You Are My Song

28 7 11
                                    

" And I know down inside, you are mine and I'm your true love... or am I dreaming?"

-Regine Velasquez (You Are My Song)

ᴍᴀʏ ɢᴜsᴛᴏ ʀɪɴ sa akin si Aloysius. Sigurado na ako. Hindi na ito panaginip. Totoong-totoo na ito. May gusto sa akin ang gusto ko at pakiramdam ko, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo!

Siyempre, hindi pa niya sinabi sa akin na gusto niya ako kahapon noong hinatid niya ako sa bahay. Wala namang naganap na espesyal doon, pero alam mo iyong feeling na sobrang ramdam mo na? Iyong parang ginawa niya na lahat ng sign? Iyong kulang na lang, sabihin niya ang dalawang salitang "Gusto kita"? Gano'n! Gano'n ang nararamdaman ko kay Aloysius. Hindi naman sa pagpapaka-hopia pero hindi naman ako manhid para makita iyon. Gusto niya ako. Alam kong gusto niya ako!

Malaki ang ngiti ko pagkagising kinabukasan at sa pagpasok sa eskwela. Pati nga madugong klase, walang panama sa saya ng nararamdaman ko. Ewan ko ba! Parang ang gaan-gaan sa pakiramdam. Pakiramdam ko, lumilipad ako sa hangin. Pakiramdam ko nasa langit na ako! Ito na ba 'yon? Ito na ba ang sign na happily inlove ka sa isang tao? Dahil kung oo, bakit ngayon ko lang naramdaman ito!

"O, ayan na siya, beshie! Kalma ka lang, a? Iyong puso mo..."

Hindi ko na pinansin itong si Carley at patuloy lang sa paglalakad sa cafeteria. Lunch time na naman at makikita ko na naman ang lalaking gusto ko... Oras na ng tanghalian at makikita ko ang lalaking may gusto sa akin.

Nakaharap ko na ang double glass door entrance ng cafeteria. Napatigil ako. Tinignan ang loob at doon, naabot siya ng tingin ko. Nasa harapan ko na siya, nakaupo sa dati naming inuupuan. Magkausap sila ni Jeremy. Napangiti ako at doon nagsimulang maglakad.

Dahan-dahan ang paglalakad ko, naka-focus lang ang tingin ko sa kaniya-sa destinasyon ko. Iyong mga tao sa paligid ko, parang nawala sa paningin ko. Ang tanging nakikita ko lang ay siya. Humakbang ako. Patuloy na humakbang na parang bride papunta sa kaniyang groom. Patuloy lang akong naglakad hanggang sa makita ko siya na mapatingin sa akin.

Nakita kong napatayo siya at gano'n din naman ang katabi niyang si Jeremy. Nakatingin si Aloy sa akin at nakita ko ang unti-unting pagkurba ng labi niya. Bumagal ang ikot ng mundo. Tumigil ang oras. Patuloy lang akong humakbang palapit sa kaniya... Abot-kamay ko na siya... Kaunti na lang... Lakad lang hanggang sa...

"Ay, jusko, Ephi naman!"

Kung gaano kabagal ang ikot ng mundo kanina ay ganoon naman kabilis ngayon. Isang segundo, kaharap ko si Aloy at kasunod na segundo naman ay kisame na ang kaharap ko. Napahawak ako sa kaliwang paa ko. Ang sakit! Ang sakit-sakit!

Una kong nakita ang mukha ni Carley. "Ano ba naman 'yan, Ephi! Hindi tumitingin sa dinadaanan!" narinig kong sigaw niya. "Kita mo nang basa ang dinaanan mo, ayan, nadulas ka pa tuloy!"

"Ephi, okay ka lang?" Napatingin naman ako sa kabilang side ko at doon ko nakita si Aloy, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Nakita niya kaya 'yon? Nakakahiya! Lupa, lamunin mo na'ko!

"Kaya mo bang tumayo?" sabi naman ni Jeremy, dahilan para mapatingin ako sa paligid. Nakita kong halos lahat ng mga tao, nakatingin sa amin at sa mga oras na iyon, alam kong kailangan ko na umalis dito para i-salba ang sarili ko sa kahihiyan.

Kaagad akong tumayo pero kaagad din namang bumagsak. "Aray!" daing ko nang maramdaman ko ulit ang kirot sa kaliwang paa ko. Napansin ko namang kaagad itong hinawakan ni Aloy.

"Masakit ba?" Sandali niyang ginalaw ito at mas nakaramdam ako ng sakit, dahilan para mapangiwi ako. "Mukhang na-sprain ang ankle mo. Kailangan mo pumunta sa clinic."

Rehashed [First draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon