Chapter 6

5 0 0
                                    

Chapter 6 : Sorry

@MissPhoenix

                     ***
          Sieghart's P.O.V

Hindi ko alam kung anong ginawa ko kina Leish at Maxine. Dahil ba sa nangyari kahapon kaya iniiwasan nila ako? Hays, hindi nila ako masisisi. Sa isang katulad ko na ma-attach sa isang Hesha Villanueva ay isang himala. Alam kong hindi ko dapat siya gustuhin, binalaan na ako ni Maxine.

Pero hindi naman siguro masamang makipagkaibigan sa kaniya diba? Kaibigan nga lang ba ang habol ko? Hays, puputok na yung utak ko kaiisip ng rason bakit ang cold sa'kin ng dalawa kong kaibigan.

Napahiga na lang ako sa malambot kong kama at sinulyapan ang cellphone. Hindi man lang siya nag-goodmorning chat. Tsk, kailangan ko bang magsorry?

Napairap na lang ako matapos bumangon sa pagkakahiga, nag-ayos ako ng sarili at saka lumabas ng bahay. Pagkain lang ang katapat nito. Naisipan kong bumili sa 7/11 ng ice cream na nasa box. Cookies 'n Cream, her favorite.

Kinuha ko ang cellphone ko habang naglalakad pauwi at saka siya chinat.

"Hi, kamusta?" chat ko nang hindi man lang niya i-seen. Naka on siya pero ayaw niyang i-seen. Hays, ano ba kasing ginawa ko?

Tatlong beses akong kumatok sa gate nila at bumungad sa akin si Tita, mama ni Maxine. "Oh tanghaling tapat, napadalaw ka?" bungad sa akin nito at napatingin sa hawak kong plastic. "Para kay Maxine?" tumango na lang ako saka niya ako pinapasok at pinaupo sa salas.

"Si Maxine po pala?" Nilapagan niya ako ng isang basong gatas sa lamesang kaharap ko bago umupo sa gilid ko. "Ayun, mula pa kaninang umaga hindi nalabas ng kwarto, hindi nga naghugas ng plato." at mahina siyang napahalakhak.

"May nangyari ba?" seryoso niyang tanong bago ako titigan. "Kagabi kasi pagkauwi niya, nakabusangot parang sinakluban ng langit at lupa." muli siyang napahalakhak. "Pwede ko po ba siyang makausap?" tumayo ako at ganun din ang ginawa ni Tita.

"Depende kung kakausapin ka niya, o siya akyatin mo na sa taas." ngiting sagot ni Tita bago ako iwan sa salas.

Maxine Condoma, ano na namang kabalbalan to?

Umakyat ako bitbit ang ice cream, kumatok ako sa kwarto niya pero hindi niya ako pinagbuksan. Naririnig ko ang kanta ni Taylor Swift na pinapatugtog niya.

"It's a love story baby just saaaaaa-ay, yes!" kanta niya mula sa loob.

Napagpasiyahan kong buksan na lang ang pinto tutal hindi naman naka-lock.

"Ma-maxine?" bumungad sa akin ang isang babaeng naka suot ng pair na pajama na "barbie" at hawak ang suklay habang kumekembot at kinakanta ang kanta ni Taylor Swift.

"The fuckinang ina, Sieghart!? Bakit ka nandito?" sumeryoso ang mukha niya na may bakas ng pagkahiya. "Uhmm, gusto ko lang magsorry about kahapon-" pinutol niya ang sasabihin ko nang patayin ang tumutugtog na kanta. "Ay ayun ba? Bakit ka magsosorry eh wala ka namang kasalanan, at isa pa desisyon mo 'yon. Kahit pa sinabihan na kita desisyon mo pa din 'yon, wala akong magagawa KAIBIGAN lang ako." sagot niya at para bang may diin sa salitang KAIBIGAN. Bakit nga ba ako magsosorry? Tama naman siya pero ang point ko is bakit nagkakaganyan sila ni Leish?

"Eh bakit ka ganyan? May period ka ba ulit? Sabay ba kayo ni Leish?" sunod-sunod kong tanong umiling lang niya at natuon ang pansin sa hawak kong plastic. "Ano 'yan?" napangiti ako at saka iniabot sa kanya iyon. "Oh, ice cream favorite mo yan, sorry ulit." iniabot niya ayon ng may ngiti sa labi bago ako niyakap.

"Apology accepted. Thank you, tukmol." napangiti na lang ako sa sinabi niya. Kumawala siya sa pagkakayakap at saka inilagay ang ice cream sa lamesa niya bago ako hinarap. " Sana matupad mo yung promise mo sa'kin kahit na binibigyan mo 'ko ng motibo para isipin yun." umupo ako sa bed niya katabi siya. "I will Maxine, sorry ulit." saka ko siya niyakap patalikod. Humarap siya sa akin nang nakataas ang isang kilay.

"Mukha kang baliw! HAHAHAHA Kainin na nga natin yung ice cream baka matunaw pa, sayang." yaya niya sa akin na ikinangiti ko na lang. At sa wakas nasuyo ko na siya at nagkaayos na kami, si Leish na lang ang kailangan kong kausapin. Alam kong bibigay din naman iyon, patay na patay yun sa'kin eh.

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, 4:00pm ako nakauwi dahil si Maxine nagyaya pang magkantahan kami. Wala namang kaso kay mama na inabot na ako ng gabi, magkapitbahay lang naman kami ni Maxine.

Tinawagan ko ang number ni Leish na kaagad naman niyang sinagot, sabi na bibigay din ang isang -to.

"Why?"

"Sorry baby."

Rinig kong napabuntong hininga siya.

"Okay lang Sieghart, basta kung saan ka masaya dun na lang ako."

At this time alam kong nasaktan ko siya ng husto, this is the first time she called me in my name.

"Sorry Leish, baby."

"Okay lang ano ka ba HAHAHAHA."

Damn, ang hirap suyuin ng isang 'to.

"Free ka ba tomorrow? "

"Bakit? Gagala tayo nina Maxine? Pass muna."

"Nope, i just want to have sometime with my baby. I'll treat you."

Ramdam kong kinilig siya sa sinabi ko.

"Okay fine, see you then."

Akto na niyang ibababa ang tawag ng pigilan ko.

"Okay na ba tayo?"

"Hmm, oo naman ikaw pa ba, matitiis ba kita? Baby kita eh."

At bumalik na nga ang awra niya.

"HAHAHA Korni mo, babye na."

"Gege baby."

And she ended the call.

Hays, sa wakas okay na kami ng mga kaibigan ko. No more problems. Were gonna celebrate Hesha's party mamaya, nang masaya at walang problema.

@MissPhoenix

I Fall Inlove With My Bestfriend - Miss PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon