Chapter 1

14 2 0
                                    

Chapter 1: Lucky

@MissPhoenix

                      ***
          Maxine's P.O.V

"Sieghart! Sieghart tukmol! " sigaw ko mula sa labas ng bahay nila. Hays, kahit kailan talaga napakabagal kumilos ng lalaking 'yon. Idadamay pa naman ba ako sa pagka late.

"Shut up inday! pababa na" pabalik niyang sigaw sa akin. Napaupo na lang ako sa mono block na nasa tapat ng bahay nila. Nakabihis ako ngayon dahil ito ang unang araw ng pasok namin. Habang inaantay si Sieghart, inilabas ko ang suklay ko mula sa aking bag pack at sinuklay ang aking mahabang buhok na kulay brown. Matagal ko na din itong inalagaan, umaabot lang naman siya sa baywang ko.

"Papaganda ka pa, tsk tagal naman, akala ko tapos ka na" pagsusungit ni Sieghart sa akin. Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa pintuan at pinagmamasdan ako. "Luh? rereklamo ka pa dyan, tara na wala na naman tayong maabutang trycycle dun sa terminal." paliwanag ko habang inilalagay ang suklay sa bag ko.

Napairap na lang siya sa akin at pinaunahan akong maglakad. Aba, akala mo babae kung makairap dukutin ko mata mo dyan,ghorl.

"Ano palang pinabaon sayo ni Tita?" panira niya sa katahimikang bumabalot sa amin. "Kahit kailan, puro pagkain ang nasa isip mo. Hays, embutido lang" pagmamaldita ko habang sinusundan siya sa paglalakad. "Luh, nilalang mo lang yung embutido? Paborito ko kaya yun, tsk!" Sambit niya at saka ako inakbayan.

"Eh ikaw, ano bang pinaulam sayo ni Tita?" lumalim ang ngiti nito na ikinakunot ng noo ko. " Edi gaya ng dati, sunny-side up na itlog" walang buhay niyang sambit sa akin. "Hoy paborito ko yan!" Sigaw ko dito at napangiti naman siya.

"Hmmm..." pagpaparinig niya na alam ko na ang ibig sabihin. Palagi kaming ganito, kapag ayaw niya ng ulam na niluluto sa kanya ni Tita, nagpapalit kami.

"Oo na, HAHAHAHA" saka ko siya binatukan. Mas matangkad kasi ako sa kanya kaya mapagmumukaang kapatid ko siya. "Maxine! yung buhok ko, tsk." napatigil siya sa paglalakad at iniayos ang gulo niyang buhok.

"Sino bang pinopormahan mo sa school ha? Tsk, porma-porma pa di naman gwapo." pang-aasar ko sa kanya at sumakay sa trycycle. "Just shut up, inggit ka lang ikaw kase di crinushback." sagot niya at naupo sa likod. "Bleeeh!" pahuli kong sigaw sa kanya at saka humarurot ang trycycle.


20 minutes later, nakarating na din kami sa school. Siya ang nagbubuhat ng bag ko kapag nasa school na kami feeling niya kasi daw magmumukha siyang cool. Tangina, pabuhat ko sa kanya yung mga bag ng kaklase ko eh. At dahil sa naisip ko, ginawa ko naman.

"Goodmorning, Maxine!" bati ni Leish, ang bestfriend kong jowala. "Nahihirapan ka? ay teka, ako na..." presinta ko kay Leish at saka kinuha ang bag pack niya at isinabit sa braso ni Sieghart. "Hoy, kawawa si baby." sabat ni Leish. Alam ko namang since elem kami ay may gusto na si Leish sa boybestfriend ko.

Well, goodluck na lang kay Leish, mapili sa babae si Sieghart. Gusto niya sa lahat ay yung pakipot.

"Bwiset ka talaga Maxine, tsk. Pinahihirapan mo talaga ako?" pagsusungit nito sa akin. "Eh diba pogi ka naman? Panindigan mo HAHAHAHAH ayaw mo ba? sabi na eh bakla ka talaga." at humalakhak ako. Dahil doon ay napaseryoso ang mukha niya at hinabol ako. Pansin ko naman si Leish na tawa lang ng tawa. Patuloy lang sa paghabol sa akin si Sieghart nang matalisod ako at mabangga ang isang lalaki, kilala ang lalaking iyon sa isa sa mga bully sa school na ito.

Fuck, Sieghart papatayin kita kapag nasuntok ako nito.

Nagulat naman ako nang itulak ako ng lalaki dahilan para mapasalampak ako sa lupa. Pansin ko ang takot sa mukha ni Leish kaya tinulungan niya akong takot, sa kabila naman napansin kong inilapag ni Sieghart ang tatlong bag pack sa tabi ko at kinwelyuhan ang lalaki.

"Tangina ka! Sinong nagbigay sa'yo ng pahintulot na saktan ang bestfriend ko!?" sigaw ni Sieghart, isang suntok ang dumapo sa labi niya kaya napaharap siya sa akin. "Ikaw ha? You're just a newbie here, huwag kang umastang kung sino! Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo." pagbabanta ng lalaki at saka umalis kasama ang mga ibang lalaking nakasunod sa kanya.

Nabalik naman ako sa ulirat at kaagad lumapit kay Sieghart na putok ang gilid ng labi niya. "Sige, magtapang-tapangan ka pa, tsk." nakita kong binuhat ni Leish ang tatlo naming bag at tumingin sa akin. "Mauna na ako Max, ako na bahala sa gamit nyo. Dalhin mo muna si baby sa clinic." saad nito at naglakad palayo sa amin.

"Fuck them, hindi ako nagpapatapang- tapangan, pababayaan na lang ba kita dahil sa ginawa nung mokong na yon?" narinig kong paliwanag niya. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa niya. "Okay fine Mr.Pogi, sorry na. Tumayo ka na, aalalayan kita pupunta tayo sa clinic." inakay ko siya patayo at sinamahang tahakin ang clinic.

Bumungad sa amin si Nurse Amie. "Oh, kaaga-aga may gulo na namang nangyari?" tanong nito sa amin habang tinititigan ang pumutok na labi ni Sieghart. "Pakigamot na lang po siya." agad kong sambit at naupo naman si Sieghart habang si Nurse Amie ay hinahanap ang alcohol at bulak.

"Still hurts huh? Hays." tanong ko sa kanya at napa facepalm na lang. "Don't mind it, Ikaw? masakit ba? ay wala palang laman yan." at saka siya humalakhak. Tinutukoy niya ata yung pagkatulak sa akin nung bully, natamaan ako sa dibdib kaya-

"Bwiset kang lalaki ka!" sinigawan ko siya at binato ng unan na nasa likod ko."Ouuuuch..." pagiinarte nito. Napairap na lang akosa kanya at saka lumabas ng clinic. Hinayaan kong gamutin siya ni Nurse Amie, ayoko nang makita pa kung paano siya magpapapogi sa nurse.

Napabuntong hininga na lang ako ng marinig ang  tawag niya. "Maxine" sinulayapan ko siyang palabas na ng clinic. "Okay ka na ba? tingin nga..." at saka ko sinuri angnaka bandaid niyang labi. Sa gilid lang naman ang pumutok kaya feeling ko hindi naman masyadong masakit.

"Okay na inday, hays late na tayo." napasulyap ako sa relo ko. It says 12:30am na means 30 minutes na kaming late. Pinaunahan niya akong maglakad, hanggang sa nakita ko na lang na tinatakbo na niya ang papunta sa building. Sinabayan ko siya sa pagtakbo at pinahinto.

"Mrs. Condoma if you want to be late then mag isa ka na lang, tsk ayokong nalalate. " at saka siya nag face palm. Napangiti na lang ako. "May nakakatuwa ba sa sinabi ko? Uulitin ko ayokong nalalate lalo na't first day na-" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang pisilin ko ang pisngi niya. Gamit ang dalawa kong kamay, saka ako ngumiti.

"I'm so lucky to have you Mr. Flix aking matalik na kaibigan." saka ako tumakbo papunta sa bulding at iniwan siyang nakatulala.



@MissPhoenix

I Fall Inlove With My Bestfriend - Miss PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon