Chapter 16:DIVERGE(TUESDATE part 3)

15 1 0
                                    

Chapter 16

Movieworld :)

Pinapanood nanamin yung DNP at nasa kalagitnaan na kami. Eto na yung part na kilig kilig . Bigla naman akong napatingin sa kanan ko . Katabi ko si daniel, so gitna namin siya ni ....... ni claudia

Bigla niya kasing niyakap si daniel . Yung as in , yung nakikita niyo sa taas :) Yung konti nalang , mahahalikan na niya si daniel .

Hanggang sa natapos na yung movie . Paglabas namin , nakahinga naman ako nang maluwag . Hindi dahil sa nagcr si claudia , kundi dahil may hika ako .

"Ahhm. Una na ako daniel"sabi ko kay daniel . Nanlalamig yung kamay ko shet!

"What? Ihahatid na kita ?"Yaya niya . Eh pano si ..... claudia ? Kaano ano mo ba siya?

"Ahh..... wag na ! Wag na ! Samahan mo nalang si..........."di ko na natuloy sasabihin ko . Di ko alam sasabihin ko eh .

"You mean , claudia ? Haha . "Sabi niya . Nagnod ako , baka ito nga yung crush niya .

"Dont worry , ano kaba ! Its a malldate , pwede ko naman siyang pauwiin eh"nabigla naman ako sa sinabi niya , AT sa ginawa niya ! You know what ? Hinawakan niya yung kamay ko. Shemay! Siomai!siopao !

"Hah?..........ah eh , ano ?"sabi ko sa kanya at binitawan yung kamay niya .with matching kagat labi dahil kinakabahan . Enebeyen ! .

"Daniel ?Where we go next ?"tanong ni claudia . NagBuntaray nalang ako . Do you know that ? Buntong hininga with taray effects ?

"Ah......pwede mauna kana ?may mall date pa kase kami eh "nagulat ako sa sinabi ni daniel . Sinabi niya yun? Napalunok nalang ako bigla .

"A........ ganon ba ? Ok!sige !bye!"Sabi ni claudia sabay takbo ng mabilis . Nako sumama ata loob nun .! Sabi na kasing okay lang eh

"ANO BANG GINAGAWA MO ? MAMAYA MAG TANIM NANG SAMA NANG LOOB YUN SAKIN ! DI KA TALAGA NAGIISIP NO!"Napatigil naman ako sa pagsermon ko sa kaniya . Nang takpan niya yung bibig ko .

"Wag ka ngang sagot ng sagot!Di kita nililigawan!MAGINTAY KA , DADATING TAYO DIYAN"sabi niya . Pumiglas ako para matanggal yung pag takip niya sa bunganga ko .

"Tara !"Sabi niya , sabay hila sakin sa .... ewan place.

"Daniel !uwi na tayo! May gagawin pa ako!"sabi ko sa kanya . Nagpout naman siya . Grabe bagay sa kanya . Pero joke.

Hindi ! Hindi alex! ! Hindi mo siya dapat magustuhan , walang magandang patutunguhan to.

"Sige na nga , baka napapagod kana . Pero favor :)"sabi niya . Pacute pa siya eh .

"Whut?"Tanong ko sa kanya . Gaaaarabe !kailangan pag umuwi , may favor agad ?

"Tabi ka sakin sa kotse"sabi niya . Ok lang ! Saglit lang naman yun eh , wala ring mawawala . Nag nod ako.

Lumabas na kami ng mall . Buti masipag tong driver niya , laging hatid sundo . Laging andyan . Parang walang time na hindi siya hinatid sundo .

Sumakay na ako ng kotse . And now , katabi ko siya .

"Uwi na tayo kuya "Sabi niya sa driver niya "umalis na kami . Umusog ako ng konti para di kami masyadong tabi. Nagiging chicks nakasi siya eh .

Mayamaya pa ay napansin ko nang nilalamig si daniel . Parang lamig na lamig na talaga siya . Tulog siya eh.

"Kuya may jacket ka po ba diyan?"tanong ko sa diver . May binigay naman siya . Parang alam ko to ah . Ito ata yung pinahiram niya sakin nung nakatulog ako. Hay nako !di bale na !

Pinatong ko sa kanya yung jacket niya . Medyo nabawasan yung pangangatog niya .

"Alam mo? Kundi ka sana makulit sana minahal kita "nabigla naman ako sa sinabi ko sa kanya . Baka narinig niya ? ? Hindi yan! Tulog eh . Pero baka narinig niya? . Gosh !

"mam. Andito na po tayo ."napatingin naman ako sa sabi nung driver . Andito na pala ako sa bahay . Nako ! Lagot ako sa nanay ko ! Sabi ko saglit lang eh -,-

"Bye na daniel . Kuya bantayan niyo po ito ah"sabi ko sa driver . Tulog parin si daniel , bumaba na ako sa kotse at pumasok na sa bahay. Umalis na sila .

"Anak ?Bat ginabi kana ? Napapadalas na ata yung pag tututor mo sa kanya ah . Tutor ba yan o ...... pumapagibig kana ?"Tanong ni mama . Sa labas pa talaga ako sinermunan . Naglakad ako papasok nang bahay .

"Ma ! Tinuturuan ko po si daniel , tsaka ma okay lng po ako"sabi ko kay mama , nakapasok na kami sa loob . Nilapag ko na yung gamit ko

"Anak , pano kung may mangyari sayo? Pag inatake ka-----"

"MA , ! WLANG MANGYAYARI! WALA . OKAY LANG PO AKO. akyat na ako , inaantok na po ako"sabi ko kay mama . Sabay akyat pataas . Inaantok na ako .

DivergeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon