Chapter 15 : Support you
@MissPhoenix
***
Masakit ang tama ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Agad akong napabangon at napatingin sa alarm clock ko. 9:00am palang naman ng umaga pero sobrang tirik na ang sikat ng araw.
Naramdaman ko ding pawisan ako kahit pa nakatutok sa akin ang stand fan. Napabuntong hininga ako bago dumapa sa kama ko at binaling sa pader ang atensyon.
Whatataps!
Sigaw ko nang makitang may taong nakatulakbong ng kumot ko. Marahil hindi ko namalayan na may katabi pala ako.
Shock, sino ka?
Napalunok ako bago dalawang beses na mag-isip kung sino yung taong nakahiga ngayon sa kama ko.
Narinig kong may kumatok mula sa labas ng pinto ko at kaagad kong pinagbuksan. Bakas pa din sa mga mata ko ang pagkagulat ng harapin si mama na may dalang tray.
"Oh, gisingin mo na si Leish. May hangover yata kayo ngayon, mabuti pang umabsent muna kayo." paliwanag ni mama bago ilapag sa study table ko ang tray na naglalaman ng dalawang sandwich at dalawang baso ng gatas.
"Maxine Condoma, mag-uusap tayo mamaya." matabang na paalala ni mama bago isarado ang pinto.
Shocks! Lagot na me kay mader
Muli kong tinitigan ang korteng katawan ni Leish bago alisin ang pagkakatulakbong niya gamit ang puti kong kumot.
Mahimbing naman siyang natutulog, napagdesisyunan ko nang hindi na lang siya gisingin. Ibinaba ko ang kurtina ng bintana para hindi siya magising sa sinag ng araw na tumatama ngayon sa kama ko.
Binuksan ko naman ang dimlight na kulay orange ang ilaw na nakalagay sa study table ko habang kinakain ko ang sandwich ko at humihigop ng mainit-init na gatas.
Napasulyap ako sa salamin at napagtantong nakapajama pala ako ngayon, sinulyapan ko din si Leish na suot-suot ang pares ng unicorn design kong pajama.
Ano bang nangyari kagabi?
Bakit hindi ko maalala?
Bumaba ako sa kusina para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko at kinuha ang panakip sa ulam na ipantatakip ko sa almusal ni Leish. Napasulyap ako sa wall clock sa taas ng pintuan.
9:30am
Humikab pa ako saglit bago tumungtong sa unang baitang ng hagdanan, napahinto ako ng tawagin ni mama ang pangalan ko para mapalingon ako sa kanyang nanonood ng tv sa sala.
"Mag-usap tayo" nakakapanindig balahibo niyang sambit.
Ako naman na nagmamalarobot ngayon, siguro nagtataka si mama kung bakit nasa umuwi kaming lasing- i mean si Leish umuwing lasing, hays.
"Tatakpan ko lang po yung almusal ni Leish, baka kasi kainin ng daga." tanging sagot ko. Hindi pa man ako narereplyan ni mama ay umaykat na lang ako kaagad.
Pagdating ko sa kwarto, naabutan kong nahihimbing pa din si Leish kaya't tinakpan ko na ang pagkain niya.
Agad akong bumaba sa sala ng marinig kong tinatawag ako ni mama sa full name ko. Hays, lagot na.
Pagkababa ko, tinabihan ko siya sa pagkakaupo sa sofa at napangiti.
"Ma" sambit ko at nagpuppy-eyes.
"Hindi porket pinayagan kitang madaling araw nang umuwi eh ibang usapan na yung uuwi kang lasing." paliwanag ni mama, halatang kinokontrol niya lang ang galit niya kaya naman yuko lang ang ginawa ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Fall Inlove With My Bestfriend - Miss Phoenix
Teen FictionLet us all meet Maxine Condoma, who had a childhood bestfriend Sieghart Flix. Palagi na lang silang napagkakamalang magkapatid because on how they treat each other. In the middle of their friendship, makakaramdam ng kakaibang spark si Maxine. And th...