Kailan

65 7 5
                                    

Writer's Note: Character portrait of Aloysius (courtesy by ZenRoxen_Boy) on the multimedia section.

"Kailan mo ba mapapansin ang aking lihimKahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin"

MYMP (Kailan)

...ᴘᴇʀᴏ ᴋᴜɴɢ ᴍᴀʏ isa mang tao na sobrang makulit at ayaw patalo sa aming dalawa, si Carley iyon.

Pagkatapos kasi ng araw kung saan sinabi ko sa kaniya na wala akong gustong gawin sa munting crush na nararamdaman ko para kay Aloy ay patuloy pa rin ang pilit nito sa akin. Ewan ko ba sa kaniya! I mean, naiintindihan ko naman ang gusto niyang gawin at nagpapasalamat ako, pero maling tao, e. Maling-mali.

"Unang beses mong nagkagusto sa isang tao, 'no!" depensa niya pa sa akin nang tanungin ko siya kung bakit niya ba ginagawa ito. Tinignan ko lang siya. "Okay, crush lang pala. Unang beses mong nagka-crush sa isang tao, kaya sayang naman kung palalampasin natin 'to!"

"Hindi nga kasi p'wede," ilang beses na sagot sa kaniya. "Kahit naman mapansin tayo no'n, wala pa ring chance na magkaroon ng something sa aming dalawa. Para sa kaniya, hindi kami talo, 'no!"

"Sino bang nagsabing kailangan magka-something?" tanong niya. "Makikipag-close lang tayo!"

Dumaan ang mga sumusunod na araw at patuloy pa rin ang pamimilit niya. Sobrang pinagsisisihan ko na talagang kinwento ko sa kaniya ang pagka-crush ko kay Aloy. Kung alam ko lang na ganito pala ang patutunguhan ng pangyayari, sana hindi ko na lang ginawa.

Isang araw noong lunchbreak, nakita naming puno na ang cafeteria at wala nang bakanteng lamesa rito. Dahil doon ay hinila ko na si Carley para sana maghanap na lang ng mesa sa school park pero pinigilan niya ako.

"Ayaw ko do'n, 'no!" reklamo ni Carley sa akin. "Ang init-init na nga dahil tanghali tapos iyong sapatos ko pa, napuputikan pa!"

"E saan tayo uupo? Wala na rin namang bakanteng upuan dito." Pagkatapos ay tumingin ako sa paligid hanggang sa nakuha ng isang tao ang atensiyon ko. Si Aloy. Nakaupo siya sa isang pang-apat na lamesa mag-isa. Tinignan ko si Carley at nakitang nakatingin din siya sa tinitignan ko bago ako tignan nang malaki ang ngisi. "Carley, alam ko 'yang iniisip mo... 'Wag mo na ituloy..."

"Halika na!"

Pagkatapos ay walang sabi-sabi na hinila niya ako gamit ang buong lakas niya, dahilan para mapasunod ako sa kaniya. Sinubukan ko siyang pigilan pero hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas niyang hilahin ako e ang liit-liit niya lang naman. Ang alam ko lang ay dahil sa lakas ng hila niya ay hindi na ako nakapalag. "Alam mo! Kung gusto mong mapalapit sa'yo ang taong gusto mo, dapat nage-effort kang makipagkilala dito—Hello! Aloy, 'di ba?"

Sa mga pagkakataon na iyon ay parang gusto ko nang palamon sa lupa. Nasa harap na namin si Aloy, at tumingin siya sa amin! Kalmahan mo sarili mo, Ephi. Gwapong tao lang 'yan... Kalma!

"Umm, yes?" kunot-noong tanong niya, kita ang curiosity sa mukha niya na siguro ay iniisip kung bakit alam namin ang pangalan niya. "May kailangan ba kayo?"

"Ahh, ano kasi..." Tinignan ako ni Carley pero sobra-sobra ang kaba ko to the point na hindi na ako makapagsalita. Mukhang nakuha niya na iyon dahil siya na ang nagpaliwanag. "Ask ko lang sana if p'wede kaming makaupo sa table mo? Puno na rin kasi dito sa caf kaya wala nang bakanteng upuan."

"Ohh, iyon lang pala. Sure."

"Yey!" Napapalakpak pa nang bongga si Carley habang sinasabi iyon, dahilan para magulat kami ni Aloy sa ginawa niya. Tinignan ko si Carley, nakita kong natigilan sandali bago magpaliwanag. "Ay, he-he. Pasensiya ka na! Gutom na gutom na kasi ako and happy lang ako na may upuan na kami... Halika na, Ephi! Upo na tayo! Doon ka, o!"

Rehashed [First draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon