[CassieJae's NOTE] Hindi ko po to na-update ulit nung nakaraan, may sinusunod na ako eh, pasensya na po dun sa sinabihan ko na mag-uupdate ulit ako hahaha. Inantok na ako nung inupdate ko yung iba kong story tsaka napagod na akong mag type nun hahaha pasensya na talaga! Eto na po yung update! Comment and Vote po kayo! Salamat!
***
Natapos ang First Year nila ng maraming pagbabago, si Katie na noon ay isang nerd na naging Reyna ng school. Ang pagbabago ni Katie ay ang pagbabago ng nangyayari sa AJ Academy.
Marami ng mga studyante ang natatakot sa kanya at sunud-sunuran sa kanya, ang mga teacher niya ay hindi siya mapigilan sa mga ginagawa niya, pero nagmamatigas pa din ang mga teacher niya sa kanya.
Ang madalas niyang target sa school nila at si Jelly De Guzman, dahil siya lang ang kakaiba sa lahat ng studyante ng AJ Academy, isang nerd na mahirap. Lahat kasi ng mga studyante sa AJ Academy ay mayayaman.
Si Jelly lang ang naiiba kaya siya ang madalas na pagtripan ni Katie, lalo siyang sinisipag na ipahiya ito sa lahat ng tao dahil hindi lumalaban si Jelly sa kanya.
"Hoy comshy!" - Katie
Napatingin naman sa kanya si Jelly nang parang wala lang.
"Ibili mo nga ako ng lunch, nagugutom na ako, nakakapagod mag practice, bilisan mo ah! Kundi malilintikan ka saken!" - Katie
Umalis si Jelly ng hindi nagsasalita nang utusan ni Katie, pinapanuod niya lang yung mga kasamahan niya sa squad, habang nagpapraktis sila, siya nakaupo lang, siya na kasi ang Captain ng Squad, kahit na sophomore lang siya, siya ang naging Captain.
"Ayusin niyo nga ang pagpapractice! Ano ba yan?! Ang panget tingnan!" - Katie
Maya-maya bumalik na si Jelly dala-dala ang pagkain niya pati na din ang inumin niya.
"Bakit yan ang binili mo?! HOW STUPID?! YOU ALREADY KNOW WHAT FOOD I WANT!" - Katie
"Ubos na kasi eh, kaya eto na lang ang binili ko" - Jelly
"Well, kapag wala na, GUMAWA KA NG PARAAN! MAGHANAP KA NG GANUNG PAGKAIN!" - Katie
Umalis si Jelly dala dala ang pagkain na binili niya, binigay na lang ni Jelly yung pagkain at inumin na yun sa mga batang namamalimos malapit sa may school nila.
"Nakakainis talaga yung si Katie, gusto ko siyang tirisin na parang kuto, peste kasi siya eh >.<" - Jelly
Habang naghahanap ng pagkain si Jelly, yung pagkaing gusto ni Katie nakita niya na hawa hawak nung isang lalaki.
Tumakbo siya papalapit dun sa lalaki at tinanong niya kung san niya nabili yun. Tinuro naman nung lalaki kung saan kaya naman dali-dali siyang pumunta dun at binili ang pagkain na yun.
"Para sa ikatatahimik ni Katie" - Jelly
Naglakad na siya pabalik ng school at pagkarating niya sa may field, nakita niya yung lalaking nakasalubong niya kanina.
Nagtago siya sa isa sa mga puno dun, dahil dalawa lang sila ni Katie na nandun, iniisip niya kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, kaya pinipilit niyang makinig dito.
"What are you doing here?" - Katie
"I bought this, its for you. Its your favorite right?"
"I didn't know you still remember the food that I want, Felix" - Katie
"Katie, please lang, hindi mo alam ang pinasok mo" - Felix
"Bakit? Natatakot ka na mapaslang ko ang pinakamamahal mong si Olivia?" - Katie
Nagulat si Jelly nang marinig niya ang sinabi ni Katie.
"Paslang? Ibig sabihin may papatayin si Katie?" - Jelly
Napatakip na lang ng bibig si Jelly para hindi siya marinig nila Katie at Felix, hindi inaakala ni Jelly na magagawa niya ang bagay na yun, kahit hindi pa nangyayari, pakiramdam niya, gagawin at gagawin ni Katie ang bagay na yun.
"Pakulong ko na kaya si Katie? Kaya lang wala naman akong ebidensya eh" - Jelly
Pinakinggan pa niya ang pag-uusap nila ni Katie at Felix.
"Hindi madaling kalaban si Olivia, Katie." - Felix
"Bakit? Ako ba madaling kalabanin? Hindi niya ako kilala at hindi mo din ako kilala, kaya wag kang magpanggap na kilalang-kilala mo na ako Felix" - Katie
Medyo nagiging seryoso na ang usapan nilang dalawa ni Katie, first time kasi nilang mag-usap after nung paghihiwalay nilang dalawa.
Nung naghiwalay na sila, hindi na sila nagkita at nagkausap ulit maliban lang nung nagkita sila sa may Underground.
Naghanap ng pagkakataon si Felix na makausap noon si Katie, pero wala siyang makita dahil sa laging nakabantay si Olivia, ayaw kasi ni Olivia na makipagkita siya kay Katie.
Natatakot siya na baka agawin ni Katie si Felix ulit sa kanya at mahalin na siya ni Felix ng higit pa sa kanya, dahil mas maganda at mas sexy na si Katie kesa dati.
At ngayon, nagawa ng kausapin ni Felix si Katie dahil sa umalis ng bahay si Olivia at mag mamall daw sila ng mga kaibigan niya, kaya ginrab na ni Felix ang chance niya na makausap si Katie.
"Katie, kung hindi ka aalis ng Black Skull..." - Felix
May kinuha si Felix sa may likuran niya na nakita naman ni Jelly dahil nasa may likuran siya. May patalim si Felix sa bulsa niya.
"Kailangan mo ng mawala" - Felix
"Katie IWAAS!" - Jelly
Naramdaman agad ni Katie na may gagawing hindi maganda si Felix, dahil sa isinigaw ni Jelly sa kanya kaya inunahan niya na agad ito, sinipa niya to sa may mukha kaya nahulog ang kutsilyo na hawak hawak niya.
Tumakbo naman si Jelly para makuha yung kutsilyo, ginamit niya ang panyo niya para mahawakan ang kutsilyo na yun.
Sinuntok ni Katie si Felix sa may mukha, lalaban na sana si Felix kaya lang biglang dumating ang mga gwardya at hinawakan siya sa dalawang kamay at inilabas ng eskwelahan.
Binigay ni Jelly yung kutsilyo na dala dala ni Felix sa mga guard. Pagkaalis nung mga gwardiya naiwan na lang sila Jelly at Katie dun.
"Hindi porket iniligtas mo ang buhay ko, eh magbabago na ang tingin ko sayo" - Katie
Umalis na si Katie at kinuha na niya ang pagkain niya na hawak hawak ni Jelly.
"Tss... Ganyan ba siya magsabe ng Thank You?" - Jelly

BINABASA MO ANG
The Good Girl turns into an Evil Princess (ON-GOING)
Novela JuvenilA story of a girl named Katie Aguilar. She's a sweet and nice girl but when she found out that her boyfriend Felix was cheating on her, she turned into an evil princess and wanted a revenge.