Sakit
"Atticus! Tama na!"
Panay ang pagtakbo ko. Ayokong mahuli niya ako dahil baka mabasa ako. Tanging ngisi lang ang iginagawad niya. Kahit ilang beses ko siyang sawayin ay hindi niya ako tinitigilan sa paghabol.
Nandito kami sa labas dahil dito siya naliligo. Naliligo si Julian sa loob kaya dito na lang siya.
Sinabi ko na sakaniya na pwede naman niya naman hintayin si Julian na matapos. Gusto niya na raw maligo.
Tawa ako nang tawa habang tumatakbo. Napatili ako nang bigla niya akong mahuli. Nakapulupot na ang kaniyang braso sa bewang ko. Binuhat niya ako na parang sako.
"Atticus! Ayoko maligo dito!"
"Shh... Kael is sleeping."
Nagpupumiglas ako pero ang higpit ng pagkakakapit niya at masyado siyang malakas. Dinala niya ako sa pwesto niya kanina. Kinuha niya ang hose at binasa ako.
Binaba niya rin ako. Hindi ko alam kung bakit ba ako nandito sa labas pinapanood siya kanina. Ito tuloy ang nangyari. Pati ako naliligo na.
Mahigit dalawang linggo na si Atticus. Alam na rin nila Nanay na kami. Natuwa sila. Nagkwentuhan pa sila ni Tatay at pinasabihan pa siya ng Kambal.
Masaya rin ako. Hindi ko aakalaing mas may isasaya pa pala ako. Akala ko masayang masaya na ako kahit sila Nanay lang at sila Monique ang meron ako. Pero hindi ko na alam na mas sasaya pa pala ako. Nandito si Atticus, kasama ko at walang palya akong pinapasaya palagi. Hindi ko alam kung anong kabutihang ginawa ko para makatanggap ako ng lalaking ganito.
Hindi pa namin nasasabi yung tatlong salita pero hindi ko naman minamadali. Baka hindi pa talaga masyadong malalim yung nararamdaman namin sa isa't isa, unti unti palang lumalalim. Kahit hindi ko naririnig sa kaniya ang ganong salita masaya na ako at kuntento.
"Bakit ba hindi mo na lang hinintay matapos si Julian maligo?"
Kanina ko pa nililihis ang mata ko sa katawan niya dahil nakakahiya kung mahuli niya akong napapatingin dito. Kanina pa ako naiilang dahil nakatopless siya.
Kahit na magnobyo't nobya kami, at kahit pa lagi maman siyang nakatopless sa loob ng bahay. Hindi pa rin ako sanay.
"Darling, my body is all yours. Huwag ka ng mahiyang tumingin," mapaglaro siyang ngumisi.
Sinamaan ko siya ng tingin at akmang kukurutin siya nang itapat niya sa mukha ko ang hose.
"Atticus!"
Tumawa lang siya. Nakakagaan ng kalooban ang tawa niya. Hindi ko pa siya nakitang tumawa ng ganiyan nung mga panahong dito pa siya nakikitira.
Nabitawan niya naman ang hose at sinimulan ko siyang habulin. Dahil maliit ang biyas ko ay hindi ko siya mahuli.
Tumigil siya sa pagtakbo at nabugo ko siya. Naramdaman kong humawak siya bewang ko dahil muntik na kaming matumba. Napatitig ako sakaniya. Magkalapit ang mukha namin. Ngumiti siya sa akin at hindi ko na rin napigilan at napangiti na rin.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi niya sa tungki ng ilong ko at bumaba sa labi ko. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Nakasubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Na tila sinisigaw ang pangalan ko.
"Tissia, you're the best thing came to my life. I don't want to lose you," bulong niya.
Dahan dahan kong niyakap ang braso sa kaniya. "Hindi ako mawawala."
May sinabi siya pero hindi ko na narinig. Tinuloy ko ang pagligo sa banyo. Inaaya ako ni Atticus na lumabas. May pupuntahan raw kami. Parang namang may alam siya dito na hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Lie The Way You Love (Paradise Series#2)
Romance(Paradise Series #2) Take a risk or you won't be happy. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: November 23, 2020 Date Finished: April 1, 2021