Chapter 4

8 0 0
                                    

Chapter 4 : Dead

@MissPhoenix

                      ***
"Uhhh-ohh, goodmorning anak!" papikit-pikit pa ang mata ko pero alam kong boses iyon ni mama.Kaaga-aga naku, feeling ko may kailangan na naman si mama.Bumangon ako at kinusot ang mga mata.

"How's your sleep anak?" masayang tanong nito. Ano na naman kayang plano ni mama ngayon, for sure gagala na naman siya. Hays ewan ko ba 35 yrs old na si mama pero kung makaasta akala mo millenial.

"Okay naman ako ma, may problema po ba? You're okay?" sagot ko sa kaniya at tuluyan nang bumangon sa pagkakahiga. Parang gusto ko pang humiga, matulog.

"Wala naman anak, nga pala pinaghandaan na kita ng breakfast mo doon sa baba, favorite mo yung niluto ko." masiglang paliwanag niya sa akin. Pilit kong iniisip kung may mali ba ngayong araw na ito pero parang wala naman. No new, just the same, as always.

"Salamat ma." tipid kong sagot bago bumaba. Sa hagdanan palang naaamoy ko na ang aroma ng niluto ni mama.

"Magpakabusog ka anak!" sigaw ni mama mula sa itaas.
Ano kayang niluto ni mama...
Kumuha na ako ng plato at kubyertos saka umupo at tinanggal ang nakatakip sa ulam.

"Tocinoooo! Whaaaaaaaa!" kaagad ko iyong nilantakan. Sobraang saraaaap! Saka ko lang namalayan na nakatitig pala sa akin si mama. "Masarap ba anak?" masaya niyang tanong. Napatigil ako sa pagsubo ng kutsara  at napakamot sa batok ko.

"Ma, diretsuhin mo na ako. May kailangan ka ba? May problema ba?" usisa ko bago siya hinarap. Umiling lang siya at saka nagtungo sa kusina. Ang weird naman.

"Hays, nakakabusog na- Maaaaa!" sigaw ko nang abutan ako ni mama ng isang basong gatas. "Tell me, ano bang meron?" tinitigan ko si mama nang madiin. "Eh, anak..." napasabunot na lang siya sa sarili.

"Po?" paghihintay ko sa sasabihin niya. "Anak, may pera ka pa ba dyan?" saka ako natawa. "Ma? HAHAHAHAHA manghihingi ka ng pera o mangungutang? HAHAHAHA Ma naman parang baliktad tayo diyan ah." at inakbayan ko siya na para bang magkumare lang kami. "Magkano ba Juliana?" asta ko na parang siga. Sige,kapag pinagalitan ako ni mama hindi ko siya papautangin HAHAHAHA.

"Wampipte lang Maxine." sabad nito at pinisil ang pisngi ko. Mygeee! aanuhin ni mama ang wampipte?! "Ma, i understand naman na gipit na us pero why naman ikaw hihingi sa akin ng 150 pesos, then saan mo naman iwawaldas my money ?" mama smirked. No choice, you have to give your money to your mommy kase kung hindi mapapalayas ka ng wala sa oras.

"Okay fine, basta ma bayaran mo ah? Gagamitin ko yan sa susunod na araw." tango lang ang sinagot ni mama kaya umakyat na ako sa taas para kunin ang wallet ko sa kwarto.

Matapos makipagdiskusyunan with mama, tinawagan ko si Leish.

***on call***
"Goodmorning Leish" bati ko sa kabilang linya.
"Hello, goodmorning Max!" masigla niyang sagot sa akin. "Busy ka ba ngayon? eh kasi diba bukas na yung birthday ni Hesha? Wala naman kasi akong masusuot syempre gusto kong umawra." isang malakas na hagikhik lang ang narinig ko mula sa kanya. "Then? hindi ka talaga magpapahuli HAHAHAHA, okay fine hindi ako busy ngayon. Pero teka, kasama ba si baby?" tanong niya.

And speaking of baby-- Sieghart, hindi ko pa siya nakakausap mula nung magpromise kami sa isa't isa kahapon.

Siguro naghahanda din siya, for now ayoko muna siyang guluhin. May pa pogi orasyon pa iyon at ayokong mangialam.

I Fall Inlove With My Bestfriend - Miss PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon