Chapter 12

3 0 0
                                    

Chapter 12 : Chaos

@MissPhoenix

                      ***

Naramdaman ko ang lambot ng kamang hinihigaan ko. Padapa ang style ko ngayon at napapalibutan ako ng lima kong unan. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang tamaan ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana.

Umaga na pala, napaupo ako sa higaan ko at kinusot-kusot ang mga mata ko bago tumingin sa malaking salamin.

Anong nangyari kagabi?

Bakit wala akong matandaan?

Anong oras ako nakauwi?

Napakamot na lang ako sa ulo ko at tumayo na para mag-ayos dahil papasok pa ako. Sinulyapan ko ang alarm clock na nasa study table ko.

7:00am

Ang aga-aga tirik na tirik ang araw. Tutal nakasanayan kong pumasok ng maaga, wala pang 9:00am ay nakabihis na ako at nag-aalmusal sa sala.

Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi, pero mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

Ang huli ko lang namang naalala ay iniwan ko si Sieghart sa pathwalk habang naglalakad ako palayo sa kanya. Pagkatapos nun nagising na lang akong nakahiga na sa kama ko.

Habang kinakain ang almusal ko, naupo si mama sa tapat ko.

"Goodmorning Max, kamusta tulog mo?" bati ni mama at saka humigop ng kape.

"Maayos naman po" tipid kong sagot habang kinakain ang pandesal.

"Ang aga mo naman yatang magising." dagdag niya. Tumango na lang ako at inubos ang tinapay at milo ko.

"Mabuti pa sunduin mo na si Sieg doon sa kabila, magpasalamat ka din dahil hinatid ka niya dito." dagdag ni mama habang nililinis ang dining table.

What?

Hinatid?

Hinatid ako ni Sieghart?

Paano?

Umupo ako sa sofa ng nakakunot ang noo habang pinapanood si mamang maghugas ng mga plato.

"Hindi mo ba natatandaan?" tanong niya kaya nilapitan ko na siya at tinabihan. "Hindi ma" pag-amin ko at nagsimula siyang tumawa.

May nakakatawa ba?

"Hinatid ka ni Sieg dito sa bahay. Nagising ako kasi paulit-ulit siyang nagdoorbell sa gate, pag bukas ko nakita ko siyang buhat-buhat ka, ang sabi niya pagod na pagod ka daw kaya naman hinayaan ko na siyang dalhin ka sa kwarto mo."
kwento ni mama habang nakatulala ako sa mga pinggang hinuhugasan niya.

Ibig sabihin,

Dinala ako ni Sieghart sa kwarto ko?!

WHAAAAT?!

"Pagkadala niya sayo sa kwarto mo bumaba siya sa sala, pinagtimpla ko naman siya ng gatas. Kinwento niya din na sobrang pagod ka daw sa pagtulong sa paglilinis ng venue kaya nag-alala naman ako sayo." dagdag ni mama habang binabanlawan ang mga nasabunang mga pinggan.

"A-anong oras yun ma?" tanong ko at saka niya ako hinarap.

"Wag kang mag-alala kahit abutin ka pa ulit ng madaling araw sa pag-uwi, hindi naman ako magagalit sayo haha!" sagot ni mama at saka tumawa ng malakas.

I Fall Inlove With My Bestfriend - Miss PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon