Chapter 18
Allies
"Will she be okay?"
"I hope so. I'm waiting for her scan results."
"Matigas ang bungo niyan. Hindi 'yan mapapano."
"We're serious here, Greg. She's unconscious."
"Yeah, but a rock's not gonna kill her."
"You're stupid. I don't want to talk to you."
Masakit ang ulo ko at mas lalo pang sumasakit dahil sa naririnig. I tried to open my eyes. Agad ding napapikit dahil sa liwanag na sumalubong sa mga mata. I tried again and I let my eyes adjust to the brightness.
Nasa puting kwarto ako at nakahiga sa isang hospital bed. Hindi kalayuan ay kita ko sina Colton, Aiden at Greg.
Tulad ng kung gaano ako kabilis nilamon ng alon, ganoon din kabilis ang pagbabalik ng mga alaala. The yacht exploded... We swam and I hit a rock... Kahit hindi ko tingnan ang katawan ay ramdam ko iyon. Especially in my head. It's throbbing like hell.
"Nyssa? Are you okay?" Colton asked. Agad siyang lumapit sa akin kasunod ang kapatid.
"She's fine. It will take a lot to bring that woman down," ani Greg na nanatili naman sa tapat ng pinto.
Sinamaan ko siya ng tingin at kahit nanghihina, gusto ko siyang sugurin. I can't forget how much I want to argue with him. I can't stand up so I raised my middle finger at him. Greg just chuckled.
"See? Nerissa's okay," sabi pa niya.
Binaling ko na lang ang tingin sa magkapatid. Wala na akong lakas para magtanong kung paano kami nakarating dito. Kung paano narito si Aiden sa harap ko. But then, I know Colton will fill me in.
"Aiden was monitoring my tracker. He found us washed ashore. We were all unconscious but your case was worse. Dumudugo ang ulo mo pati na rin ang ilang sugat sa katawan mo."
I nodded. Wala nang pakialam kung paano nangyari iyon.
"How long has it been?" My voice sounds strained.
"Two hours?" alangang sagot ni Colton at lumingon pa sa kapatid para makumpirma. That's when I noticed that Aiden is giving me his dagger looks. Malalim at mapanganib... His lips are pursed and his brows are furrowed. I don't even know what he's angry about. Kasi kung tungkol naman kay Colton, buhay pa ang kapatid niya at walang galos. He should just chill.
"Nasaan tayo?" tanong ko kay Colton.
"Origen."
What? We're back? Akala ko nasa isang ospital kami malapit sa islang pinanggalingan... And Greg is here. Is he allowed here?
Sinubukan kong bumangon kaya agad umalalay ang magkapatid na Cortell. Halos mapaso ako sa hawak nilang dalawa, lalong lalo na kay Aiden.
"How did Greg manage to get away from your guards? Noong lumabas kami ni Colton, mabilis niyang naisagawa ang plano niyang kidnap even with a bunch of Cortell guards around. Why?"
"Can you just rest-"
"I need answers," mariin kong putol kay Colton. Tinaasan niya ako ng kilay at mukhang magpro-protesta pa.
"Leave us," Aiden said in his deep baritone. Colton looked at him but Aiden is just staring straight at me. Sumunod na lang si Colton at hinila palabas si Greg.
"Care to answer me?" I asked.
Naupo siya sa upuan sa tabi ng higaan ko. His face remained as is. Galit at parang sa akin nakatuon iyon. Napairap ako.
BINABASA MO ANG
No Time to Die
General Fiction[In Lies and Deceit #1] One mission. All it takes is one mission to destroy everything Nerissa Brooks believed in.
