Chapter 3 : Promise
@MissPhoenix
***
"Do you think baby will go to Hesha's party?" bungad ni Leish sa akin nang pagbuksan ko siya ng pinto.Pinapunta ko siya dito sa bahay para pagusapan yung tungkol sa invitation ni Hesha. Ewan ko ba parang ayokong pumunta, pero may part sa akin na nagsasabing dapat akong pumunta.
"I don't know." tangi kong sagot kay Leish bago sumimsim ng gatas. "Ikaw? pupunta ka ba? " dagdag na tanong nito habang kumakain ng tinapay.
"Kung payagan ako ni Mama." maikli kong sagot bago tinitigan ang hawak kong sobre."Max naman, alam mo namang kahit anong paalam mong aalis ka basta't kasama mo si baby eh, pumapayag si Tita." paliwanag niya at sumimangot. Napabuntong hininga nalang ako.
Tama siya, kahit anong paalam ko papayag si Mama basta kasama ko si Sieghart. "Siguro kakausapin ko muna si Sieghart tungkol dito. If pupunta siya then i'll go too. Ayokong mag-isa niyang harapin si Hesha, baka may binabalak lang pala yung babaeng yon." nasulyapan ko naman ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Leish. "Edi, pupunta na din ako!" sigaw niya at saka ininom ang gatas ko.
"Ohh, ang aga nyo naman atang magising? Chikahan kaagad?" bungad ni Mama at sinaluhan kami sa dining table. "Puyat ka na naman Ma?" nguso ko dito. "Anak naman, tinapos ko lang yung last episode nung koreanovelang pinapanood ko." Napailing na lang ako, hays parang dalaga pa din kung umasta si Mama.
"Ma, puntahan ko muna si Sieghart. May lakad kasi kami nila Leish bukas, kakausapin ko lang kung sasama ba siya sa amin." pagpapaalam ko bago tumayo na ginawa din ni Leish. "Osige anak, basta mag-iingat kayo ah." tumango ako bago lumabas ng bahay.
"Tulog pa ata si baby." sambit ni Leish na nasa likod ko. Napabuntong hininga na lang ako bago pinagpagan ang paldang suot-suot ko. It's Saturday kaya wala kaming pasok. Bukas gaganapin ang birthday party ni Hesha.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago tignan si Leish na nasa likod ko lang. Nakasuot siya ng puting t-shirt, mini skirt na kulay pink at nakangiting nakatingin sa akin. "Mukha kang baliw." saad ko dito.
"Sinong baliw?" napatuon ang pansin ko kay Tita na pinagbuksan na pala kami ng pinto.
Napakamot na lang ako sa ulo bago sumagot. "Si Sieghart po ba nandiyan?" tanong ko, tumango si Tita kaya naman pumasok na kaming dalawa ni Leish sa loob.
Umupo kami sa malawak nilang sala habang inaantay bumaba si Sieghart na busy daw sa paggawa ng homework.
Homework pa amputa, wala namang assignment nung nakaraan. Napadekwatro na lang ako nang bumaba si Tita at umiling."Busy daw siya, mabuti pa akyatin nyo na doon sa taas." sambit nito at saka dumiretso sa kusina.
"Letcheng tukmol, nagbusy-busyhan na naman." sambit ko at umakyat sa taas, nakasunod naman sa akin si Leish. "Baka naman busy nga si baby." rinig kong kuda nito.
Busy? Busy saan?
Pinihit ko ang doorknob at bumulaga sa akin ang lalaking nakatutok sa monitor ng computer niya."Busy? Ang pagkakaalam ko walang assignment nung nakara-" agad ko siyang binatukan nang makita kung sino ang tinititigan niya sa monitor.
"Ma-max, mamamatay na ata akoo!" sigaw ni Leish at nag lumpasay sa sahig.
Picture lang naman ni Hesha ang tinititigan niya, naka two-piece lang ang dalaga at nakaupo sa may batuhan.
BINABASA MO ANG
I Fall Inlove With My Bestfriend - Miss Phoenix
Novela JuvenilLet us all meet Maxine Condoma, who had a childhood bestfriend Sieghart Flix. Palagi na lang silang napagkakamalang magkapatid because on how they treat each other. In the middle of their friendship, makakaramdam ng kakaibang spark si Maxine. And th...