Chapter 11

5 0 0
                                    

Chapter 11: Mistake

@MissPhoenix

                     ***

Patuloy kong tinatahak ang daan palabas dito sa mahabang kalsadang nilalakad ko. Sa pagkakaalala ko may isang malaking gate yung pinasukan namin bago namin padpadin ang napakahabang kalsada na ito papunta sa private resort doon sa beach side.

Natatanaw ko na ang malaking gate at ang mga pumapasadang jeep, trycyle at mga UV express.

Siguro sasakay na lang ako sa taxi para diretso na siya bahay, pagod na din ang mga paa ko sa kalalakad.

Habang naglalakad bigla akong natalisod sa may batong nakaharang sa daan. Sa pathwalk lang naman ako naglalakad dahil takot akong mahagip ng mga papasok at palabas na mga sasakyan.

Nadapa ako at napaupo sa lupa. Tinignan ko ang suot kong pares ng sandals at napagtantong sira na ito. Yung swelas, nakanganga na.

Hays, bakit kasi ito pa ang sinuot ko!

Dahan-dahan akong tumayo at napahawak sa masakit kong pwet, ang lakas kasi ng pagkakatama sa lupa. Patuloy pa din ang pagbagsak ng malakas na ulan at hindi ako tumigil sa paglalakad.

Mukha na tuloy akong pilay kung maglakad. Ilang metro na lang ang layo ko sa gate ng may humintong puting sasakyan sa harapan ko at bumaba ang pamilyar na lalaki.

Sumugod siya sa lakas ng ulan at inakbayan ako. Hinubad niya ang black coat niya at inilagay sa ulo ko.

Nilingon ko siya ng walang emosyon.

"Bakit nagpapaulan ka dito? Hindi ba kayo sabay umuwi ni Leish?" tanong ni Sieghart habang sinenyasan ang driver ng sasakyan na huminto muna.

"Wala kang pake." sagot ko at tinanggal ang pagkakapatong ng coat niya sa ulo ko at hinagis ko sa kanya.

Tinitigan ko lang siya ng madiin. Napailing naman siya at nilagay ulit sa ulo ko ang coat.

"Pag hindi ko 'to ginawa, magkakasakit ka." paliwanag niya habang pinapatong sa ulo ko ang coat.

"Anong pake mo? Wala kang pake, umalis ka na nga!" reklamo ko at kinuha ang coat sa ulo ko at hinagis sa lupa.

"Wag ka nang mag-inarte Inday, hindi ka makakapasok niyan bukas." dagdag niya at marahang pinulot ang black coat saka ako tinitigan.

Wala akong pake!

Wala akong pake kung magkakasakit man ako dahil sa letcheng ulan na yan!

At lalong wala akong pake,

sa kanya!

Inirapan ko na lang siya at saka tinalikuran.

"Umuulan..."  sambit ko at nanatiling nakatalikod sa kanya.

"Baka magkasakit ka, ayokong magkaron ng away sa pagitan namin ni Hesha." paliwanag ko sa kanya at napa crossed arms.

Wala akong ganang harapin siya.

"Yun ba yung dahilan?" mahinahon niyang tanong.

"Diko alam?" tanging sagot ko sa kanya habang dinadamdam ang bigat ng puso ko at ang mga patak ng ulan sa katawan ko.

Mukha na akong basang sisiw.

"Look, Max alam kong nag-aalala ka para sa'kin. Pero kasi ibang babae si Hesha, hindi siya tulad ng iba na matapos lang kunin ang kailangan, mang-iiwan na lang sa ere. Hindi siya katulad ng mga ex's ko." paliwanag niya kaya doon ko siya hinarap na ngayon ay nakasuot na ng black coat.

I Fall Inlove With My Bestfriend - Miss PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon