Kabanata 27

169 5 0
                                    

Dinner


"Ma'am. Pasensya na po pero pwede niyo po ba ako matulungan dito?"

Binitawan ko ang hawak ko at lumapit sa kaniya.

"Oo naman!"

Binuhat ko ang box hanggang makapasok kami sa loob.

"Ano pala ang mga ito?"

Binitawan ko ang box at inayos ang mga natirang box sa lapag.

"Mga gamot po."

Napatango ako. "Ang dami ah!" puna ko at pinasadahan ng tingin ang mga kagamitan.

"Galing po sa father ni Doc."

Galing sa tatay niya? Ayos na sila? Hindi naman sa ayaw kong maging maayos sila pero... sabagay mas magandang nagkakamabutihan na sila ngayon at least hindi lang siya ang magiging masaya pati na rin ang mama at mga kapatid niya.

"Pasensya na po sa abala pero pwede niyo po ba kunin yung natirang box sa labas?" nahihiyang sabi nito.

Ngumiti at kumindat ako sa kaniya. "No problem!"

Naglakad na ako palabas at agad kong nakita ang box na pinapakuha sa akin. Akmang bubuhatin ko na 'yon nang may biglang mauna sa akin.

Nanlaki ang mata ko. "Tyrell! Anong ginagawa mo dito? Ako na!" kukunin ko sana nang iniwas niya.

"Ako na. Medyo mabigat ito."

Naglakad kami papasok.

"Ano pa lang sadya mo dito?"

Napatingin siya sa akin saglit at binalik ulit ang tingin sa dinadaanan.

"Ikaw."

Naituro ko bigla ang sarili, "Ako? Bakit?" nagtataka kong tanong.

Binitawan niya ang box at hinarap ako. Napataas ang dalawa kong kilay sa pag-aabang sa sagot niya.

May nagawa ba akong mali? Saka para saan? May nagawa ba akong kasalanan sa kaniya?

"You need to stop going here. May na-ikwento sa akin si Atticus na parang familiar ka sa kaniya. Ayokong dumating sa punto na isipin ka niya hanggang sa sumakit ang ulo niya. Ayaw mo rin naman no'n 'di ba?"

Napatitig ako sa kaniya. Ayaw ko rin naman no'n 'di ba? Ayaw ko rin na masaktan siya. Sa oras na 'to. Paano ako? Hanggang dito na lang talaga?

Wala na bang pag-asa na sabihin ko sa kaniyang mahal ko siya? Hanggang dito na lang kami?

Nakakatawang isipin na kahit ilang beses kong sabihan ang sarili ko na kapag tapos na 'to at bumalik na ako sa Manila kakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kaniya, hindi umaayon ang puso ko sa plano na 'yon.

Kasi kahit gusto kong alisin parang mas lalong lumalala.

Siya yung taong nagpaalala sa akin na pwede rin naman magpahinga; na pwede rin naman huwag sumuko; na pwede rin naman maging masaya kahit puro problema.

Hindi niya man sinasabi 'yon pero nakikita ko sa lahat ng galaw niya. Napaka-jolly niyang tao.

Nung araw na umiyak siya sa harap ko parang dinurog rin ako.

Nung araw na nawala si Tatay at sumabay pa siya parang gusto ko na rin mawala.

Pero kada naaalala ko ang paborito niyang kulay naaalala ko rin ang salitang sinabi niya;

Masarap pagmasdan ang paangat na araw. Isang pahiwatig na maswerte ka pa ring tao dahil buhay ka at nasisilayan pa rin ang liwanag sa araw-araw.

Lie The Way You Love (Paradise Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon