Kabanata 15

162 8 0
                                    

Reason


Saka lang ako natauhan ng pisilin niya ang pisngi ko.

Pagalit ko namang tinampal ang kamay niya. Umayos siya ng tayo.

Pumaneywang ako at tinuro siya.
Tumaas naman ang kilay niya.

"Para sabihin ko sa'yo, Atticus Hermosa! Hindi ako nagseselos! Wa-"

"Gusto mo siya?"

Napatigil ako at nangunot ang noo.

"G-Gusto?"

Pumamulsa siya at tumingin sa kung saan.

Sinong gusto ko? Si Cris?

"You seems like comfortable with him. Is he fun to be with?" lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

Napalunok ako. Matalim na naman ang kaniyang tingin. Kapag ganiyan ang kaniyang tingin ay pakiramdam ko galit siya o ano.

Kapag ganiyan na ang kaniyang mata mahirap na basahin kung ano ang nasa isip niya.

Unti unting may pumasok sa isip ko. Dahan dahang umangat ang gilid ng labi ko at wala pa ring pagbabago sa ekspresyon niya.

"Bakit? Selos ka?" pangaasar ko.

"Yes."

Walang paatubili niyang sagot. Hindi niya man lang inisip ang kaniyang isasagot niya sa akin.

Nawala ang ngisi sa labi ko at napanganga.

Siya nagseselos?

Si Atticus nagseselos? Hindi ba parang napaka impossible no'n?

Napaiwas ako ng tingin dahil sa tingin niyang nakakainis. Bakit ba ganiyan siya makatingin? Wala naman akong ginawang masama.

"S-Selos? A-Ano bang sinasabi mo d'yan? Huwag nga ako ang pagtrip-an mo," naiilang akong tumawa

Napatingin ako sakaniya nang umalis siya sa harap ko. Kumuha siya ng balde at lumapit sa akin.

"Nothing, go, do your job."

Napanganga ako nang umalis muli siya sa harap ko.

Ano...

Ano 'yon?

Para saan ang ganon? Nanggagago ba siya? Nantitrip lang ba talaga?

Aba't! Pagkatapos um-oo ay biglang sasabihing 'nothing'? Aba't gago talaga!

Kapag ito gumulo sa isip ko mamaya. Guguluhin ko ang buhay niya.

Naiinis akong umupo para ayusin ang mga gamit doon. Padabog kong pinaglalagay sa lagayan 'yon.

Parang ang dating ko naman ay disappointed. Naiinis lang naman ako!

Naiinis ako sa sarili ko at pati na rin sakaniya!

Una, ay dahil bigla niyang sinabi 'yon tapos parang biglang babawiin? Na parang wala lang? At ang pangalawa naiinis ako sa sarili ko dahil ang lakas ng kalabog ng dibdib ko matapos niyang um-oo.

Agad nagreact na nimo'y sanay na sa ganong pangyayari!

Kunti na lang iisipin kong may gusto na ako sakaniya!

"Bakit nagdadabog ka?"

Bigla akong nagulat at mabilis na napalingon kay Atticus. Nanlaki ang mata ko.

"Ha? Hindi ah! Nabitawan ko lang."

Napataas siya ng kilay at tumango tango.

"Ako na ang maglilinis sa mga kotse. Ikaw na d'yan."

Lie The Way You Love (Paradise Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon