Abot Kamay

52 6 5
                                    

Writer's Note: Character portrait of Jeremy (courtesy by ZenRoxen_Boy) on the multimedia section.

"Sabihin mo sa akin anong kailangan kong gawin upang malapitan, mamasdan, at mahawakan taglay mong kagandahan?"

-Orange and Lemons
(Abot Kamay)

"ɪᴋᴀᴡ ʟᴀɴɢ ᴛᴀʟᴀɢᴀ ang kakilala kong tuwang-tuwang napagalitan ng Nanay niya..."

Nasa kuwarto na kami ni Carley at nakahanda na sa pagtulog pero hindi pa rin maalis ang malaking ngiti sa labi ko habang patuloy na inaalala ang mga nangyari kanina. Ganito pala 'yon, 'no? Grabe pala talaga ang sayang mararamdaman mo oras na mapansin ka at makasama mo pa ang taong crush na crush mo. Pakiramdam ko, lumulutang ako ngayon sa sobrang tuwa.

"Ay, hala siya!" Nakita kong tumayo si Carley mula pagkakaupo sa upuan sa kuwarto ko at naglakad na papuntang kama kung saan ako nakaupo. Nakatingin lang ako sa kaniya at sinusubukan itago ang saya na nararamdaman ko. "So, ano? Ngingitian mo lang ako diyan? Hindi mo man lang ako kekwentuhan kung bakit umalis ka sa party kasama si Papa Aloy?"

"Wala iyon, 'no?" sagot ko, pagkatapos ay tinanggal na ang pagkakatupi ng kumot ko at inilagay sa ibabaw ng binti ko. "Walang ibig sabihin 'yon. Halika na nga, matulog na tayo!"

"'Luh siya!" sagot niya at tumabi na sa akin. "Wala daw pero iyong ngiti niya, abot langit na nga yata! 'Wag ako, beshie! 'Wag. Ako."

"Wala nga kasi..." Gusto kong mainis sa pangungulit niya pero ewan ko ba... Parang lahat ng nangyayari sa mundo, ang ganda-ganda! Ano ba itong dala ni Aloy sa akin at nagkakaganito ako? Nakakaloka! "Hindi pa ba napagod iyang bunganga mo sa kakadaldal mo kanina?"

"Hindi naman, ikaw ba?" Pagkatapos ay nanlaki ang mata niya, gulat na gulat sa na-realize niya. "Teka! Huwag mo sabihing..."

"Carley!" Hinampas ko pa sa kaniya ang unan at pagkatapos ay tumayo na at pinatay ang ilaw bago ako bumalik sa kama para mahiga. Narinig ko pa ang iilan niyang mga tanong pero parang wala rin naman iyon dahil wala nang mas hihigit pa sa lakas ng tibok ng puso ko.

━━━━━

ɪʟᴀɴɢ ᴀʀᴀᴡ ᴀɴɢ nagdaan bago ako naka-move on sa mga pangyayari pero simula noong gabi na iyon ay sobrang nag-iba na ang tingin ko sa milktea. Kung noon, kailangan ko pa inumin ang milktea bago gumaan ang pakiramdam ko, ngayon, ewan ko ba at makakita lang ako ng milktea, lumulundag na ang puso ko. Tulad na lang ngayon...

"Ay, teka nga! Teka lang, 'teh! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Sinulyapan ko siya at nakitang nakatingin siya sa direksiyon na tinitignan ko, isang estudyante na may milktea na nakapatong sa lamesa niya. Nagulat naman ako sa sapok na natanggap ko sa kaniya.

"Aray ko naman!" Napahawak naman ako sa likod ng ulo ko at sinamaan siya ng tingin. "Ano bang ginawa ko sa'yo, a? Kung makasapok ka naman..."

"Ginigising lang kita, bes!" malakas na sagot niya bago sumubo ng pagkain. Naalala ko na naikwento ko na pala sa kaniya iyong nangyari noong gabi na iyon kaya alam niya na rin iyong tungkol sa milktea. "Masiyado kang nadadala diyan sa isang gabing pag-ibig niyo ni Papa Aloy, e! Anong nangyari sa Bitter Ocampo self mo? Akala ko ba move-on na? Akala ko kakalimutan mo na? Ikaw na nga nagsabi, 'di ba? Walang chance..." Habang sinasabi niya pa iyon ay dinuduro-duro niya pa ako ng tinidor.

Napabusangot naman ako sa sinabi niyang iyon. "Alam ko naman iyon!" pasigaw na sagot ko sa kaniya at pagkatapos ay tinuloy na lang ang pagkain. "Pero masama bang baunin ko man lang iyong nag-iisa kong alaala sa crush ko? Minsan lang mangyari iyon, 'no? Ibigay mo na sa'kin ito..."

Rehashed [First draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon