Chapter 7 : The Party
@MissPhoenix
***
Maxine's P.O.VSobrang saya ko at nangyari ang inaasahan kong mangyari. Nagsorry siya sa akin kahit na wala naman talaga siyang kasalanan. Besides, dinalhan pa niya ako ng favorite kong flavor ng ice cream, i'm just wondering kung anong klaseng panunuyo ang ginawa niya kay Leish.
Kasalukuyan kong inaantay ang tawag ni Hesha. Nakalagay kasi sa sobreng binigay niya na tatawag siya kapag parating na yung susundo sa amin. Today is her birthday. Hindi na din ako kinakabahan lalo na't nakausap ko ulit si Sieghart tungkol dito sa promise niya 'bout kay Hesha.
It's already 6:30pm, katatapos ko lang maligo at sinusukat na ang binili kong damit. I really suits me, isang plain white dress na lampas tuhod ang haba. Off-shoulder ang style nito.
Sinuot ko na ito habang nakaharap sa malaking salamin na sakop ang buo kong katawan. Iwinawasiwas ko ang laylayan nito bago magsmile-smile sa salamin. Saka ko iniayos ang buhok ko.
Tinali ko ito ng pa-donut bun at nagiwan ng magkabilang hibla ng buhok sa may bandang tainga ko. Messy bun kung tawagin.
Isinuot ko din ang kwintas na niregalo sa'kin ni Leish nung 15th birthday ko. Gintong kwintas ito na may pendant na star, alam ko namang sa tiangge niya lang ito nabili pero kahit papaano na-appreciate ko naman ng lubusan.
Habang naghahanap ng ipapares kong sapatos sa porma ko biglang nagring ang phone ko kaya kaagad akong tumakbo papunta sa bed ko at umupo.
Hesha's calling...
Agad kong sinagot ang tawag.
***oncall***
"Hey Maxine!" bati niya sa kabilang linya.
"Hey Hesha, happy 15th birthday!" bati ko sa kanya.
"Yung susundo sa inyo, on the way na." banggit niya sa kabila.
"Hmm, okay." tanging sagot ko sa kanya.
"Di bagay sa'yo 'yang mahinhin mode mo haha!" pang-aasar niya.
"K, see you." dagdag pa niya bago ibaba ang tawag.
Hays, muntik ko na siyang suntukin. Naku, kung pwede lang talaga. Napairap na lang ako at saka kinuha ang dalawang pares ng puting sandals. Tsinelas lang ang style nito na may 1inch na takong.
Tumayo ako ulit at saka hinarap ang salamin. Sobrang ganda ng ayos ko ngayon kaya sana maging maganda din ang mangyayari mamaya.
Bumaba na ako at naupo sa sala. Agad namang hinanap ng mga mata ko si mama na nagkakape lang pala sa kusina. "Ohh, ang ganda naman ng anak ko" bungad ni mama ng maramdaman niya ang presensya ko sa likod.
"Goodeve ma" bati ko dito at saka lumapit. "Gabing-gabi na nagkakape ka pa." dagdag ko at saka niya ako hinarap. "Ang ganda mo 'nak" at sumilay sa labi niya ang nakakalokong ngiti.
Yah, may meaning yan ma don't me ma.
"Magkano ba ma?" tanong ko na mas lalo niyang ikinangiti. "Ampanget mo ma, haha!" dagdag ko at saka kinuha ang wallet sa suot kong shoulder bag na kulay puti din at mabulaklak. "Kung mabait ka naman eh, dagdagan mo na" pangungulit ni mama at inilagay ang basong pinagkapehan sa lababo.
"150php? okay na ba? " pangongontrata ko dito. Tumango naman siya kaya iniabot ko na ang pera. "Salamat anak" pasasalamat ni mama bago umakyat sa taas.
BINABASA MO ANG
I Fall Inlove With My Bestfriend - Miss Phoenix
Teen FictionLet us all meet Maxine Condoma, who had a childhood bestfriend Sieghart Flix. Palagi na lang silang napagkakamalang magkapatid because on how they treat each other. In the middle of their friendship, makakaramdam ng kakaibang spark si Maxine. And th...