Chapter 10 : Scared for you
@MissPhoenix
***
Nandito ako ngayon, naglalakad sa mahabang kalsada. Hindi iniinda ang basa kong katawan dulot ng pag-ulan. Hindi pa din maalis sa isip ko ang mga nangyari kanina. Umaasa ako, umaasa akong tutupad siya sa mga pangakong binitawan niya pero hindi.
Nagkamali ako, pinaasa niya lang ako.
Matapos ang mangyari kanina, nang mawalan ng malay si Leish kaagad akong magpanic. Sinulyapan ko ang dating strangers na ngayon ay love birds na, nagsusubuan ng cake sa ministage.
Sobrang kirot ng puso ko, sobra akong galit pareho sa kanila lalo na kay Sieghart na hindi man lang kinonsider ang nararamdaman ni Leish sa kanya.
Kaagad kong binuhat si Leish at dinala sa nakaparked na kotseng itim. Nabanggit kasi ni Hesha sa invitation card niya na siya na din ang bahalang mag-uwi sa amin.
Kaya pagdating ko sa parking lot malapit sa nag-iisang malaking bahay na marahil ay rest house.
Nakita ko ang driver na naghatid sa amin dati at pinakiusapan ko itong ihatid si Leish sa bahay nila.
"Manong driver!" tawag pansin ko dito na hinarap naman ako. "Yes lady?" tanong niya.
"Pwede po bang ihatid nyo yung kaibigan ko sa bahay nila? Ito po yung address." inabot ko sa kanya ang id ni Leish at kaagad kaming nagtungo sa nakaparked na kotse.
Binuksn niya ang pinto sa backseat ng kotse at inihiga ko naman doon si Leish na walang malay.
"Ano pong nangyari, ma'am?" usisa ng driver.
Umiling na lang ako kaya hindi na siya nagtanong pa. Binuhay na niya ang makina ng kotse at natigilan nang malamang wala akong balak sumabay sa kanila pauwi.
Ayoko nang sumabay, wala akong ganang ma-meet si mama ngayon. Alam kong magtatanung yon tungkol sa mga nangyari ngayon sa party na inattendan ko.
"Hindi po ba kayo sasakay? ma'am?" tanong ng driver na ikinailing ko. "Basta manong driver, promise me na ihahatid mo si Leish sa address na ibinigay ko sa'yo. " tumango naman ang driver.
"Opo ma'am. Wala po akong balak na masama sa kaibigan ninyo dahil may mag-ina din po akong binubuhay." sambit niya na ikinatango ko na lang.
Binuksan ko muli ang pinto backseat ng kotse at kinuha ang phone ni Leish sa bag niya, kinuha ko naman ang phone ko sa shoulder bag ko.
"Just wait a moment " saad ko sa driver na ikinatango lang niya.
Agad kong ikinonect ang GPS ni Leish sa phone ko incase na kung may mangyaring masama, mas maganda na din yung sigurado diba?
Ibinalik ko sa bag niya ang phone at isiniksik ko sa bandang likuran niya. Lumapit din ako sa kany at bumulong.
"Sorry Leish, magpahinga ka na."
Tinitigan ko siya ng ilang sandali at naisipan kong iwan sa kanya ang kwintas na niregalo niya sa akin.
Ayoko namang magalit siya sa akin. Hinubad ko ang kwintas sa leeg ko at isinuot naman sa leeg niya.
"Keep safe Leish, keep safe.' saad ko at saka isinara ang pinto.
Dumungaw naman ako sa bintana ng driver's seatna nakabukas.
"Manong driver, kapag nakarating na po kayo sa tapat ng bahay ng kaibigan ko, mag-doorbell po kayo at tawagin ang mama niya para siya na po ang magbuhat sa kaibigan ko. Kapag hinanap naman po ako dahil hindi niya ako kasabay. Pakisabi po na nagpaiwan po ako para tumulong sa paglilinis ng venue. Tsaka pakisabi na din po na kasama ko si Sieghart." paliwanag ko sa driver.
BINABASA MO ANG
I Fall Inlove With My Bestfriend - Miss Phoenix
Teen FictionLet us all meet Maxine Condoma, who had a childhood bestfriend Sieghart Flix. Palagi na lang silang napagkakamalang magkapatid because on how they treat each other. In the middle of their friendship, makakaramdam ng kakaibang spark si Maxine. And th...