Pahuling Salita

44 6 2
                                    

NOTE: Contains kadaldalan from the author himself. You can skip this dahil wala naman akong important announcement (Pramis! Check mo man! Ahuu) na nilagay pero kung gusto mo rin basahin, go lang! Pero kung aalis ka man at hindi ito babasahin, gusto ko lang mag-thank you sa pagbasa mo ng istorya ko! Maraming salamat sa suporta! Ahuuu. Kitakits sa susunod na story project, hopefully! Hehehe.

 Kitakits sa susunod na story project, hopefully! Hehehe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simple lang ang istorya na ito. Hindi kinakailangan ng matinding pag-iisip habang sinusulat. Ang kailangan lang, gumawa ng isang typical romantic-comedy story. 'Di bale nang cliché, mas maganda nga 'yon, e. Iyon naman kasi talaga ang plano. Isang typical love story sprinkled with typical scenes na sa sobrang gasgas, e hindi ka na magugulat sa mga sumusunod na pangyayari.

Pero teka! Wala nang bago? E bakit mo pa sinulat? Kung magiging honest ako sa inyo, hindi ko rin alam. Parang tanga, 'no? Pero ayon naman kasi talaga, hindi ko alam. May glimpse ako kung bakit, pero parang hindi pa buo ang picture. Ang masasabi ko lang... siguro kaya ko sinulat ito kasi gusto ko i-relive ang mga romance story na nababasa at napapanood ko. Gusto kong sariwain lahat ng mga love stories, pero this time, sa parehong sex naman.

Doon nabuo si Rehashed. Sabi ni Pareng Google noong tinanong ko siya kung ano ang ibig sabihin ng word na rehash, ito ang sagot niya: "put (old ideas or material) into a new form without significant change or improvement". Emphasize without significant change or improvement.

Gumamit ako ng iilang mga gasgas na eksena sa Wattpad stories. Ito ang ilang sa mga naging parte ng checklist ko:

Magsimula ang istorya sa paggising ng protagonist sa kaniyang first day of school kung saan late siya (pero hindi naman talaga na-late)? Check!

Banggaan with the other protagonist at laglag libro? Check ulit!

Sinungitan siya noong nakabanggaan niya pero kahit na ganoon, dahil fafable naman itong masungit na guy na ito, naging crush niya na? Check na check na check! Hahaha. Pero ayon, you get the point.

Basically, parang retelling lang ito. Gusto kong ipakita na kahit na pareho ang biological sex nitong dalawang bida, wala naman naging significant change sa istorya. Pareho pa rin ang naging daloy. Nasundan ang romantic-comedy formula na walang kahirap-hirap. Iyon ang central point nitong istorya. As gasgas as it sounds, wala talagang kasarian ang pagmamahal.

This is also my way of fighting against heteronormativity. Maliban sa isang part ng story na may theme na ganito, ito rin ang purpose kung bakit old song titles ang ginamit ko bilang chapter titles. Kapag kasi narinig natin iyong mga kantang iyon, karamihan sa atin, iniisip na kung lalaki man ang singer, "Ah, baka para sa babae iyong kanta na'to" o kapag babae, vice versa. Iniisip natin iyon without thinking na what if same sex pala itong kinakantahan niya? Iyon ang gusto kong ipakita. Gusto ko ipakita na it doesn't just work sa heterosexual couples, na it also works sa same sex. Hashtag LoveIsLoveIsLove. Hahaha.

Pero ayon... Sobrang na-enjoy ko itong pagsusulat ng istorya na ito, siguro kaya natapos ko siya (Nakatapos ako ng isang istorya! Finally! After so many yearssss! Waaaah!). Ang light lang din kasi ng istorya. Wala siyang masiyadong twist and parang easy-read lang siya. Ibang-iba sa mga sinusulat ko. Dito kasi, hinayaan ko ang sarili ko na i-enjoy na lang ang pagsusulat nito. Parang bumalik ako six years from the past kung saan hindi ko kailangan isipin iyong kung ano ba iyong quality ng sinusulat ko (pero iniisip ko pa rin dito, pero at least, nabawasan na, ahuu) at saka iyong conflicts, gano'n. Hindi masyado complicated ang plot. Parang wala lang... Parang nage-enjoy lang ako sa pagsusulat ko at wala nang iniisip pa.

Pinakana-enjoy ko ngang isulat dito ay iyong scenes nila Carley at Ephi. Iyong kulitan nila with each other at kung ano-anong kalokohan... Pakiramdam ko kasi, nando'n ako at nakikikulit ako sa kanila. Siguro nga, kung nandoon ako, baka hindi lang pang-isang tropa ang bunganga namin... Baka pang-isang buong school pa! Hahaha.

Natuwa rin naman ako siyempre doon sa kung papaano mag-react si Ephi kapag nandiyan si Aloy. Bukod kasi sa nakakatuwang basahin itong si Ephi being a "Panic Gay" (I don't know the right term, pero may nabasa kasi ako na parang ganyan ang term doon? Please correct me if I'm wrong na lang), ewan ko pero somehow, it reminds me of what first love feels like. Does it make sense ba? Pero iyong unbearable feeling of kilig kapag nandiyan iyong crush mo malapit sa'yo tapos iyong mga kahihiyan na ginagawa mo (or ako lang gumagawa? Please tell me kayo rin, ahuuu), iyong daydreaming, at saka iyong... Basta! Iyong innocence siguro.

So, ano pa bang mga dadaldal ko dito? Hahaha. So, parang iyon lang naman yata so I'm going to wrap this up. Binawi ko lang talaga iyong sampung chapters na hindi ako nakadaldal kaya dito ako dumaldal, at kung umabot ka man dito... Maraming salamat! Salamat sa pagbabasa ng Rehashed... Salamat sa pagbabasa ng daldal ko rito na hindi ko ba alam kung nagme-make sense o may kuwenta, pero binasa mo pa rin! Nag-uumapaw na pasasalamat ang gusto kong ihatid sa'yo! Ahuuu.

Anyway, if gusto mong mag-share ng tungkol dito sa istoryang ito or may gusto kang sabihin, kahit ano pa 'yan! Just comment it here and I'll do my best para reply-an iyon (Wow! 'Kala mo talaga, 'no? Hahaha). Daldalan tayo.

Kung may mga gusto ka naman comments ka naman at suggestions para sa improvement nitong istorya na ito, salamat dahil naisip mo 'yon! Kailangan na kailangan ko talaga! Ahuuu. Basta kung mayroon man, comment lang din dito.

So, ano pa ba? Iyon lang naman siguro. Ayon, salamat ulit and sana makita pa kita next story ko! Hehe.

Love Always,
wordsandlenses

P.S. If nakaabot ka pala dito and gusto mo ng dedication sa isa sa mga chapters na ito, please comment lang kung saang chapter mo gustong pa-dedicate and if available pa, then i-dedicate natin. This will also help me na makita and matandaan kung sino ang mga naunang nagbasa ng istorya ko... Hehe.

Rehashed [First draft]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon