Kabanata 5

188 5 0
                                    

Call


Dahan dahan kong minulat ang mata dahil sa tumatamang sinag ng araw sa aking mukha.

Tumayo ako at napansin kong mahimbing pa rin ang tulog ni Mikmok.

Lumapit ako sa bintana at binuksan ang kurtina para tuluyang pumasok ang liwanag na kanina pa nagpupumilit pumasok.

Nagsuklay ako at tumapat sa salamin. Tinali ko ang buhok ko.

Nag-stretch ako para medyo mawala ang pananakit ng katawan ko.

Apat na oras yata akong naglaba ng bulubunduking labahan kahapon.

Pagkauwi ka pa rito ay nagwalis ako sa bakuran dahil nakawala ang mga manok at nagkalat ng kung ano ano.

Nang makuntento ako at medyo nawawala na ang bigat ng katawan ko. Nilingon ko si Kael na mahimbing pa rin ang tulog. Naglagay na lang ako ng unan sakaniyang gilid para hindi siya mahulog.

Bumaba ako at sa hagdan pa lang rinig ko na ang boses ni Nanay.

"Jusko po! Ang batang 'yon."

"Bakit, Nay?" tanong ko kaagad nang makababa ako.

"Si Atticus 'nak, umalis na kaninang madaling araw. May pera ba ang taong iyon? Paano siya babalik ng Manila?" nagaalalang sabi ni Nanay.

Napabuntong hininga naman siya.  "Malaki na 'yon, Nay. Huwag mo po masyadong iniisip 'yon."

"Nagtalo na naman ba kayo?" seryosong sambit ni Tatay.

Napatigil ako sa paglalakad. Saka ko naalala ang nangyari kahapon. Wala naman akong ginawang masama sakaniya. Tinanong ko lang siya at nagalit agad. Siya itong maarte.

"Medyo..." sagot ko.

"Paano kung may mangyaring masama sakaniya? Responsibilidad natin siya dahil dito siya huling nakituloy," napaupo si Nanay sa bamboo chair.

"Magiging maayos naman siguro ang lagay niya," sagot ko at naglakad papuntang kusina.

"Kahit ni katiting ng pagaalala, wala Ate?" nagtatakang tanong ni Julian.

Nilingon ko naman siya. "Bakit naman ako magaalala sa taong hindi ko naman masyadong kakilala? Hindi natin alam masamang tao pala siya. Dalawang araw pa lang siya dito. Nagtiwala agad kayo sakaniya."

Nagpakawala ng mahabang buntong hininga si Ramsey. "Naiintindihan kita sa part na natatakot ka para sa amin, na baka mapahamak kami dahil sakaniya. Pero yung bitawan mo ng ganong salita si Atticus, mali 'yon. Kahit hindi namin alam ang sinabi mo. Pero bilang kapatid alam na namin agad kung anong sinabi mo. Mabuti siyang tao kung titignan mo ng mabuti."

Natawa naman ako. "Nagtiwala kayo agad? Naalala niyo pa ang huling taong pinagkatiwalaan natin at hinayaang papasukin sa loob ng bahay? Muntik nang matangay si Mikael. Gusto niyo magtiwala ako sa taong 'yon? Hindi ko na hahayaang maulit ulit ang nangyari noon."

"Noon na 'yon! Ikaw na mismo ang nagsabi tinulungan ka niya mula sa mga lalaking 'yon! Bilang utang na loob sana hinayaan mo siyang tumira dito pansamantala. Taga Manila siya. Malayo sa lugar natin," tila nauubusan ng pasensya si Ramsey.

Uminom ako ng tubig. Umakyat na ako sa taas. Naiinis ako. Hindi ba nila maintindihan ang pinupunto ko?

Gusto ko lang naman sila ilayo sa kapahamakan. Bakit ba pinipilit nila ang taong 'yon! Ako pa ang nagmukhang mali at masama, ako na nga itong nagiisip ng kabutihan para sakanila.

Pumasok ako sa kwarto at muling nahiga. Sana pagkagising ko mamaya ay hindi na namin pagusapan ulit 'yon.

Nagising ako nang may maramdamang pumipisil sa pisngi ko.

Lie The Way You Love (Paradise Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon