Naiinggit
Nakataas ang kilay niya at nakatingin sa akin. Hinihintay ang sagot ko.
Tinanong niya ako kung ano ang ipapatingin ko sa pusa, mukha namang maayos ito.
"Ano... ipapatingin na ano... kung anong vitamins ang pwede sa kaniya? Hindi namin siya naalagaan noon dahil wala naman kami dito at si Kael at Nanay lang ang kasama ni Pinocchio. Hindi naman maalam si Nanay sa ganiyan at lalo na si Kael," napakagat ako sa labi nang mapahaba ang sinabi ko.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, nakita ko siyang napangisi. Tinatawanan niya ba ako? Alam kong halata sa boses ko ang pagkahiya. Hindi pa nga ako sure sa rason ko. Nagba-vitamins ba ang mga pusa? Baka mamaya palpak ako.
"He don't need a any vitamins. Minsan napapadalaw siya dito. Chi-ni-check ko siya kung maayos ba ang lagay niya. Maayos naman siya at walang ipagaalala."
Bigla akong nakahinga ng maluwag. Maayos ang pusa at walang deperensya, at tama ang naging rason ko kahit pa isip-isip ko lang 'yon.
"You can go home."
Bigla naman ako nanlanta sa sinabi niya. Napatingin ako sa kaniya. Nakangiti lang ito sa akin.
Huwag mo ako ngitian d'yan! Hindi ako masayang pinapauwi mo na ako!
Nagisip pa ako ng pwedeng sabihin para manatili dito pero wala na talagang pumapasok sa isip ko.
Inabot niya sa akin si Pinocchio.
"No need to pay. Laging libre si Pinocchio dito dahil natutuwa ako sa kaniya," sumulyap siya sa pusa.
Nanlaki ang mata ko. "Huh? Hindi pwedeng hindi ako magbayad. Baka malugi ka!"
Natawa siya at nakakapantindig balahibo 'yon. Siguro kaya ganito ako magreact dahil mahal ko ang taong ito.
"Don't worry, hindi ko naman iniisip ang pagkalugi dahil malabong mangyari 'yon. Marami akong patients na pumupunta dito kaya hindi ako malulugi," ngumiti siya.
Napalingon muna ako kay Tyrell bago ulit hinarap si Atticus. Abala lang ito sa panonood sa amin.
"Hindi pwede. Hindi ako papayag. Kung ayaw mong magpabayad ng pera. Hayaan mo na lang akong bilhan kayo ng pagkain."
"Hindi na... nakakahiya naman."
Napailing naman ako. "Mas nakakahiya naman yung sa akin at hindi ako magbabayad."
"Wala naman ako gaanong ginawa sa pusa. Hindi na kailangan ng kahit ano," tila natatawa niyang sabi.
Pero dahil gusto ko pa rin siya makasama pinilit ko pa rin.
"Pero sinabi mo naman na hindi na kailangan ng vitamins ni Pinocchio. Plano ko pa naman bilhan siya ng bitamina. Mabuti na lang napadpad kami dito." pagpupumilit ko.
Hiyang hiya ako pero kinapalan ko ang mukha ko na sabihin 'yon. Hindi ko aakalaing matututo akong magsinungaling ng ganito para lang makasama ang taong ito.
"Hayaan mo na akong bilhan kayo ng pagkain."
Akmang magsasalita pa si Atticus nang unahan na siya ni Tyrell.
"Let her. Saka hindi ka pa kumakain."
Nanlaki ang mata ko. Hindi pa siya kumakain? Dumiretso agad siya dito at nagtrabaho? Saan kaya siya nakatira?
"Naku, masama sa doctor ang nalilipasan ng kain. Mabuti na lang naisipan kong bumili ng pagkain. Hindi pa naman maganda tignan na ang Doctor ay hindi inaalagaan ang sarili. Doctor ka pa man din pero hindi mo inaalagaan ang sarili mo. Ano lang ang sasabihin ng mga pasiyente mo?" pananakot ko kahit pa alam kong hindi naman siya matatakot.
BINABASA MO ANG
Lie The Way You Love (Paradise Series#2)
Romans(Paradise Series #2) Take a risk or you won't be happy. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: November 23, 2020 Date Finished: April 1, 2021