[CassieJae's NOTE] Sino ba pwede maging OP dyan oh? Hehehe wala lang naghahanap lang ako ng pwedeng maging OP para sa mga characters ko ^__^ post kayo sa message board ko if you want! Comment and Vote kayo sa Chapter na to. Sa totoo lang wala pa akong naiisip na ending para dito, di bali medyo matagal pa naman to eh hahaha LOL! Enjoy!
***
[Rozen's POV]
"LEXIIIII!!!" - Rozen
Napatingin saken si Lexi at ako naman tumatakbo ako papunta sa kanya, kailangan ko siyang makausap!
"Oh bakit ka ba tumatakbo?" - Lexi
"S-Si.. K-Katie..*huff* *huff*" - Rozen
"Bakit? Anong nangyari kay Katie?" - Lexi
Hinihingal ako talaga, tinaas ko ung kanang kamay ko para sabihin sa kanya na sandali lang at hahabulin ko lang ung hininga ko, sobrang napagod ako kakatakbo eh. Hihinga muna ako.
"Ano ba kasi un?" - Lexi
"May pinagtitripan na naman si Katie" - Rozen
"Ano?! Sino?!" - Lexi
"Si Jelly De Guzman. Yung commoner na nakapasok dito sa school na Top 1 din sa buong first year" - Rozen
Bigla na lang kumaripas ng takbo si Lexi papunta kay Katie. Ayy ano ba yan?! Tatakbo na naman ako? Nakakapagod ah! Ang layo layo kaya ng field! Tch! Bahala na!
Hinabol ko si Lexi at grabe ang bilis niyang tumakbo para siyang kabayo!
Nakatingin lang siya dun sa ginagawa ni Katie kay Jelly, pati ung mga studyante na nakapalibot dun nakatingin lang sa kanila.
Si Jelly naman parang wala lang sa kanya ung ginagawa ni Katie sa kanya, pinapahiya na nga siya eh, pinaliguan pa ni Katie si Jelly ng juice. Kawawa naman si Jelly.
Kailangan makagawa ako ng paraan para kahit papano eh matigil na tong ginagawa ni Katie, sakto nakita ko ung teacher namin tumakbo ako papunta sa kanya at sinabi ko kung ano ang nangyayari sa field.
Pumunta naman agad dun si Mam at nakita niya si Jelly na basang-basa at si Katie naman ay nakatayo lang dun at masaman ang tingin sa teacher.
"Ms. Aguilar, please come with me" - Mam
Napatingin kameng lahat sa kanya habang sinusundan niya si Mam, lumapit naman ako kay Lexi.
"Tss bagay lang sayo yan, hindi ka kasi bagay sa eskwelahan na to" - girl
BINABASA MO ANG
The Good Girl turns into an Evil Princess (ON-GOING)
Ficção AdolescenteA story of a girl named Katie Aguilar. She's a sweet and nice girl but when she found out that her boyfriend Felix was cheating on her, she turned into an evil princess and wanted a revenge.