Kabanata 14

150 5 0
                                    

Friends


"What are you doing?"

Bigla kong nabitawan ang hawak nang marinig ang boses niya. Nanlalaki ang mata ko siyang nilingon.

"Atticus."

Nakita niya bang nagiinarte ako at naglalagay ng kolorete sa mukha? Nakakahiya! Hindi pa naman ako sanay na may nakakakita sa akin na nagpapaganda.

Pumaneywang siya at sumandal sa pintuan. Kunot noo niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Black t-shirt at short shorts ang suot ko. Nakatali ang buhok ko at may ilang mga natirang maliliit na buhok.

Tinignan ko naman ang suot niya. Naka brown na t-shirt at black khaki shorts.

"What's that?" tinuro niya ang mukha ko.

Napahawak naman ako sa mukha ko. Napatingin ako sa salamin. Umupo ako at pinulot ang gamit na nahulog ko kanina.

"Naka-makeup ka? Saan ang punta mo?"

Dahan dahan akong tumayo at nilagay sa gilid ang mga kolorete. Hinarap ko siya.

"Kina Ate Joyce."

Tuluyan siyang pumasok sa kwarto at umupo sa kama ko. Sinundan ko siya ng tingin.

Kinuha ko ang cellphone at binasa ang huling text ni Ate Joyce.

From: Ate Joyce

Dito ka na kumain!

Hindi na ako nagreply doon dahil paalis na rin naman na ako.

"Anong gagawin mo don?"

Napakamot ako. "Maglilinis ako ng garahe."

Napatango tango siya. "Aalis ka na?"

Tumango ako.

"Hatid na kita. Baka mamaya may bumastos na naman sa'yo sa daan."

Tumayo siya at naglakad palabas. Sumunod naman ako. Pababa kami sa hagdan ng makasalubong namin si Tatay.

Napansin ko sa mga nagdaang araw ay mas lalo kaming napapalapit sa isa't isa ni Atticus. Hindi na kami gaanong nagaasaran. Marami rin siyang sinasabing mga salitang kayang pagpatibukin ng mabilis ang puso ko.

"Tay.."

"O, anak saan ang punta mo?"

"Kina Boss Carding po. Maglilinis ng garahe."

"Uutusan sana kitang ihatid ang mga manok. Huwag na lang, sina Ramsey na lang uutusan ko. Isasama mo ba ito si Atticus?" tinapunan niya ng tingin si Atticus.

Agad akong umiling. "Hindi po, ihahatid niya lang po ako."

Tumango siya at ngumiti. "Magiingat kayo," tuluyan siyang umakyat

Bumaba naman kami.

"Bakit ganiyan kaikli ang shorts mo?" bigla siyang nagsalita.

Napatingin naman ako sa shorts na suot ko. Nakalabas na kami ng bahay at dumiretso kung nasaan ang sasakyan niya.

"Hindi naman masyadong maikli . Saka ayokong magpantalon dahil mababasa. Saka kaya nga short, e, edi maikli," napairap ako.

Binuksan niya ang sasakyan at pumasok na kami sa loob. Sinimulan niya itong paandarin.

Tinuro ko ang daan. Namutawi ang katahimikan. Nakatingin lang ako sa labas.

Nadaanan namin ang palengke at napansin ko na maraming nagtitinda ng mga parol.

Lie The Way You Love (Paradise Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon