Kabanata 25

174 5 0
                                    

Hatid


"Hindi nga pwede, Matissia. Nakakaabala 'yon."

"Hindi naman nakakaabala 'yon sa akin. Saka wala naman akong ginagawa sa bahay."

Sinundan ko si Atticus hanggang sa kusina. Pinalibot ko ang tingin sa paligid. Maliit lang ang kusina nila at pang isahang cook lang ang dapat dito.

Sumabay ako sa kaniya pabalik ng vet shop niya dahil kailangan ko nang kunin ang pusa, dahil hinahanap na ng pamangkin ko.

Bigla kong narinig ang usapan nila ng employee niya. Wala raw silang mahanap na papalit muna pansamantala kay Ate Tina.

Kaya ito ako ngayon. Pinipilit si Atticus na ako muna ang pumalit. Saka tanghali lang naman magluluto.

Saka kapag hindi niya ako pinayagan. Mapipilitan siyang bumili ng mga pagkain sa restaurant.

Ayaw niya pa naman no'n dahil nga raw hindi healthy.

"Ayos lang kahit hindi mo na ako bayaran."

Napataas ang kilay niya at nilingon ako. "What are you doing?"

"Ha?"

"Kahit hindi ka na bayaran? That's not fair. If I let you work here. Dapat sahuran kita."

Napanguso ako. "Kung wala ka namang i-pangsasahod sa akin ay ayos lang."

Napabuntong hininga siya. "What's with you? Are you having a crush on me?"

Gusto kong matawa. Hindi lang paghanga ang nararamdaman ko para sa'yo, Atticus. Mahal kita. Mahal na mahal. At sa mga oras na ito hindi mo alam 'yon.

"Wala. May boyfriend ako."

Napatitig siya sa akin. Tumagal 'yon at umiwas siya ng tingin.

"Kung ganon, baka magselos siya."

Gusto ko nang isigaw sa kaniya na siya ang boyfriend ko. Paano siya magseselos sa sarili niya.

"Hindi siya seloso. Sa katunayan. Alam niyang pumunta ako sa vet shop mo ngayon. Veterinarian rin siya. Nasa malayong lugar lang. Nagsabi ako sa kaniya na may nakita akong vet shop dito. Sinabi niya sa akin na pumunta punta raw ako dito at makihalubilo sa mga pet. Para kapag pupunta na ako sa kaniya. Matutulungan ko na siya sa trabaho niya."

"Why are you telling that to me?" bakit parang tunog sarkastiko?

"Para malaman mong hindi naman siya magseselos. Payagan mo na ako."

Napailing siya. "Sigurado ka bang wala kang ginagawa sa bahay niyo?"

"Wala. Sembreak namin ngayon. May mga trabaho rin naman ang mga kaibigan ko kaya hindi ko sila makakasama."

"Sembreak? Are you still studying?"

"Yes. Sa med school."

Napatango-tango siya. May inayos pa siya sa bandang gilid at ako naman nanatili sa kinatatayuan ko ngayon. Tahimik siyang pinapanood.

Alam kong mali itong ginagawa ko. Dahil baka makagawa ako ng ikapapahamak niya. Pero masisisi niyo ba akong gusto ko lang siya makita?

Nangako na ako sa sarili ko. Kapag bumalik na ako sa manila kakalimutan ko na ang pagmamahal ko sa kaniya. Wala rin namang pag-asa na babalik pa ang ala-ala niya.

"Sige papayagan na kita."

Unti unti ako napangiti.

Lie The Way You Love (Paradise Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon