"Nakakainis ka talaga! Sabi 'kong 'wag mo akong patatawanin kapag may reg--" hindi na natuloy ni Maxine ang sasabihin niya ng bigla na lang siyang napanganga habang nakahawak sa sariling tiyan.
" Hala, ang bulkan! Pumutok na.. duck, cover 'n hold!" sigaw ni Sieghart at saka nagtago sa ilalim ng lamesa. Nang bigla na lang lumipad ang isang tsinelas na sumapol sa mukha niya.
"Bwiset ka! Gaga! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA" halakhak ni Maxine at muli namang nagulat, this time napaimpit naman siya sa sakit. "Urrrghhh. Ahhh.." lumabas naman si Sieghart sa pinagtataguan at lumuhod sa nakaupong si Maxine.
"Hoy gaga! Para kang tanga!" at kinaltukan niya si Sieghart. "May baby po ba diyan? baby? chuchuchuchuchu..." at nilamas niya ang tiyan ng kaibigan. Isang sampal naman ang iginawad ni Maxine dito.
"Ponyeta kang animal ka." mahinahon nitong sagot, pero bakas ng inis ang mukha. "Baka o kambing?" tanong ni Sieghart at napatingala sa kisame.
"Gague kang bakla ka! Bili mo na 'ko dun ng napkin! Maglalawa na ako dito, kapag ako natagusan papakain ko sa'yo ito!" pagbabanta ng babae kaya naman dali-daling kinuha ni Sieghart ang wallet at naglabas ng bente pesos.
"Tsk, bhie naman. Mapagkamalan pa 'kong bakla kapag bumili ako ng napkin. Hays, sa pogi 'kong to?" humarap siya sa salamin at saka nag wacky pose.
"Urur! Wala ka ngang jowa, tsk. Oo bhie, inaamin ko naman habulin ka.... ng asong urur HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" halakhak ni Maxine at muli siyang napaimpit sa sakit. " Ayan, tawa pa. Saglit lang bhie bibili na nga ako HAHAHAHA. Ano bang size?"
"Nang-aasar ka bang nilalang ka?! Ponyeta! Napkin na dali!" sigaw nito sa kaibigan.
**** 10 minutes later ****
"Leche bhie, saang lupalop ka ng pilipinas nakapunta? Napaka tagal mo, baka nilandi mo yung mga tambay dun kay Aling Marites." napahawak sa sintido si Maxine nang maabot ang plastic bag.
"Hindi kasi ako bakla, tangina naman ih." at nagkunwari-kunwaring umiiyak si Sieghart. "Pota, bat ang laki? Ano 'to? Teka nga...." inilabas ni Maxine ang nakapa niyang malaking napkin mula sa plastic na inabot ni Sieghart.
Kurot,
Hampas,
Palo,
Ang naabot ni Sieghart dahil hindi napkin ang binili nito kundi...
Pampers
"Sorry na bhie, malay ko ba!" awat ni Sieghart habang pinagpapalo siya ng kaibigan.
"Dun ka na nga sa bahay nyo! Palagi ka na lang naka tambay dito! Nakakasawa na yung pagmumukha mo." pansin niya ang lungkot nito sa mukha habang papalabas ng bahay.
Nakahawak ng kung anong panyo si Maxine at ibinato kay Sieghart.
"Joke lang bhie, balik ka na dito di na ako galit!" humarap si Sieghart na may panty sa ulo.
"Bhie? y-y-yuuuuck!" ibinato niya iyon pabalik kay Maxine na nanatiling nakaupo dahil kada tayo niya ay may bumubulwak.
"Pasensya na oy, sadya HAHAHAHAHAH" walang pasabing kiniliti siya ng kaibigan kaya naman umalingawngaw sa bahay nila Maxine ang ingay nilang dalawa.
Maxine Condoma, isang 4th year highschool student na nag-aaral sa isang sikat na paaralan. She had a boybestfriend, magkaibigan na sila since birth. Yes, magkumare ang kanilang mga nanay at magkapitbahay din sila. Pareho sila ng gusto, same vibes, halos pagkamalan na silang magkapatid sa palagi nilang gawi. Not until makaramdam ng kakaibang spark si Maxine sa friendship nila ni Sieghart, mapigilan kaya ni Maxine ang nararamdaman niya? or umamin kaya siya kay Sieghart? Aba, malay ko tara na't saksihan ang pagkakaibigan ng dalawang tukmol.
C'mon chunnies!
@Miss Phoenix
BINABASA MO ANG
I Fall Inlove With My Bestfriend - Miss Phoenix
Teen FictionLet us all meet Maxine Condoma, who had a childhood bestfriend Sieghart Flix. Palagi na lang silang napagkakamalang magkapatid because on how they treat each other. In the middle of their friendship, makakaramdam ng kakaibang spark si Maxine. And th...