Kabanata 8

186 5 0
                                    

Favorite color


Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang manghingi siya ng pera. Pumasok siya ulit sa loob at bumili. Pagkalabas niya ay napansin ko ang dalawang tubig at isang tinapay ang hawak niya.

Nilapag niya 'yon sa harap ko. Tinignan ko siya.

"Para saan ito?"

"Napapansin kong pumapayat ka na. Kaya bubusugin kita."

"Pera ko nga itong pinanggastos mo. Tapos sasabihin mong bubusugin mo 'ko?"

Uminom siya ng tubig at binigay sa akin ang isang hawak. Binuksan ko ang tubig at tinungga 'yon.

Kinuha ko ang tinapay at kinagatan. Masarap naman at sa tingin ko mauubos ko ito.

Napansin ko ang ngisi niya. "Ang dami mo pang sinabi. Kakainin mo rin pala."

Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagnguya.

"What's your answer on my question?"

Napatigil ako sa pagkain. Nilunok ko muna bago nagsalita.

"Wala."

Lumaki ang mata niya. "As in it's nothing? Like nothing? Like none?"

Tumango ako. "Oo, wala. Bakit parang gulat ka?"

"You're not really a normal person."

"Kapag walang favorite color hindi na normal?" asik ko.

"Of course! Everybody in this world have a favorite color. I think you are from the other planet. And you just lost."

Natawa ako. "Para kang bata!"

"I might fall in love on you."

Napatigil ako sa pagtawa. Nanlaki ang mata ko habang siya ay may ngisi pa rin sa labi.

"A-Ano?"

"Just kidding! You're not my type. You don't have boobs," bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.

Agad kong tinakpan iyon gamit ang braso.

"Hoy! Yung mata mo!"

Tumawa siya at nang tumawa pa. "You're face is really look like a tomato right now. I'm just kidding. You have boobs but just a little bit."

Naramdaman ko naman ang pagiinit ng leeg ko.

"A-Alam mo. Kapag hindi ka tumigil. Lalayasan kita dito," pagbabanta ko.

Kinagat niya naman ang pangibabang labi na tila pinipigilan ang pagtawa.

"Okay, I'm sorry. So back to the topic. Why you don't have a favorite one?"

Nagkibit balikat ako. "Siguro dahil kapag kulay blue ang paborito kong kulay ngayon baka sa susunod hindi na, especially kapag nakakita ako ng mas maganda doon at mas kaaya aya tignan. Kumbaga, hindi naman pang matagalan. Kaya mas pinili ko na lang na walang paboritong kulay. Magbabago rin kapag nakahanap ng mas maganda at mas maaliwalas na kulay. Nagbabago naman lahat ng favorite color, e."

Napatango tango siya. "Ganon pala ang dahilan mo? May utak ka rin pala 'no."

Binato ko sakaniya ang plastik. "Paano yung utak mo nasa talampakan. Kaya hindi gumagana," umirap ako.

"Tapos yung puso ko na sa'yo."

Tinignan ko siya. "Pinagpa-practice-an mo ba ako?"

Humawak siya sa baba. "Ayos ba?"

Umiling ako. "Hindi, nakakasuka."

Tinawanan niya lang ako. Kinuha ko ang bote at binuksan 'yon.

Lie The Way You Love (Paradise Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon