ng mga katulong namen eh. Baka anjan na sila Mommy and Daddy, pero bakit ang aga naman nilang umuwi?

Ang alam ko eh uuwi pa sila after 2 months eh, bat parang napaaga ang uwi nila? Oh whatever, like I care.

Bigla kong narinig na may kumatok sa may pintuan ko at binuksan ang pintuan ko ng katulong namen.

"Mam, may naghahanap po sa inyo. Lalaki tapos lasing na lasing"

WTH?! Sino naman ang lalaking to na pumunta sa bahay namen ng lasing na lasing? Anong ineexpect ng lalaking to? Aalagaan ko siya ng lasing siya? Manigas siya!

"Paalisin mo. Sabihin mo ayoko siyang makita at hindi ko siya kilala." - Katie

"Pero mam parang nakita ko na po siya noon dito sa bahay eh"

"Sino ba yang lalaking yan?! Kung sino man siya, tell him to get out of my house!" - Katie

Nakarinig na lang ako ng may nabasag sa baba at hindi ko na napigilan ang inis ko kaya kinuha ko yung robe ko at tsinelas at binaba ko na yung lalaki, kung sino man tong lalaking to. Humanda siya saken!

"Sino ba yang lalaking yan?!" - Katie

"Katie..." - Felix

Nakita ko si Felix na nakaupo sa may sofa at tumayo siya agad nung nakita niya ako at lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan niya ang mga kamay ko habang umiiyak siya. Anong problema ng lalaking to?

"Anong ginagawa mo dito at anong ginagawa mo ngayon? Umiiyak ka sa harapan ko? Bakit? Anong problema mo? Nagbreak ba kayo ni Olivia? Wow, naghihiwalay pala kayo ano?" - Katie

"Katie please let me explain. Hindi ko mahal si Olivia, hindi ko siya minahal talaga. Sorry, sorry kasi iniwan kita at pinagpalit kita kay Olivia. Ginawa ko lang naman yun kasi ayokong saktan ka ni Olivia. Nag decide ang parents nameng dalawa na ipakasal kame para sa negosyo ng mga pamilya namen. Ikaw talaga ang mahal ko Katie, ikaw lang at please bumalik ka na saken" - Felix

"I'm sorry Felix. Pero hindi na ako bumabalik sa mga taong iniwan ako at isa pa choice mong iwanan ako. Masyado mo kong minaliit. Natatakot ka na baka saktan ako ni Olivia, eh ni hindi niya nga ko matalo sa laban eh." - Katie

"I'm sorry talaga Katie. Gusto kong bumalik ka saken please lang Katie" - Felix

Hinawakan niya ang binti ko pero sinipa ko lang siya. Wala akong pakialam kahit na mag iiyak ka sa harapan ko Felix. Sinaktan mo ko at nangyari na yun at hindi mo na mababago yun.

"Kung ako talaga ang mahal mo, sana man lang ipinaglaban mo ko noon. Hindi yung susundin mo ang mga kagustuhan ng mga magulang mo. Wala ng pag-asa na babalik ako sayo Felix. Kaya kung ako sayo umalis ka na sa bahay ko at wag ka ng magpapakita dito." - Katie

Tinawagan ko ung mga guards at sinabi ko sa kanila na bitbitin na si Felix palabas ng bahay namen at pumasok na lang ako sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto, bumuntong hininga ako at may tumulo na lang na luha sa mga mata ko.

The Good Girl turns into an Evil Princess (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon