Chapter 24:DIVERGE (LigawanProd.)

12 1 0
                                    

Chapter 24

Di ako makapaniwala sa mga nagaganap ngayon ah! Grabe ! Nagtapat sakin si daniel? Nagtapat siya na mahal niya ako? AT ! Di mapigilan nitong makating bunganga ko yung pagsabi ng MAHAL DIN KITA XD

Ang landi ko !

Pero naawa ako sa kanya kahapon , pero nagagalit din , paano ba naman kasi !  Siya na yung may masayang buhay , siya pa yung magagalit galit sa mga natatanggap na blessings niya . Hmmp. Suntukin ko siya eh . Kamusta na kaya ate niya?

*facebookpop Ringtone*

'Goodmorning :) naka ready kana ba ? Sumakay kana !' Text ni daniel sakin . Di ko alam kung ano yung nararamdaman ko , tama ba tong pinasok ko? Pano kung isang araw eh pumunta siya sa bahay at madatnan niya na , yung pamilyang gusto nang mga magulang niya eh hindi ko mabigay .

Di ko nalang muna inisip yun  , nagpaalam na ako kay mama at bumaba na .

"Tara ! Namiss ko ang M.S ko ah!"sabi niya sakin . Ano ba yung MS ?

"Dandan!Whats M.S ?" Tanong ko sa kanya . Dandan narin yung tawag ko sa kanya .

"Haha , secret! Lets go!"sabi niya sabay hila nang kamay kamay ko papasok sa kotse . Andaya talaga nito!

"Sorry ah , sabi kasi ni dad sunduin na daw kita eh . "Sabi niya . Kasangga niya pa yung daddy niya . Nginitian ko lang siya .

Mga 5 minutes palang ay nasa school na kami , nakita ko naman yung mga  estudyante na excited makita si daniel .

Bumaba na kami , para bang sobrang sama nang tingin nila sakin.

"Hi daniel! Sali ka po sa campus crush ah ! Wait lang po pwede pong magpappicture ?"Tanong nung babae . Nagnod naman si daniel ,

"Ate ? Pwede po bang kuhanan niyo kami ?"sabi nung babae sabay abot ng camera niya , medyo maliwanag naman na kaya medyo kita rin sila ,

Pinicturan ko sila at sabay nagtititili yung babae . Natawa nalang kami ni daniel sa kanya .

"Pogi ko no ?"Tanong niya sakin , ngumiti lang ako sa kanya , sabay talikod at lakad papunta kela bell .

"M.S wait! Saglit!"Sigaw ni daniel . Ano siya chicks ? Di ko siya haharapin no!

"Vavoy! Nakita namin kayo nila daniel ah , magkayakap kayo ah !"sabi ni bell . Natawa naman ako kay bell . Hinila ko siya palayo sa barkada .

"Vhe?paano na to?"Tanong  ko kay bell .

"Anong paano nato?"tanong niya sakin . Kinakabahan ako .

"Mahal ako ni daniel , nasabi ko rin na mahal ko siya , Eh diba , gusto nang pamilya niya na Buo rin yung family ng mamahalin ng anak nila ? Nabanggit ko kay dandan na ........... na buo rin yung family ko -_-"sabi ko kay bell . Nanlaki naman yung mata niya . With mathching nganga pa

"...shet! Pano yan?"Tanong niya sakin , hinila ko nalang siya pabalik sa barkada . Nagbuntong hininga nalang ako .

"Ahh.....Guys  soon to be girlfriend ko!"sabi ni daniel sabay akbay sakin . Grabe sa sobrang kilig ng puso ko , sumisikip nanaman , lets countdown . We already have 5 months and 10 days

"Ayie ayie !sabi na ! Kayo at kayo ang magkakatuluyan eh!"sabi ni kaila . Wala pa ! Di ko pa sinasagot ! Di pa nanliligaw eh !

DivergeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon