Wind
Nginuya ko ang natitirang pandesal na hawak ko.
Nagtama ang paningin namin ni Atticus at agad akong umiwas.
Ano bang trip nito kagabi? Ang lakas ng tama niya. Pagkatapos niyang bitiwan ang katagang 'yon. Bigla niyang sinabi:
"Just kidding. You look like tomatoe."
Hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya. Kasi as if namang gawin ko bagay na 'yon. Bakit ko naman kakagatin ang labi. Para siyang tanga.
Napapansin ko na gusto niyang naaasar ako. Pasalamat siya at hindi ko siya mabulyawan dahil nandito si Tatay.
"Pupunta ka ba ng palengke ngayon?" si Tatay.
"Hindi po, maghahatid lang po ako ng mga manok, bakit po?"
"Mamalengke ka bago umuwi," nilahad ni Nanay ang pera.
Inilingan ko naman siya. "May pera po ako dito. Itabi niyo na lang po 'yon."
"Lagi na lang ikaw ang gumagastos dito sa bahay 'Nak," malungkot nitong sabi.
"E, kaya nga po ako nagtatrabaho para sainyo. Itabi mo na lang po 'yan. Kung sakaling may gusto kayong bilhin ni Tatay. Ipangbili niyo po 'yan."
Bumuntong hininga siya at hindi na nagsalita. Pinagpatuloy niya ang pagkain.
"Julian, bakit hindi mo ako dinaanan kagabi?"
Napakamot naman siya sa batok. "Hinatid ako nung kaklase ko. Pasensya na Ate, naghintay ka ba?"
Umiling naman ako. "Hindi naman. Ginabi rin ako. Saka may kasama naman akong umuwi," nilingon ko si Atticus na tahimik na nakatingin sa amin.
"Atticus hijo, kamusta pala ang pagwaiter mo sa resto na 'yon? Maayos naman?"
"It's fine po," magalang nitong sagot.
Tumango naman si Nanay. "Magtatrabaho ka ba ulit doon sa biyernes?"
"Maybe... puro babae po ang naroon. Medyo naiilang po akong gumalaw," nahihiya nitong sagot.
Humalakhak si Nanay. Sus Nay kung alam mo lang na halos lahat ng customer na babae ay nilalandi ng isang ito. Siguro nagkatip pa ito kagabi. Napaka unfair talaga.
"May nobya ka ba hijo? Sa tingin ko ay meron. Lalo pa't ay gwapo ka," tumatawang sabi ni Nanay.
Napaismid ako. Mukhang lalaki pa ang ulo ng isang ito dahil sa narinig. Lumaki ang ngiti niya.
"I don't have girlfriend. That's not my priority."
Hindi na ako nakinig sa usapan nila at tumayo. Maliligo pa ako dahil kailangan ko ng umalis. Binuhat ko si Kael. Dinala ko siya sa sala at pinaupo sa bamboo chair.
Hinubad ko ang t-shirt niya habang abala siya sa paglaro ng laruang sasakyan.
"Tata. Lubong. Where?"
Natututo na siyang mag english. Baka kapag lumaki ito ay englishero at araw araw dumago ang ilong ko.
"Pasensya na Baby, hindi nakabili si Tata. Mamaya ay bibilhan kita."
"Want. Many cars," ngumiti siya sa akin.
Pinisil ko ang pisngi niya. Binuhat ko siya at dinala sa banyo. Nilagyan ko ng tubig ang planggana.
Nilapag ko siya doon at hinayaan maglaro ng tubig. Hindi ko siya papaliguan dahil kakagaling niya lang sa sakit. Ayoko naman mahirapan ang pamangkin ko.
BINABASA MO ANG
Lie The Way You Love (Paradise Series#2)
Romance(Paradise Series #2) Take a risk or you won't be happy. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: November 23, 2020 Date Finished: April 1, 2021