Kabanata 16

145 6 5
                                    

Ngayon


"Kaninong bag 'to?"

"Akin 'yan."

Napalingon ako sa nagsalita at bumungad sa akin si Atticus na bagong ligo. Basa pa ang kaniyang buhok na tila hindi pa nagagawang punasan.

Napababa ang tingin ko at nanlaki ang mata ko nang makitang topless siya.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

"Bakit ka nandito?"

Tuluyan siyang pumasok sa loob at umupo sa kama.

"May hinahanap lang." Napabaling ako sa bag na nasa kama.

Mukhang puno 'yon dahil lumulobo. Na akala mo'y ay may pupuntahang malayo at matagal pa bago bumalik o baka hindi na talaga babalik?

Napatingin ako sakaniya na nakatingin lang sa akin na parang may hinihintay na sabihin ko.

Lumapit ako sakaniya.

Aalis na siya? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

Bigla akong nakaramdam ng tampo.

"Saan ka pupunta?"

"Sorry didn't tell you yesterday. You're so busy. You even went home so late. I'm going home, right now. I'm just waiting Tyrell's text," tipid siyang ngumiti.

Pilit naman akong ngumiti kahit nilalamon na ako ng tampo. Umupo naman ako sa katabi ng bag niya.

Kahit napaka reasonable ng rason niya nagtatampo pa rin ako!

Sa lahat ng tao dito sa bahay, ako palagi ang kasama niya dahil lagi siyang bumubuntot sa akin. Tapos hindi ko alam na aalis na pala siya? At ngayon mismo?

Alam na kaya nila Nanay? Ah! Nakakatampo talaga!

"Ah ganon ba... ayos lang."

Namutawi ang katahimikan. Nakatingin lang ako sa kalawakan.

Ilang araw na ang nakakalipas nung gabing umiyak siya sa harap ko. Yung araw na hinalikan niya. Yung araw na nalaman kong gusto ko na nga siya.

Kung alam ko lang na mapapaaga pala ang alis niya sana sinulit ko na. Hindi muna sana ako nagtrabaho kahapon.

"Come here."

Bigla akong napatingin kay Atticus. Wala pa rin siyang suot pang-itaas. Tila tinatamad niyang hinawi ang basang buhok.

Tinapik niya ang tabi niya. Hindi ko alam ngunit kusa akong sumunod sakaniya. Hindi na nagtanong kung bakit.

Tumayo ako at naglakad palapit doon. Nabigla ako nang bigla niya akong hilahin at pinaupo sakaniyang kandungan.

"Atticus!" nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sakaniya. Habang siya ay tila inaantok.

Pumulupot ang kaniyang braso sa bewang ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Mas lalo niya akong niyakap at natatakot akong marinig niya ang tibok ng puso ko.

"Payakap lang kahit sandali..."

Tila nanlambot ako sakaniyang sinabi.

Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam ng kaniyang bisig sa katawan ko. Ramdam ko ang init ng kaniyang balat. Parang ayaw ko ng umalis sakaniyang yakap.

Napatingin ako sakaniya. Nakapikit ang mata na tila nilalamlam ang yakap.

"B-Bakit?"

Minulat niya ang mata at tinitigan ako. Bigla naman akong nanigas. Hindi ko alam pero nakakabaliw ang epekto niya sa akin.

Lie The Way You Love (Paradise Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon